KABANATA 45
Tinatapos ni Dylan ang kanyang trabaho ngayon at sinubukan na tapusin din ang kanyang mga trabaho sa susunod na bukas dahil natanggap na niya ang mensahe galing sa kanyang ina na dalawang araw at isang gabi siya mamalagi sa Isla. Sa isang Isla na hindi man niya alam na nag-exist pala. Nang matanggap niya ang mensahe sa kanyang ina ay agad niyang tinawag ang kanyang secretary hindi lang dahil nagpadala siya ng gamot sa sakit sa ulo kung hindi para utusan na rin ito para ayusin ang kanyang schedule dahil sa biglaan na pag-alis niya sa siyudad.
Kahit na ayaw naman niyang gawin ay wala na rin naman siyang magagawa pa. Nagdesisyon na ang kanyang mga manugang at ang kanyang mga magulang na parang iniipit na siya sa sitwasyon. Alam din nila kung paano siya manipulahin kaya hindi niya maiwasan ang pag-kirot ng kanyang ulo dahil. Napapailing na lang siya at pinipilit niya ang kanyang sarili na huwag mag-isip ng bagay na tungkol doon kung ayaw niyang masiraan ng bait.
Muli na naman bumukas ang kanyang pintuan nang wala man lang narinig na pagkatok at pabagsak pa itong sinara. Tamad siyang tumingin sa babaeng balot na balot, kilala na niya kaagad kung sino man ang papasok sa kanyang opisina niya na wala man lang pahintulot at kung sino sa mga kakilala niya ang halos ibalot ang kanyang sarili para walang makakilala sa kanya.
“Well, guess what?” agad na sambit ng babae pagkatapos niyang pabagsak na umupo sa couch sa kanyang opisina pagkatapos na tanggalin ang kung ano mang nakatakip sa kanyang mukha kagaya na lamang ng palagi niyang ginagawa.
Napahilot na lang muli si Dylan sa kanyang suntido dahil kailangan niya na namang makinig sa ranta ng kaibigan ng kanyang asawa. Mukhang tinotoo talaga ni Rhian ang kanyang hinala noon na siya ang nakikita niyang kapalit ng kanyang kaibigan para makinig sa kanya.
“What are you doing here this time?” pagod na tanong ni Dylan kay Rhian. “Are you not afraid that some crazy reporter tailed you and reported you’re having an affair with your best friend's husband?” pagtatanong ni Dylan dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng issue sa isang sikat na aktres gayong hindi na niya alam kung paano solusyunan ang kanyang problema ngayon ay gagawa pa ba siya ng iba niyang problema?
“You’re rude, ‘no?” pagtatanong sa kanya ni Rhian habang nakangiwi siya dahil para bang tinataboy na siya ng lalaki kahit na hindi pa siya nakakapagsimula sa kanyang sasabihin. Pumunta siya rito para magbuhos ng sama ng loob sa kanyang mga magulang kung bakit siya pinipilit sa bagay na hindi naman niya gusto.
Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng kanyang kaibigan na si Chaaya noon sa t’wing may pinapagawa sa kanya ang kanyang mga magulang na labag sa kanyang loob. Ngayon lang kasi siya pinapakialaman ng kanyang mga magulang, wala man nga silang sinabing kakaiba sa pagpasok niya sa showbiz kahit na mas gusto nilang siya ang mamahala sa kanilang kumpanya. Kaya naman para siyang nasasakal ngayon dahil sa gusto ng kanyang mga magulang.
“Anyway, wala ka naman ng magagawa dahil nandito naman na ako.” wika ni Rhian tiyaka pa niya hinampas ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay tiyaka siya sumandal sa sofa at pinagkrus ang kanyang mga hita. “Wala ka namang choice kung hindi makinig sa akin. Kung ayaw mo ng makinig, ibalik mo ang kaibigan ko.”
Bumuntong hininga si Dylan para pigilin ang kanyang sarili. Sa pananalita ng kaibigan ng kanyang asawa ay para bang tinatago niya ang kanyang asawa o kaya naman ay siya lang ang may kasalanan kung bakit ito nawala. Inaamin namna ni Dylan na may kasalanan siya kung sakali man dahil ang huling ala-ala niya pa sa kanyang pinakamamahal na asawa ay ang pag-aaway pa.
