KABANATA 52 Naghuhugas ngayon ng plato si Chaaya dahil tapos na silang mag-hapunan ng kanyang pamilya. At dahil iyon lang naman ang alam niyang gawin ay iyon lang din naman ang naiaambag niya kapag usapang pagkain. Hindi naman din siya marunong magluto kahit na tinuruan na siya ng kanyang kapatid ay hindi pa rin nagiging maganda ang lasa. Baka hindi lang masabi ng kanyang mga magulang at kapatid iyon kaya siya na ang umalis sa pagluluto, ayaw naman niyang magkasakit ang pamilya niya. Hindi niya alam pero parang hindi siya pinanganak para sa mga ganitong gawain, siguro ay pinanganak talaga siya para magtrabaho pero hindi trabaho sa bahay. “Kasama ka pala sa campaign, ate?” pagtatanong sa kanya ni Suzzie. Tumango naman siya bago niya pinunasan ang kanyang kamay sa towel. “Sayang din iyo

