KABANATA 43

2588 Words
KABANATA 43 Naging abala ang magkaibigan na si Chaaya at si Angela sa paghahanda para sa kaarawan ni Lucas. Sinisigurado kasi ni Manang Amelia na maganda at pulido ang kakalabasan ng lahat hindi dahil natural na istrikta ang matanda kung hindi dahil iyon din ang gusto ng Senyora para sa kaarawan ng kanyang anak.  “Bukas na ang kaarawan ng Senyorito,” wika ni Amelia habang nakatingin siya sa mansyon na kanilang dinesenyo ngayong araw. Meron din sa labas, mukhang maraming bisita si Lucas o sa tingin nila ay ang Senyora ang maraming bisita dahil sa pag-aayos nila ng mansyon ay nakikita nila si Lucas pag-uwi niya ng paaralan na mukhang malungkot o hindi masaya. “Inaasahan ko na maganda ang magiging performance niyo bukas,” sambit pa ni Amelia kaya nakikinig lang sila ng mabuti sa matanda.  Magsimula noong natagusan si Chaaya ay hindi na sila nagkita ni Lucius, hindi niya alam kung talagang malawak lang ang mansyon ng mga Agravante kaya hindi sila nagkita o umiiwas sa kanya ang binata. Hindi niya tuloy alam kung kailan niya ibabalik ang dalawang hoodie niya na nasa kanya pa rin. Nalabhan na niya ito at halos paliguan niya ng binili niya ng pabango para hindi nakakahiya sa Senyorito kapag ibabalik niya.  At nang araw na tinanong siya ng kanyang kaibigan na si Ethan ay mabuti na lang sumulpot ang kanyang kaibigan na si Angela para tawagin siya dahil hinahanap na siya ni manang Amelia. Hindi niya alam sa pagkakataon na iyon kung dapat siyang masiyahan dahil hindi niya masasagot ang katanungan ni Ethan o dapat siyang kabahan dahil pinahanap na siya ni Manang Amelia. Nagpaalam na lang siya ng maayos kay Ethan bago siya sumunod sa kanyang kaibigan. Mabuti na lang at parang wala man lang nangyari at nagpatuloy lang sa pagsasalita si manang Amelia nang araw na iyon. At simula rin nang araw na iyon ay nagsimula ng maguluhan ang isipan ni Chaaya. Kung tutuusin nga ay madali lang naman ang tanong sa kanya ni Ethan dahil ang nararamdaman niya lang naman ang isasagot niya. Alam niyang wala siyang nararamdaman na kakaiba sa Senyorito pero bakit parang hirap siyang itanggi iyon? Gabi-gabi na lang niyang iniisip ang tanong ni Ethan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nabibigyan ng kasagutan. Kinakabahan na siya para sa kanyang sarili dahil mukhang nasa punto na siya na masasabi niya sa kanyang sarili na delikado na siya.  Habang si Lucius naman ay sinabihan niya rin agad si manang Amelia na ipasundo si Chaaya sa kanyang kaibigan dahil mukhang hindi niya kabisado ang mansyon. Bahagya siyang nakonsensya na bigla na lang niyang iniwan ang dalaga ang kaso nga lang ay hindi niya maiwasan na masaktan dahil pinag-isipan niya ito ng masama. Naintindihan naman niya na dismayado ang dalaga sa kanyang ginawa, maging siya ay nadismaya rin sa kanyang sarili nang mapagtanto niya kung ano ang kanyang ginawa. Pero syempre ay may nararamdaman pa rin siya at hindi niya maiwasan na nag-iba na ang tingin sa kanya ng dalaga.  Kaya sa mga sumunod na araw ay sinubukan niya sa abot ng makakaya na umiwas dito. Pero hindi niya maiwasan lalo na at alam niya na ang presensya ng dalaga ay nasa paligid lamang ng mansyon. Kaya naman mukha siyang magnanakaw sa sarili nilang bahay na nagtatago para lang masulyapan ang dalaga at hindi siya nito makita. Hindi niya alam kung lumamig na ba ang ulo nito o sadyang nag-iba na talaga ang tingin niya sa kanya.  “Senyorito,” napatayo siya ng tuwid mula sa pagtatago sa isang poste ng mansyon habang sinusulyapan niya si Chaaya na nag-aayos sa may bandang sala nang marinig niya ang boses ni Manang Amelia.  