KABANATA 62 Nag-iba bigla ang ihip ng hangin dahil naiwan sina Chaaya at ang Senyorito na magkasama. Medyo malayo sa iba nilang kasamahan na para bang nirerespeto nila ang pribadong buhay. Pero kahit na malayo ang mga ito ay nadarama pa rin ni Chaaya ang mga matatalim na tingin ng kayang mga kasamahan. Ayaw niya man pag-isipan ng masama ang ilan ay hindi niya maiwasan na isipin na meron sinasabi ang kanyang mga kasamahan tungkol sa kanya at sa pagiging malapit niya sa Senyorito. Hindi niya alam na masyado pa palang mainit na usapin ang pagkakaroon ng kaibigan sa kakaibang kasarian. O dahil baka isa ang kasama niya sa pinakamakapangyarihan na tao sa Isla kaya naman ganoon na lang din ang nakukuha nilang atensyon sa mga tao—malawak. Kaya naman kahit na ayaw ni Chaaya na pag-usapan ng mga

