KABANATA 51 “Wala ka man lang tinulong sa akin,” reklamo ni Lucius sa kanyang pinsan dahil nandoon lang siya sa may pintuan habang pinagmamasdan siya. Natahimik lang sila ng ilang minuto hanggang sa natapos na siyang mag-impake at nasarado na niya ang zipper ng kanyang maleta ay hindi man lang tumulong ang kanyang pinsan o kaya naman ay nagsalita. “I’m just wondering,” sagot ni Ethan habang pinagmamasdan niya pa rin ang kanyang pinsan. Umaasa siya na mabibigyan kasagutan ang kanyang mga katanungan na naglalaro sa kanyang isipan kung bakit ganon kadali na lang siyang napakiusapan ng kanyang ina. “You shouldn’t care about it anyway,” wika naman ni Lucius kay Ethan tiyaka niya sinalubong ang mga tingin nito. “Nagpaalam ka na kay Chaaya?” pag-iiba na lang ng topic ni Ethan. Kung biglaan

