KABANATA 57 Gulat ang dalawang magkaibigan dahil hindi naman nila inaasahan ang pagpunta ng Senyorito sa bahay nina Chaaya. Bahagyang dumikit si Chaaya sa kanyang kaibigan nang sa gayon ay marinig ni Angela ang kanyang ibubulong na tanong dahil ayaw niyang marinig iyon ng Senyorito sa kanilang harapan na nakasuot din nang kapareho nilang shirt dahil para iyon sa kampanya ng Senyor. “Angela, bakit nandito ang Senyorito?” pagtatanong ni Chaaya. Madalang na lang sila mag-usap ni Lucius dahil halos umaalis at balik lang din siya sa Isla. “Hi-hindi ko alam,” sagot ni Angela sa kanyang kaibigan at bahagyang kinakabahan dahil sa tingin ng Senyor sa kanila. “Sigurado ka bang wala kang alam dito?” muling pagtatanong ni Chaaya. Agad naman na tumango si Angela dahil wala talaga siyang alam sa

