KABANATA 64 Isa…Dalawa..Tatlo. Hindi lang isa kung hindi tatlong bala ang tumama sa kanyang katawan. Hindi maintindihan ni Chaaya ang kanyang pakiramdam, nanghihina na siya at unti-unti na siyang napaluhod sa sahig. Hindi na niya ianlintana ang pagsigaw ng isang lalaki sa kanyang pangalan. Hindi na rin niya inalintana ang sigawan mula sa iba’t-ibang mga tao na nagpapanic at hindi nila alam kung paano makakaligtas sa palitan ng bala. Kahit na maraming nagtatakbuhan sa iba’t-ibang lugar ay hindi na niya masyadong marinig ang mga yabag ng mga ito. Nanatili na isang nakakabinging tunog na hindi niya mawari sa kanyang pandinig. Pilit niyang tinatagan ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi siya makakilos—alam niyang ikapapahamak niya ang hindi paggalaw pero hindi

