KABANATA 66 Sa pagdating ng mga pulis ay lalong dumami ang putukan gayon din naman ang paglakas ng sigaw ng mga tao dahil natatakot na sa kanilang buhay. Luminga-linga si Chaaya sa kanyang paligid dahil kailangan na niyang makahingi ng tulong, tutulungan din naman siguro agad siya kapag nakita nila kung sino ang nasa hita niya na duguan at halos nilalaban na ang kamatayan sa mga oras na ito. Pero sa paglinga niya ay hindi niya maiwasan na maawa sa mga dinanas ng iba pa na may tama na rin, ang iilan ay hindi pa malaman kung buhay pa ba dahil nakahandusay na sila sa sahig. Ang iilan naman ay umiiyak na sa dahil nadaplisan o ‘di kaya naman ay natamaan na sila ng bala. Tiningnan niya ang kanyang kaibigan na ilang pulgada ang layo sa kanilang dalawa ng Senyorito. Hindi niya maiwasan na mapak

