KABANATA 58 Natahimik si Chaaya sa tanong sa kanya ng kaibigan—natauhan kumbaga. May punto naman ang kanyang kaibigan dahil medyo sobra ang reaksyon niya doon. Nainis lang talaga siya na para bang kabute na lang ang Senyorito na basta na lang susulpot kung kailan niya gusto. Nalilito na rin siya sa pinapakita nito dahil hindi niya alam kung mahalaga ba siya sa Senyorito o hindi dahil kaya niya itong iwanan nang hindi man lang nagpapalaam. Tumikhim si Chaaya tiyaka siya bahagyang nag-iwas ng tingin. Marahan niyang hinahampas ang kanyang shoulder bag dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Napansin naman ni Lucius iyon, gusto man niyang asarin ang dalaga ay alam niyang kailangan niyang isalba ito sa tanong ng sariling kaibigan. Makabawi man lang siya sa mga araw na bigla na lan