“Why don’t you just call James and rant your concern to him?” pagtatanong ni Dylan gamit ang pagod niyang boses. Tutal ay pumupunta rin naman ang kanyang kaibigan hindi lang dahil tungkol sa kanyang asawa kung hindi nagraranta din siya ng kung ano-anong bagay sa kanya katulad na lang ng ginagawa ni Rhian sa kanya.
“We’re not close,” sambit ni Rhian tiyaka niya inikutan ng mata ang asawa ng kanyang kaibigan. Tinignan niya ang bagong manicure niya na kuko tiyaka niya ito marahan na pinaglaruan nang sa gayon ay mawala ang inis niya kay James.
“You’re always here ranting about him or with something,” wika ni Dylan. “Are you sure no one, especially the media followed you?” pagtatanong ni Dylan dahil gusto niya lang makasugurado na wala na siyang magiging problema sa pagbisita lagi ni Rhian dito sa kanyang opisina.
“I am really sure,” sambit ni Rhian dahil maingat naman siya sa pagpunta niya dito. Hindi maiwasan na mag-alala ni Dylan at hindi niya maiwasna na pagdudahan na walang nakasunod kay Rhian.
“How can you be sure? Mainit ang mata sayo ng media lalo na at may bago kang movie.” sambit niya kaya bumuntong hininga si Rhian dahil alam niyang may punto naman si Dylan sa sinabi niya.
“Don’t worry too much about that, I can handle the media.” sambit ni Rhian para kumalma na ang asawa ng kanyang kaibigan.
“You can surely handle them but I can’t,” sagot sa kanya ni Dylan. “I have a lot of problems in my hand right now and I don’t need another one.”
“Come on, we both know we’re not doing anything wrong. And ew, why would I-” hindi maituloy ni Rhian ang kanyang sasabihin dahil sa pandidiri habang nakatingin sa lalaki.
“They won’t put any malice with me being here, the media doesn’t know that your wife is missing. Tayo-tayo lang din pala ang may alam. So, it is safe to answer, I am visiting my best friend so don’t overthink such things that wouldn’t happen.” pagbibigay ng assurance niya sa lalaki.
“So, bago pa sumama ang loob ko sa’yo, kailangan ko ng ilabas ang sama ng loob ko bago pa man ako pumunta dito.” wika ni Rhian dahil hindi siya makapaniwala sa desisyon ng kanyang mga magulang.
“My parents just trapped me!” pagrereklamo niya na tila may magagawa si Dylan sa pagsusumbong niya. “You know they want me to date this guy kasi magiging maganda lalo ang takbo ng kumpanya dahil sa apilido nila!” inis na sambit ni Rhian na ayaw na ayaw kung ano man ang napag-desisyunan ng kanyang mga magulang.
Sandaling nakuha ni Rhian ang atensyon ni Dylan dahil pareho sila ng sitwasyon ngayon. Pareho din silang may mahal ng iba habang nilalakad sila ng kanilang mga magulang sa mga taong hindi naman nila mahal o baka nga hindi rin masyadong kilala ni Rhian.
“Tell them you’re one of the stars in showbiz who cannot be seen with someone in public,” sagot na lang ni Dylan. Dahil mabuti pa siya ay pwede niyang idahilan ang kanyang showbiz career para hindi na siya pagpilitan ng kanyang mga magulang sa taong hindi naman niya gusto.
“I already did,” sambit ni Rhian tiyaka pa siya napabuntong hininga dahil wala na siyang ibang idahilan. Umangat muli ang tingin ni Dylan mula sa binabasa niyang papeles sa mukha ng dalaga na para bang nawawalan na siya ng pag-asa.
“They still pushed it?” pagtatanong nito tiyaka marahan na tumango si Rhian.
“My cousin was already on the island,” sambit pa niya. “I should go there to visit and unwind. Walang masyadong media dahil hindi masyadong sikat ang isla. Kaya sinabi nila na pabor ang hindi masyadong pamilyar na isla sa akin.” dagdag pa ni Rhian na tila naghihingi ng tulong kay Dylan. Kumunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ng babae, pamilyar na pamilyar ang sinasabi niya.
“What island is this?” matigas na tanong ni Dylan dahil mukhang pareho nga sila ng pupuntahan.