Napakunot naman ang noo ni Amelia sa nadatnan niyang posisyon ng kanyang alaga. Kaya naman sinuri niya ang kilos nito, halatang nagulat ang binata dahil sa biglaang pagtayo niya ng tuwid. Kinilatis niya pa ang kilos ng kanyang alaga, mukhang wala naman siyang tinatago sa kanyang likuran pero nang marinig niya ang mga trabahante na nagtawanan ay napataas ang kanyang kilay tiyaka niya ito tiningnan.  At doon niya nakita ang dalaga. Mukhang alam na niya kung bakit nandito ang kanyang alaga. Hindi lang niya maintindihan kung bakit siya nagtatago gayong pwede naman siyang malayang makakilos sa mansyon dahil sa kanila naman ito. Hindi niya maiwasan na maisip na mayroon silang problema o kaya naman ay hindi pagkakaintindihan ng dalaga.  “Manang Amelia,” bati ni Lucius. Pilit na tinago ang kaba sa kanyang boses dahil para ba siyang nahuli sa kanyang ginagawa kahit naman hindi masama ang ginagawa niya ay hindi niya maiwasan na kabahan.  “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Amelia kahit mukhang alam naman niya kung ano ang ginagawa ng kanyang alaga. Bahagyang natawa si Lucius para hindi maghinala ang matanda kahit na naghinala na ito kanina.  “Tinitingnan ko lang kung maganda ang design sa birthday ni Lucas,” pagdadahilan ni Lucius tiyaka siya bahagyang napakamot sa kanyang batok at natatawa-tawa pa. Alam niyang mawewerduhan sa kanya si Manang Amelia dahil wala naman siyang pakialam sa mga naging disenyo ng mansyon noon pagkatapos ay iyon ang idinahilan niya ngayon.  Wala na siyang maisip na dahilan at iyon na lang ang natatangi niyang pwedeng idahilan para hindi na mag-isip ng kung ano si manang Amelia. Kilala niya pa naman ang matanda na madalas maghinala kapag may nabago man ng kaunti samga kilos ng kanyang kakilala at halos lahat ng hinala niya o halos lahat ng kutob niya ay totoo.  “Maayos naman! Maganda!” komento pa niya nang tinitigan lang siya ng matanda at hindi man lang nagsalita pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito. “You are really great, manang!” papuri pa niya sa matanda. “Hindi na nga kailangan ng event organizer, dahil kaya mo naman!” dagdag pa nito na tila binobola pa niya si manang Amelia.  Hindi naman tumalab ang mga matatamis na salita ni Lucius sa matanda, nanatili lang itong tahimik dahil gusto niya sanang umamin si Lucius kung ano talaga ang ginagawa niya doon pero nagpalusot pa ito.  “I already checked it, I should go back to my room.” paalam ni Lucius sa matanda. Tiyaka na siya mabilis na naglakad papasok sa kanyang kwarto.  Pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay napatingin siya sa nalalantang bulaklak na nasa kanyang bed side table Noong isang araw pa niya iyon binili para sa dalaga—para sana makahingi ng pasensya pero siya ngayon ang nagtampo sa dalaga. Mukhang wala lang naman iyon kay Chaaya dahil mukhang masaya naman siyang nagta-trabaho sa mansyon kaya hindi na niya dapat ito guluhin pa.  Nilapitan niya ang bulaklak tiyaka niya iyon kinuha. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang itapon iyon, siguro ay dahil hindi pa niya nabibigay sa pagbibigyan niya. Mukhang malabo na rin niyang maibigay kay Chaaya dahil sa kalagayan ng bulaklak. Tatlong araw na kasi ito at nakalimutan niyang ilagay sa kanilang vase. Pero kahit na nanlalanta ito ay maganda pa rin ang bulaklak sa kanyang paningin.  Nagulat si Chaaya nang biglang may humatak sa kanyang kamay. Ang akala niya ay si Lucius iyon dahil siya lang naman ang palaging gumagawa noon sa kanya pero laking gulat na lang niya nang makitang si Lucas iyon. Mukha siyang problemado kahit na bukas na ang kanyang kaarawan.  “Ate,” pagtawag ni Lucas gamit ang desperado niyang boses.  “Ba-bakit?” pagtatanong ni Chaaya. Talaga namang magkapatid silang dalawa ni Lucius dahil lagi na lang silang naghahatak nang wala man lang pahintulot. Kung may sakit lang sa puso si Chaaya ay baka inatake na siya sa biglaan na lang na may humawak na kamay sa kanyang braso.  “Do you remember our deal?” pagtatanong ni Lucas. Kumunot ang noo ni Chaaya sa sinabi ng binatilyo. Sa dami ng nangyayari sa araw-araw at napagod siya sa ka-katrabaho ay hindi na niya matandaan kung ano man ang sinasabi ni Lucas.  “What deal?” pagtatanong niya dahil hindi niya talaga maisip kung ano man ang pinangako niya sa binatilyong senyorito kaya hindi niya maiwasan na makonsensya doon. “Sorry, occupied ako these days.” paliwanag ni Chaaya. Alam naman niyang maintindihan siya ni Lucius dahil naikwento ni Suzzie sa kanya na sobrang maintindihin ng bunsong senyorito.  “I won’t tell Suzzie about the kiss but please please pursue her to come tomorrow,” pagmamakaawa ni Lucas.  At doon lang naalala ni Chaaya na nasaksihan pala ni Lucas ang halikan nila ng kanyang kapatid at hinihiling lagi ni Lucas na pumunta si Suzzie sa mismong kaarawan niya. Hindi niya pa nakausap ang kanyang kapatid tungkol doon dahil laging may ginagawa ang kanyang kapatid at kapag nakikita niyang mukha itong pagod ay hindi niya binubuksan ang usapin na iyon para makapagpahinga ito.  “I will try Lucas but I can’t promise,” malungkot na sambit nito sa binata. Bumagsak ang balikat ni Lucas na mukhang wala na nga siyang pag-asa na dumalo ang kanyang kaibigan.  “I understand,” sumusukong sambit nito na tila tinanggap na lang niya na hindi na talaga pupunta si Suzzie. “If she didn’t say yes, tell her that I will wait on our spot, just like the old times.” malungkot na sambit nito tiyaka na siya naglakad paalis.  Hindi maintindihan ni Chaaya iyon pero baka kapag sinabi niya iyon sa kanyang kapatid ay maintindihan na ni Suzzie iyon dahil matagal na silang magkaibigan at baka iyon na ang nakagawian nilang gawin. Pero susubukan niya pa rin na makumbinsi si Suzzie dahil nalungkot siya sa mukha ni Lucas na para bang nawalan na siya ng pag-asa.  “Ah, Suzzie,” pagtawag ni Chaaya sa kanyang kapatid na nasa kabilang upuan habang nasa sala sila at nanonood ng TV. Hawak ni Suzzie ang remote sa maliit lang nila na TV, mukhang naghahanap siya ng magandang panonoorin sa iba’t-ibang channel.  “Bakit ate?” sagot ni Suzzie kahit na ang atensyon niya ay nasa telebisyon.  “Sama ka bukas?” pagtatanong nito. Natigilan si Suzzie dahil mukhang alam na niya kung saan ang kapupuntahan ng usapan nila ng kanyang kapatid. “Alam mo na may trabaho ako sa mansyon at pumayag naman si manang Amelia na magdala ng isang bisita basta huwag lang makisalamuha sa mga bisita. Baka gusto mong sumama?” masiglang tanong ni Chaaya para hindi mahalata ni Suzzie na kinausap siya kanina ni Lucas tungkol dito.  “Si ate Angela na lang,” sagot ni Suzzie tiyaka niya pinagpatuloy ang paglipat niya ng channel sa remote.  “Eh meron na rin si Angela dahil kasama ko siyang nagtrabaho,” sagot ni Chaaya. Nakita niya na bumuntong hininga ang kanyang kapatid.  May hinala na si Suzzie na kinausap ng kanyang kaibigan na si Lucas ang kanyang kapatid kaya naman buo na rin ang desisyon niya na kahit kausapin pa siya ng mahinahon ni Chaaya ay hindi siya pupunta bukas.  “Huwag na ate,” sambit niya na lang dahil hindi pa niya kayang sabihin sa iba ang dahilan. Maging sa kanyang mga magulang ay hindi niya pa nasasabi dahil ang unang-unang kinausap ni Lucas ay ang kanyang ina pero hindi pa rin siya pumayag.  “Bakit?” pagtatanong ni Chaaya. Ngayon ay bumalik ulit sa kanya ang kaisipan kung bakit ayaw pumunta ng kanyang kapatid.  “Wala lang,” sagot ni Suzzie dahil ayaw niya ng pag-usapan iyon dahil may naalala siya. “Ayoko lang, tinatamad ako.” pagdadahilan lang niya.  Huminga ng malalim si Chaaya para kumuha ng lakas ng loob na itanong sa kanya kung bakit hindi siya pumupunta sa kaarawan ng kanyang kaibigan.  “Hindi ba magkaibigan kayo ni Lucas simula pa noong bata kayo?” pagtatanong ni Chaaya. Humigpit ang hawak ni Suzzie sa remote dahil alam na alam na niya kung saan ang kapupuntahan ng usapan na ito. “Oo,” sagot ni Suzzie. “Ayoko lang,” dagdag niya. “Marami siyang bisita, hindi ko kaya sa mga mararaming tao.” Pagsisinungaling ni Suzzie.  Alam ni Chaaya na nagdadahilan lang si Suzzie dahil kung hindi siya sanay sa maraming tao ay sana hindi na siya nagtitinda sa palengke lalo na at maiingay pa ang mga tao doon.  “Hindi mo ba talaga mapagbibigyan ang kaibigan mo?” pagtatanong muli ni Chaaya. “Bukas ang kanyang kaarawan. Kahit na presensya mo lang ay magandang regalo na iyon sa kanya.” pagkukumbinsi pa niya.  “Hindi na ate, ikaw na lang,” ngiti ni Suzzie. Napabuntong hininga na lang si Chaaya dahil mukhang buo na rin talaga ang loob ni Suzzie. Marahan siyang napatango dahil ayaw na rin naman niyang pilitin ang kanyang kapatid sa isang bagay na hindi naman niya gusto. Wala namang tao na matutuwa kapag pinilit silang gawin kung ano man ang hindi nila gustong gawin.  “Okay,” pagsuko ni Chaaya. “Pinapasabi lang niya na maghihintay siya sa spot na iyon katulad ng dati,” tumango si Suzzie dahil iyon naman din ang balak niya bukas. Iyon naman ang nakaugalian nilang dalawa t’wing kaarawan nito kaya hindi niya alam kung bakit iniimbita niya pa ito sa mansyon e nagkikita naman sila t’wing kaarawan niya.  Naging abala si Chaaya dahil hindi niya inaasahan na ang dami ng bisita at ang mga suot nila ay kumikintab-kintab na halatang mamahalin ang kanilang mga suot dagdag mo pa ang kanilang mga alahas na siyang nagtatanda na galing din sila sa mayaman at makapangyarihang pamilya. Hindi na sumilip si Chaaya tiyaka na siya pumasok sa may kusina, sila kasi ang maghuhugas ng mga plato.  “Senyorito,” magkakasabay na bati ng kanyang mga kasamahan kaya kaagad na lumingon ang ulo ni Chaaya kung saan nakatingin ang kanyang mga kasamahan.  Bumagsak ang kanyang balikat ng ibang Senyorito ang kanilang binati. Bakit nga ba niya nakalimutan na hindi lang siya ang tinatawag na Senyorito? Tiyaka bakit niya naman ito gustong makita? Para ibalik ang kanyang mga hoodie. Tama! Iyon ang dahilan niya kung bakit niya gustong makita si Lucius para makausap niya ito kung kailan niya pwedeng ibigay ang hoodie nito o kung kailan kukunin ng Senyorito sa kanya iyon.  Nakaayos na ng kaunti si Lucas nang pumasok siya sa kusina. Nagtama rin agad ang paningin nila at mukhang alma na niya kung ano ang pinunta dito ng Senyorito kahit na hindi pa nakaayos ang kanyang puting polo at medyo basa pa ang kanyang buhok, mukhang kakatapos niya lang maligo.  Malungkot na umiling si Chaaya sa Senyorito bago pa siya makapagtanong. Malungkot na ngumiti si Lucas tiyaka siya nagpasalamat sa kanya at sa kanyang mga kasamahan sa kanilang nilaan na oras para ayusin ang kanyang kaarawan. Hindi maiwasan na malungkot ni Chaaya para kay Lucas pero naintindihan niya naman ang kanyang kapatid. Alam niyang may rason ang kanyang kapatid ang kaso nga lang ay hindi pa ito handa na sabihin sa kanya.  O marahil ay nasabi na niya noon ang kaso nga lang ay kasama ang ala-ala na iyon sa mga nakalimutan niya. Siguro ay iyon lang ang kauna-unahang beses niyang naglakas ng loob na sabihin ang kanyang rason at hindi na niya kayang ulitin pa ito. Nirerespeto naman din niya ang pribadong buhay ng kanyang kapatid.  Dinadaldal siya ni Angela, mabuti na lang nga at magkasama sila ni Angela na nakatoka sa kusina kung hindi ay baka wala siyang kausap ngayon gayong mukhang magkakakilala lang ang halos lahat. Pinag-uusapan nila ang mga dadalong bisita dahil may mga paparating pa na galing sa Manila.  Hanggang sa may nahagip ang kanyang tenga na siya namang nagpakirot sa kanyang ulo.  “Dylan,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD