KABANATA 75 Nakalagay ang baba ni Chaaya sa malaking walis na halos kasinglaki lang niya habang pinagmamasdan niya ang malawak na karagatan at dinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Tahimik at payapa ang lugar na ito dahil malayo siya sa mga beach resort kung saan marami ang turista. Kaya naman kahit na pagod siya sa paglilinis ay nawawala ang kanyang pagod sa ganda ng imahe na kanyang nakikita at kahit na mainit ay hindi niya alintana dahil kumakalma ang kanyang kalooban kapag naririnig niya ang alon na humahampas sa dalampasigan. “Chaaya,” napatingin siya sa kanyang kasamahan nang tawagin siya nito. Agad niyang binati ang Ginang. Hindi niya alam kung bakit napapunta ito sa dalampasigan gayong siya lang naman ang laging nandoon at kung nasa mansyon ang dalawang Senyorito ay sila