“Isla Vida,” sagot ni Rhian na tila inaalala kung narinig na niya ang isla na iyon. “Do you hear anything about that island? Kung hindi ko lang magulang ang nag-utos sa akin non matatakot ako. I didn’t know that island existed.” dagdag pa ni Rhian.
“Wala talaga akong alam sa isla na iyon, it’s not even on the internet.” pagkasabi ng kanyang ina at wala na siyang magagawa o maidadahilan pa ay kaagad niyang sinearch sa internet kung saan iyon nang sa gayon ay madali siyang makatakas dahil ayaw niya talaga na matuloy o makilala man lang ang pinipilit ng kanyang mga magulang sa kanya. Pati nga ang Senyora ay lagi siyang ginugulo na bisitahin ang kanyang pinsan sa isla.
“Isla Vida?” pagtatanong ni Dylan dahil hindi siya pwedeng magkamali na iyon ang sinabi ng kanyang ina sa kanya kanina.
“Yes,” agad na sagot ni Rhian tiyaka niya tiningnan ang lalaki. “Why? Do you know that place?” takang pagtatanong ni Rhian sa kanyang kaibigan na punong-puno ang pag-asa sa kanyang mukha na pwede niya itong pagtanungan kung saan siya pwedeng magtago na lugar.
“No,” sagot ni Dylan na siyang kinabagsak ng balikat ni Rhian. Mukhang wala na siyang choice kung hindi sabihin ang balak niyang plano kay Dylan.
“Can you tell James to abduct me?” pagtatanong niya na siyang ikinamilog ng mata ni Dylan.
“Are you serious?” nagtatakang tanong sa kanya ni Dylan.
“Se-seryoso po ako,” sagot ni Chaaya kay Lucius nang tinanong niya ito kung seryoso bang ayos lang siya sa loob ng kusina.
Hindi na niya alam kung ano ang nangyari kanina. Ang alam na lang niya ay nakayakap na sa kanya si Lucius tiyaka niya ito inaalalayan na bumalik ito sa kusina—malayo sa mga tao.
Nang nilapitan siya ni Lucius ay agad niyang hinawakan ang magkabilang-balikat nito para matingnan kung ayos lang siya. Patuloy lang nakangiwi ang dalaga at patuloy lang din siyang nakahawak sa kanyang ulo habang paulit-ulit niyang sinasbai kung gaano kasakit ang kanyang ulo.
Gusto man niyang buhatin ang dalaga paakyat sa kanyang kwarto ay hindi niya magawa dahil nandito ang Senyora. At alam niyang mapapagalitan na siya mamaya ng kanyang ina dahil sa ginawa niya ngayon. Buhat-buhat niya ang dalaga papunta sa kusina kung saan malayo sa mga tao. Nakapikit pa rin si Chaaya habang buhat-buhat siya ni Lucius at pilit na sinisiksik ang kanyang mukha sa dibdib ng binata kaya namna hindi nakilala kung sino ang buhat-buhat ng Senyorito.
“Chaaya!” sigaw agad ni Angela nang makita niya ang Senyorito na dala-dala ang kanyang kaibigan. Nag-aalala siya dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang kaibigan pero nagtrabaho pa rin siya.
Napakagat sa labi si Angela dahil hindi niya maiwasan na sisihin ang kanyang sarili dahil sa kanya ay nagkasakit ang kanyang kaibigan. Sigurado siya na gustong magpahinga ni Chaaya ang kaso nga lang ay sinabi niyang hindi siya tatanggapin sa trabaho kung wala siya.
“Someone clean the glass inside, please.” Pakiusap ni Lucius kaya naman agad na kumilos ang isa sa kanila dahil mukhang alam na nila kung ano ang nangyari. Nakita naman nila kanina si Chaaya na may dalang baso at ngayon ay bitbit siya ng Senyorito na akala nila ay walang malay.
“Pa-pakibaba ako p-please,” nahihirapan na sambit ni Chaaya dahil ngayon lang ulit sumakita ng ulo niya ng ganto katindi. Hindi niya alam kung ano ang naging dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo.
“No,” sambit ni Lucius. “Do you want us to go to the hospital?” paghingi niya ng permiso ng dalaga pero umiling si Chaaya.
