KABANATA 53 Napatingin si Ethan sa dalaga. Tinitigan niya lang ito habang nakatingala si Chaaya at nakatingin sa bilog na buwan sa kalangitan na napapalibutan din ng mga bituin. Pareho sila ng kanyang pinsan na si Lucius na napapansin ang kalungkutan ng dalaga sa mga mata nito. Kahit pa na nakakurba ang labi ni Chaaya, nakangiting tinititigan ang buwan ay hindi naman nagsisinungaling ang kanyang mata. Malungkot ang mga mata nito at para bang nakatitig si Ethan sa isang malalim na alon na kung sisirin niya ay hindi siya kaagad makakabalik sa dalampasigan katulad na lang ng isang alon na lagi’t-laging bumabalik sa dalampasigan. Suminghap na lang si Ethan dahil gusto pa niya sanang sermunan ang kanyang kaibigan dahil labis siyang nag-alala sa desisyon nito na lapitan siya gayong hindi nama

