KABANATA 74

1047 Words

KABANATA 74 Natigilan si Chaaya sa sinabi ng kanyang ina. Lagi naman tinatanong ng kanyang ina iyon sa kanya pero ngayon lang siya natigilan. Alam niya na sumagi na sa kanyang isipan na hindi na pangkaraniwan ang pagtrato sa kanya ng Senyorito, ang kaso nga lang ay ayaw niya lang itong bigyan ng kahulugan dahil ayaw niyang masaktan. Lalo na dahil nalaman niya sa kanyang kaibigan kung gaano kamahal ng Senyorito ang unang babaeng dumating sa kanyang buhay bago pa man sila nagkakilala. Natatakot siya na baka bumalik ang babae sa buhay ng lalaki at doon lang malaman ng Senyorito na tanging pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa dalaga. “Natatakot po ako, ‘nay.” buong loob na sambit ni Chaaya sa kanyang ina. Natigilan ang ginang sa pagtutupi dahil sa sinabi ng kanyang anak-anakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD