KABANATA 42

1094 Words
KABANATA 42  “Ma!” pagod na pagtawag ni Dylan sa kanyang ina. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Para bang lahat sa kanyang paligid ay tinatanggap ng patay na ang kanyang asawa.  “Dylan, we need her. We need to close our deal to them so you can save our company and Chaaya’s company too.” pagpapaintindi ng kanyang ina pero hindi niya pa rin maintindihan kung ano man ang tumatakbo sa isipan ng kanilang magulang. Tunay nga na nalamon na ng kapitalismo ang kanilang mga utak na hindi man lang nila naisip na buhay na ang pinag-uusapan nila dito.  “Mom, I can save both.” sambit niya. Hindi niya hahayaan na may bumagsak man sa kumpanya na hawak niya. Marahan na umiling ang kanyang ina. Nagulat na nga lang siya kanina nang bigla itong dumalaw sa kanilang bahay mag-asawa. Hindi niya alam kung ano ang pinunta niya dito gayong paalis na rin niyan siya dahil may hahabulin pa na meeting.  “Son, we all know that you need to choose one.” mahinang wika ng kanyang ina na hindi niya alam kung ano pa ang kailangan niyang sabihin para lang mapapayag niya ang kanyang anak sa gusto niyang mangyari.  “I trust you that you can save both but now. You are too distracted with your wife’s case.” muli niyang tiningnan ang kanyang ina gamit ang kanyang mga mata na tila hindi makapaniwala sa kung ano man ang lumabas sa bibig nito. Hindi niya inaasahan na masasabi ng kanyang ina iyon.  “Of course, mom. She’s my wife. She’s missing. What do you expect me to do? To live my life like nothing happened? She’s the woman I've always loved and she’s with your unborn grandchild!” hindi niya alam kung bakit hindi makita ng mga tao sa paligid niya o kung bakit hindi nila maintindihan ang kanyang nararamdaman.  Asawa niya ang nawala. Asawa na kasama ang kanilang anak na hindi pa nasisilayan ang mundo. Pagkatapos kung magsalita sila ay parang bagay lang ang nawawala na madaling kalimutan? Hindi lang din isa kung hindi dalawang tao—dalawa na kaagad sa kanyang pamilya na bubuuin pa lang sana ang nawala na agad. Hindi nila maintindihan ang labis-labis na kalungkutan sa kanyang dibdib sa t’wing wala siyang magawa o wala man lang siyang malaman na kahit katiting na impormasyon sa kanyang mag-ina.  Hindi niya alam kung nasa mabuting kalagayan ba sila. Wala siyang diretsang alam kung nasaan man sila. Kung hindi ba nahihirapan sa pagbubuntis ang kanyang asawa dahil nang magkasama sila ay namumutla lagi ito sa kakasuka t’wing umaga. Gusto niya na lagi siyang nasa tabi ng dalaga kahit na wala naman siyang magawa para maibsan ang nararamdaman nito. Gusto niya rin masaksihan ang paglaki ng tiyan nito hanggang sa ipanganak na nito ang kanilang anak. Gusto niya rin na masamahan niya sa pagpunta sa doktor at sabay nilang malalaman kung ano ang kasarian ng kanilang anak.  Ang dami niyang gustong gawin. Pero para bang pinagkakait sa kanya ng pagkakataon ang mga simpleng gusto niyang gawin para sa kanyang mag-ina.  “I know, I know.” Pagsusumamo ng kanyang ina dahil nakita niya ang magkahalong galit at pait sa mata ng kanyang anak. “Pero anak, hindi naman pwedeng araw-araw na lang tayong umaasa sa wala.” dagdag pa nito.  “Alam kong mahal na mahal mo ang asawa mo. You love her so much, we couldn’t deny that. However, there are hundreds of employees who are at risk of losing their job with just one wrong move. As you said, James, your friend, and also the best detective in our country is doing his job on finding your wife.  I presume that, you must trust him and focus on our company,” suhestiyon ng kanyang ina.  “Ma, you want me to meet another woman while I’m waiting for my wife. Does it make sense to you?” pagtatanong ni Dylan sa kanyang ina.  Iyon ang gusto niyang mangyari. Para maisalba ang dalawang kumpanya ay kailangan niyang kumita ng ibang babae nang sa gayon ay maisarado niya ang deal sa pagitan ng tatlong pamilya. Hindi nga niya alam kung alam ba iyon ng babaeng gusto nilang kitain niya at kung alam ba niya na may pamilya na siyang tao. Sigurado naman siya na walang sino mang babae ang may gusto sa isang katulad niya na may nawawalang asawa at anak. At malakas ang kutob at paniniwala niyang buhay pa ang kanyang mag-ina kahit salungat na iyon ng mga sinasabi ng mga tao sa kanyang paligid.  “You’re just meeting her, nothing less.” sambit naman ng kanyang ina. Pinapaliwanag niyang mabuti sa kanyang anak nang sa gayon ay mapapayag niya ito sa kanyang gusto—o sa kanilang gusto. Dahil napag-usapan na rin naman niya ng kanyang balae ang tungkol doon at sila pa nga ang nagpupumilit sa kanya na kumbinsihin ang kanyang anak. Alam niyang matigas ang ulo ng kanyang anak. Naintindihan naman niya na mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Iyon din ang sinasabi niya sa kanyang balae at may pag-asa pa na buhay ang kanilang anak pero mukhang tinanggap na ng balae niya na namatayan na siya ng anak sa paraan ng pananalita at kilos nila.  “Nothing less?” hindi makapaniwalang tanong ni Dylan sa kanyang ina. “That’s impossible,” sambit niya dahil sigurado naman siya na may iba pa silang plano.  Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit pilit na pinapatanggap sa kanya ng mga magulang ni Chaaya na patay na ang kanilang anak. Dapat nga sila ang una-unang tao ang hindi nawawalan ng pag-asa sa paghahanap ng kanilang anak.  “Yes,” agap ng kanyang ina. “Nothing less, you two will talk purely about business and become business partners.” masayang sambit pa ng kanyang ina na akala mo ay ganon lang kadali iyon.  “I won’t,” buong loob na sambit ni Dylan.  “Chaaya would be sad if you said no. You know how Chaaya loves their company so much. And if she returned without it, do you think she’ll stay with you?” pagtatanong niya sa kanyang anak dahil alam niyang iyon lang ang magpapayanig dito.  Natigilan si Dylan dahil mukhang na-korner na siya ng kanyang ina. Napansin din naman iyon ng kanyang ina kaya kinuha na niya ang bag niya na nilagay niya sa sofa sa bahay ng kanyang anak.  “Fetch her later at 6PM at the airport,” sambit ng ina. “Be good to her since she came from Isla Vida.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD