KABANATA 44
“I don’t want it, mom.” agad na sambit ni Dylan pagkatapos na pagkatapos na sabihin sa kanya ng kanyang ina kung ano ang dapat niyang gawin para makuha ang loob ng babae. “Stop forcing me to like her,” dagdag pa niya dahil hindi pa nga sila sigurado kung wala na talaga ang kanyang asawa ay nilalakad na siya kaagad ng kanyang magulang maging ang magulang ng kanyang asawa sa ibang babae para lang sa kapakanan ng kanilang business.
“Why not? Isabella is such a fine lady,” wika ni Daniella—ang ina ni Dylan. Busy kasi ang kanyang asawa dahil maraming butas ngayon ang kanilang kumpanya kasi nawawala sa focus ang kanyang anak sa pagtatrabaho kaya siya lang ang nandito para kumbinisihin ang kanyang anak sa plano nilang magba-balae para maisalba ang kanilang kumpanya.
“Do you hear yourself, mom?” pagtatanong ni Dylan sa kanyang ina.
Totoo ngang maayos na dalaga naman si Isabella ang kaso nga lang ay hindi na niya gustong malapit pa dito dahil nararamdaman niya na may pagtingin sa kanya ang dalaga. At ayaw naman niyang paasahin ang dalaga sa isang bagay na hindi naman niya kayang suklian.
“Why not?” pagtatanong ni Daniella sa kanyang anak. “Besides, she almost looks like Chaaya, right?” natigilan si Dylan dahil sa narinig niya sa kanyang ina.
Ang akala niya ay siya lang ang nakapansin doon noong unang kita niya sa dalaga. Hindi man sila magkamukha sa itsura ay pareho naman ng postura ang kanilang pangangatawan. Buong akala nga niya noon ay bumalik na ang kanyang asawa hanggang sa nakita niya ang mukha ng dalaga at ganon na lang ang pagka-dismaya niya nang hindi iyon ang kanyang asawa. Maganda naman ang dalaga ang kaso nga lang ay ang gandang hinahanap niya ay nasa kanyang asawa lamang.
“No,” agad na sagot ni Dylan. Ayaw niyang isipin iyon kahit na maging siya ay napansin niya ang pagkakatulad ng dalawang babae. Ayaw niya lang ikumpara ang kanyang asawa sa kahit na kaninong babae.
“She is,” sambit ni Daniella. Tiyaka siya lumapit sa kanyang anak na ngayon ay nakaupo sa swivel chair niya sa kanyang opisina. “Can you not just think that she is Chaaya?” desperadang tanong pa ng kanyang ina kaya hindi makapaniwala na hinarap ni Dylan ang ina niya.
“Are you really my mom?” pagtatanong niya dahil parang hindi na niya kilala ang matandang babae sa kanyang harapan sa kanyang pananalita. “Let’s put yourself on my wife’s shoe,” tumayo si Dylan tiyaka niya tiningnan ang kanyang ina nang buong tapang.
“What if you went missing one day. Don’t you want dad to look and find you? Do you want him to move on and find a new partner in life?” pagtatanong ni Dylan sa kanyang ina. Kaya naman tumayo ng tuwid si Daniella para masagot niya ang kanyang anak.
“If you won’t find any evidence of where I am, then why would you waste time?” pagtatanong ni Daniella na siyang pag-awang ng labi ni Dylan dahil hindi niya inaasahan ang mga lumalabas sa bibig ng kanyang ina na para bang wala man lang iyon sa kanya.
“Do you mean that?” pagtatanong niya dahil baka ayaw lang matakpan ng kanyang ina ang pride niya.
“Yes, why would you waste time on finding me? What if I died?” buong loob na pagtatanong ni Daniella dahil kailangan niyang panindigan ang kanyang sinasabi sa sa kanyang anak.
“Then, let us just find your body.” mabilis na sagot ni Dylan. “I am hoping that my wife and my unborn child are still alive but if they are not, I just want to see my wife’s body so I could bury them peacefully and I could accept the fact that they leave me forever.”
“How can you think that I will leave my wife just like that?” pagtatanong pa ni Dylan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang ina. Mukhang naging alipin na rin sila ng kapitalismo na mas mahalaga na ang business keysa sa mga mahal nila sa buhay.
“You’re not marrying Isabella, you just need to be friends with her.” pagbabalik na lang ni Daniella sa usapan nila ng kanyang anak.
“Let’s not fool each other, mom.” pakiusap ni Dylan dahil alam naman niya kung para saan ang pagkakaibigan na sinasabi nila.
Suminghap si Daniella dahil hindi niya kinakaya ang katigasan ng ulo ng kanyang anak. Naintindihan niyang mahal niya si Chaaya pero kailangan niya rin solusyunan ang problema sa dalawang kumpanya na nakasalalay na lang din sa kanyang kamay.
“I understand that you love Chaaya—your wife,” mahinahon na sambit nito sa kanyang anak. “Naintindihan ko kung gaano kasakit ang mawala ang mahal mo sa buhay nang hindi mo man alam kung nasa maayos pa ba sila na kalagayan o hindi. Napamahal na rin sa amin si Chaaya, mabait siyang bata at napakahusay pagdating sa kanyang career.”
“But son, if you lose the deal between the Agravante, it’s all over. Hindi lang si Chaaya ang mawawala sa’yo kung hindi maging ang dalawang kumpanya. Hindi lang din ang kumpanya kung hindi maging ang mga trabahador na umaasa sa’yo. At mahigit isang daang tao ang empleyado sa dalawang kumpanya at isipin mo naman kung ilang pamilya ang maapektuhan sa pagbagsak ng dalawang kumpanya.”
“Business was just like life, may taon na swerte at may taon din naman na malas. And this year is totally not our year. We lost our competent leader and put the company at stake. Let’s just accept the fact that we need someone, hm?” pagpapaintindi ni Daniella sa kanyang anak.
“Being a leader is not just only about yourself, you also need to think about your followers.” dagdag pa nito na siyang ikinatiim ng bagang ni Dylan dahil alam na alam ng kanyang ina kung paano siya kornerin hanggang sa wala na siyang magawa kung hindi pumayag na lang sa gusto nito.
“But what if Chaaya is alive?” pagtatanong niya. “If you really love her as your daughter-in-law you should worry about her.” nanghihinang sambit ni Dylan dahil para bang nawawalan na siya ng kakampi sa mga taong nasa paligid niya.
“And what if she is not?” balik na pagtatanong ni Daniella. “I hope she is really alive, pero hindi tumitigil ang oras habang umaasa tayo o habang nagtatanungan tayo kung buhay pa ba siya o hindi na.” dagdag ni Daniella. “Habang nagtatalo tayo kung nasaang lupalop man siya ng mundo ay nanganganib na ang trabaho ng maraming empleyado na nasasakupan natin.”
“Do not question my love for my daughter-in-law. She’s genuine but I will bet a million or even a billion, if she were in your shoes, she will do everything she can to save the two struggling companies even if the consequence is to let you go.” buong-buo ang loob ni Daniella na papayag si Chaaya na gawin kung ano man ang pinapagawa ng kanyang magulang para sa kumpanya kahit na ang kapalit man nito ay ang pagkawala niya ng pag-asa na mahanap ang kanyang asawa kung sakali man na nagbaligtad ang kanilang sitwasyon.
“Hindi lang kasi iniisip ni Chaaya ang kanyang sarili kung hindi maging ang kanyang nasasakupan. She seems or looks like a strict boss but we cannot change the fact that she was a caring one.” hindi kayang sagutin ni Dylan ang sinabi ng kanyang ina dahil ganoon din ang pananaw niya sa kanyang asawa.
Kaya nga lalo itong humanga at lumalim ang kanyang nararamdaman dito ay dahil sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho at sa kanyang katrabaho. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang asawa noon na mahal niya ang kanyang mga empleyado dahil isa sila sa mga tumulong sa kanya sa rurok ng tagumpay.
“Kung siya lang ang kausap namin ngayon at ikaw ang nawawala ay paniguradong susunod siya nang walang pag-aalinlangan at walang pagda-dalawang isip na magaganap.” pagod na tiningnan ni Dylan ang kanyang ina dahil sa sinabi nito.
“You will also give up looking for me?” pagtatanong niya sa kanyang ina. “Do you also consider me dead if ever?” muling pagtatanong niya.
Ngayon ay natigilan si Daniella sa tanong ng kanyang anak. Parang natuyo ang kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita dahil nawalan siya ng boses para sumagot sa kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
“Do you?” muling pagtatanong ni Dylan dahil gusto niyang marinig ang sagot ng kanyang ina.
Pero hindi sumagot si Daniella dahil hindi niya kayang panindigan ang kanyang sagot hindi kagayang kanina na ang buhay niya ang pinag-uusapan. Pero ngayong buhay ng kanyang anak ang pinag-uusapan ay hindi siya makasagot dahil alam niyang hinding-hindi niya magaagwa sa kanyang anak na pabayaan na lang niya ito nang hindi man lang niya makikita ang kanyang katawan. Alam niya na kahit anong sabihin pa ng nasa paligid niya at kahit na hikayatin pa nila itong sumuko sa paghahanap sa kanyang anak ay alam niyang hindi niya kayang gawin iyon.
Dahil mahal niya ang anak niya. Dahil anak niya ito.
“Send me the details,” tamad na sambit na lang ni Dylan sa kanyang ina at mula sa pagkakatayo ay muli na lang siyang bumalik sa kanyang upuan tiyaka na niya binuksan ang kanyang laptop at iyon na lang ang pinagtuunan niya ng pansin.
Sandaling naestatwa si Daniella sa kanyang anak pero agad din siyang tumango tiyaka na niya ito sinabihan na ibibigay na lang sa email niya ang detalye at kung maari ay i-message niya si Isabella para magkaroon din sila ng pag-uusap bago siya nagpaalam na umalis na.
Nang sumara na ang pintuan ng opisina ni Dylan ay agad siyang napahilot sa kanyang ulo dahil hindi niya maiwasan na sumakit ito dahil sa usapan nila ng kanyang ina dagdag pa ang stress sa dalawang kumpanya na hawak niya. Ayaw niya man gawin ang pinapagawa ng kanyang ina ay wala na siyang ibang choice kung hindi gawin iyon at tama nga naman ang kanyang ina, kung nandito lang ang kanyang asawa ay papangaralan niya ito na kailangan niya rin ispin ang kapakanan ng daang-daan nilang empleyado. Mahirap ang buhay kaya naman mahihirapan silang mahanap ng trabaho kung sakali man na pare-pareho silang mawalan.
Muli niyang hinilot ang kanyang ulo tiyaka niya pinindot ang intercom para utusan ang kanyang secretary na bigyan siya ng gamot.
“Gamot?” pagtatanong ni Angela sa kanyang kaibigan. Nang makita niya itong napahawak sa kanyang ulo ay agad niyang nilapitan si Chaaya. Bakas din sa mukha ng kanyang kaibigan na sobrang sakit ng kanyang ulo kaya hindi niya maiwasan na mag-alala dahil baka napagod si Chaaya sa trabaho nila.
“A-ang sakit,” wika ni Chaaya habang nakapikit siya at nakahawak pa rin sa kanyang ulo. Agad na humingi ng tulong si Angela sa isa nilang kasamahan para makahingi ng gamot sa sakit ng ulo kaya naman agad tumakbo ang kasamahan nila.
“Ayos ka lang ba? Upo ka muna,” iginaya ni Angela ang kanyang kaibigan sa isang monoblock chair na nasa kusina ang kanyang kaibigan.
Umupo rin naman doon si Chaaya dahil hindi niya pa talaga kaya ang pagkirot ng kanyang ulo. Hindi niya alam kung ano ang narinig niya kung bakit bigla na lang itong sumakit ng ganoong katindi. Sa pagkakaalala naman niya sa iniisip niya kanina ay hindi naman niya iniisip ang kanyang nakaraan masyado at hindi naman niya ito pinipilit. Nakikinig lang siya sa kanyang mga kasamahan hanggang sa bigla na lang kumirot ang kanyang ulo.
Hindi naman din niya maalala kung ano man ang narinig niya sa kanyang mga kasamahan. O baka dahil masyado niyang iniisip kung ano ang dahilan ng kanyang kapatid kung bakit hindi siya pumupunta sa kaarawan ng kanyang kaibigan. Siguro iyon ang nag-trigger na sumakit ang kanyang ulo dahil simula niya pa iniisip iyon.
“Ito oh,” abot ng kasamahan nila kay Angela ng gamot at isang basong tubig. Agad naman binuksan ni Angela ang gamot at binigay niya ang isang tableta kay Chaaya tiyaka niya ito pinainom ng tubig.
“Ayos ka lang?” pagtatanong ni Angela sa kanyang kaibigan. Nakapikit pa rin si Chaaya habang nakasandal na siya sa upuan, pinapakalma niya rin ang kanyang sarili pagkatapos niyang uminom ng gamot.
Nakakaramdam pa siya ng pagkirot ng kanyang ulo pero medyo humupa naman na nang sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Iniwasan na rin niyang isipin kung ano ba ang naging dahilan ng pagkirot nito dahil napansin niya na lalo lang itong kumikirot.
