KABANATA 69 Hinihingal si Lucianna habang patakbo siyang lumalabas sa kanilang mansyon. Agad naman nakasunod sa kanya ang kanyang anak na si Lucas na dala-dala ang bag ng ina na dahil sa pagmamadali ay hindi na niya iyon nakuha. Alam ni Lucas na kakailanganin ng kanyang ina mamaya iyon kaya hindi na siya nagdalawang-isip na hablutin iyon. Nakasunod siya sa kanyang ina na may kaba rin sa kanyang dibdib dahil nag-aalala siya sa kanyang dalawang kuya na ngayon ay nasa hospital. Wala pa silang balita dahil parehong nasa operation room ang dalawa. Pinagbuksan niya ng pintuan ang kanyang ina. Hirap na hirap siya sa paghinga, nakahawak na ito sa kanyang dibdib kaya pilit siyang pinapakalma ni Lucas. “Nothing bad will happen, mom.” sambit ni Lucas sa kanyang ina at para na rin sa kanyang sar