Una dahil ayaw niyang mapagastos at pangalawa ay dahil ayaw niyang malaman ng kanyang kaibigan tiyaka ng ibang tao ang tungkol sa kalagayan niya. Hindi niya alam pero para sa kanya ay nakakahiya na wala man siyang alam sa nakaraan niya o wala man siyang ala-ala na masasabi sa kanila. Nakakahiya na maging siya ay hindi niya kilala ang kanyang sarili—kung sino ba talaga siya at kung ano ang mga nagawa na niya noon. Isa pa ay ang aksidente na kinasangkutan niya na dahilan ng pagkawala ng kanyang ala-ala.
Dahil sa pag-iisip doon ay lalong kumirot ang kanyang ulo kaya impit siyang napasigaw habang nakahawak sa kanyang ulo.
“What happened?” agad na dumalo si Amelia sa kanila nang marinig niya ang pagkabasag ng baso sa gitna kaya agad siyang pumunta sa kusina para tanungin ang mga trabahante pero nakita niya ang kanyang alaga, dala-dala ang pamilyar na babae habang impit na umuungol sa sakit.
“Kanina pa po masakit ang ulo niya, uminom na rin naman po siya ng gamot pero mukhang lumala pa ang kanyang sakit.” pagpapaliwanag ni Angela kay Amela.
“Bitawan mo muna siya dito,” sambit ni Amelia tiyaka niya kinuha ang isang monoblock chair.
“But-” tatanggi sana si Lucius dahil gusto niya sana na pumunta na sila sa hospital dahil mukhang hindi pangkaraniwan na sakit ng ulo ang nararanasan ng dalaga ngayon.
“Gusto niya ba?” pagtatanong ni Amelia sa kanyang alaga kaya naman labag man sa kanyang kalooban ay inupo ni Lucius ang dalaga sa upuan.
“Are you okay?” pagtatanong ni Lucius habang iniipitan ng maayos ni manang Amelia ang dalaga. Unti-unting minulat ni Chaaya ang kanyang mga mata dahil tingin niya ay kaya na niyang imulat ang mga ito.
“A-ayos lang po ako,” sagot niya sa Senyorito habang sinisilip pa ni Amelia ang kanyang temperatura kung nilalagnat ba siya o hindi.
“Are you serious?” pagtatanong ni Lucius dahil hindi siya makakabalik sa loob kung hindi doctor ang magsasabi sa kanya na maayos ang kalagayan ni Chaaya.
Unti-unti rin naman nang nawawala ang kirot sa ulo ni Chaaya, mukhang nagulat lang ang kanyang utak dahil sa boses na narinig niya. Pero hindi lang niya alam kung kanino galing iyon, basta ang alam niya ay pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki.
“Se-seryoso po ako,” sagot ni Chaaya.
“Ano bang nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?” sunod-sunod na tanong ni Amelia. Nag-aalala rin siya sa dalaga dahil nakasama niya ito sa paghahanda sa kaarawan at maayos naman ang ugali niya.
“Medyo sumumpong lang po ang ulo ko, pero ayos na po. Nawawala na po,” sagot niya.
Kumunot ang noo ni Lucius dahil sa termino na ginamit ng dalaga. Sumumpong? May sakit ba siya para sumpungin siya? Gusto niya sanang magtanong pero alam niya na hindi ito ang tamang oras para doon kaya kinalma niya muna ang kanyang sarili.
“Pwede ka naman ng magpahinga,” wika sa kanya ni Amelia. “Don’t worry, hindi mababawasan ang sahod mo kung iyon ang pinag-aalala mo dahil nagawa mo naman na ang trabaho mo sa ilang araw na paghahanda at ngayon.” pagbibigay alam ni Amelia kay Chaaya.
“Gu-gusto ko lang po makatulong sa trabaho ngayon,” sambit niya. “Tiyaka hindi ko po aasahan na susumpungin ang ulo ko kaya pasensya na po.” dagdag pa niya dahil kagaya ni manang Amelia ay gusto niya rin na maganda ang kakalabasan ng ilang araw nilang tinrabaho. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit bigay atensyon talaga siya sa trabaho.
“Wala ka dapat ipagpahingi ng paumanhin dahil ikaw naman ang nagsabi na hindi mo inaasahan iyon,” wika ni manang Amelia. “Sige na at magpahinga ka na muna,”
“I’ll drive you home,” mabilis na suhestiyon ni Lucius.