“Anong nangyayari dito?” agad naman napaayos ng tayo si Angela maging ang iba nilang kasamahan nang marinig nila ang boses ni manang Amelia.
Sinubukan namna na umupo ng tuwid ni Chaaya at buksan ang kanyang mga mata dahil natatakot siyang mapagalitan sa matanda. Mabuti na lang at medyo kumakalma na ang kanyang ulo, may konting kirot pa rin pero kaya naman niyang kontrolin iyon.
“Pasensya na po, sumakit lang ang ulo ko.” sagot niya tiyaka na niya sinubukan na tumayo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang kaibigan na si Angela sa pagtayo. “Pero nakainom na rin po ako ng gamot kaya magiging ayos na rin po ako.” agap niya dahil baka hindi matuwa ang matanda sa kalagayan niya hindi dahil nag-aalala siya kung hindi dahil baka masira ang kanilang plano para sa kaarawan ng Senyorito.
“Kaya mo bang magtrabaho?” pagtatanong ni Amelia. Nag-aalala siya sa kalagayan ng dalaga lalo na at ramdam niyang natitipuhan siya ng isa sa kanyang mga alaga at kahit na hindi siya natitipuhan ng isang Senyorito ay nag-aalala pa rin ito sa kanya bilang isang tao.
“Kaya po, huwag po kayong mag-alala.” nakangiting sagot ni Chaaya. Pinagmasdan muna siya ni manang Amelia bago ito tumango at inutusan ang lahat na bumalik na sa kanilang mga ginagawa.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang party kaya naman naging busy na sila sa pag-aayos ng mga handa at ng mga plato sa kusina. Sa kusina lang silang nakatoka na magkaibigan at may iba lang na lumalabas para ilagay ang plato sa mga lamesa na kanilang inayos kahapon at ang naglalagay ng handa. Naghuhugas na rin sila ng plato nang sa gayon ay hindi na sila matambakan pagkatapos ng party.
“Naiihi ako,” sambit ni Sonia—isa sa kasamahan nila na siyang lumalabas sa kusina para maglagay ng mga kubyertos sa mga lamesa. “Pa-sub naman ako Chaaya, kung ayos ka na?” pagtatanong nito kaya agad naman tumango si Chaaya.
“Oo ayos lang, ano bang gagawin?” pagtatanong niya habang pinupunas niya ang basa niyang kamay sa kanyang apron.
“Naghihingi lang ng isang extra wine glass ang table malapit doon sa pintuan, iyong table 5.” nilagyan kasi nila ito ng numero kahapon nang sa gayon ay agad nilang makita kung sakali man na magkaroon sila ng emergency katulad na lamang ngayon. Tumango si Chaaya dahil iyon lang naman pala ang gagawin.
Pero bago pa makalabas si Chaaya ay naramdaman niya ang paghawak ng kanyang kaibigan na si Angela sa kanyang braso kaya tinignan niya ito.
“Ayos lang ba sa’yo?” pagtatanong ni Angela. “Ako na, wala na rin naman akong masyadong ginagawa.” pagpresenta nito pero ngumiti si Chaaya dahil nahihiya siya sa kanyang kaibigan.
“Hindi. Ayos lang, ako na.” nakangiting wika ni Chaaya sa kanyang kaibigan tiyaka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso at marahan niya itong inalis. Nginitian niya muli ang kanyang kaibigan bago siya lumabas ng kusina.
Habang naglalakad siya sa loob ng mansyon ay iba-ibang mga tao ang kanyang nakita. Mukhang hindi man nga pinapansin ang mga katulad nila dahil busy silang lahat sa pinag-uusapan nila. Napakalayo talaga ng agwat ng pamumuhay nila sa kanya.
Hindi niya lang napansin si Lucius na nakatingin sa kanya sa oras pa lang na lumabas siya sa kusina. Hindi nga lang siya napansin ni Chaaya. Hindi na nga masyadong naintindihan ni Lucius ang sinasabi ng kanyang mga kausap dahil nakatuon ang kanyang pansin sa dalaga.
Biglang napahinto si Chaaya dahil kahit sa alon man ng iba’t-ibang boses ay may narinig siyang pamilyar na boses na dahilan ng pagkirot ng kanyang ulo. Napansin agad ni Lucius ang paghinto ng dalaga kaya nagpaalam siya sa kanyang mga kausap. Hindi na nakayanan ni Chaaya ang pagkirot nito na dahilan ng pagkabasag ng hawak niyang baso kaya naman nakuha niya ang atensyon ng iilan sa mga bisita.
“Haya!”