KABANATA 61 Sa mga narinig na salita ni Chaaya tungkol sa dating Mayor na nasampahan ng iba’t-ibang kaso pero nagkaroon pa rin ng tiyansa na tumakbo ngayong eleksyon ay masasabi niyang makapal ang mukha ng taong iyon. At isa pa, dahil sa mnga narinig niya ay nainitndihan na niya kung bakit natatakot ang mga tao sa kanya dahil may mga kaya siyang gawin na masasamang bagay mapanatili lamang ang kanyang pera o ang kanyang kapangyarihan kahit pa na ikakapahamak ng ibang tao iyon. Tipikal na isang politiko ang galawan niya kaya hindi na rin siya magtataka. “Ang lalim ng iniisip mo ah?” umupo ang kanyang kaibigan na si Angela sa kanyang tabi. Natapos na niya ang task na binigay sa kanya kaya naman naisipan niyang tulungan ang kanyang kaibigan. “Ah wala lang,” sambit ni Chaaya. Hindi niya ma

