KABANATA 41

2812 Words
CHAPTER 41 Hindi lang si Chaaya ang umawang ang labi dahil sa gulat kung hindi maging ang kanilang kasamahan. Ganon din naman si Amelia pero hindi siya nagpatinag sa gulat na kanyang nararamdaman at matapang niyang tiningnan ang kanyang alaga. Ngunit hindi pa siya nakakapagsalita kung bakit kailangan nilang umalis ay hinila na ni Lucius ang dalaga paalis sa sala at hindi niya alam kung saang parte sila ng mansyon pupunta. Halos lahat ng mga mata ay nasa dalawa kaya naman tumikhim si Amelia para kuhanin niya ang atensyon ng lahat. Napabuntong hininga na lang siya dahil mukhang wala na siyang magagawa at patuloy na uusbong ang usap-usapan sa kanyang mga alaga.  Samantala ay para bang nakasanayan na ni Lucius ang bigla na lang hilain si Chaaya kaya naman agad nang nakasunod sa kanya ang dalaga. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ngayon at sa sobrang lawak ng kanilang mansyon ay hindi na niya alam kung paano bumalik sa sala na siya lang mag-isa kaya hindi siya makakabitiw sa pagkakahawak sa kanya ng Senyorito. Bahagya pa siyang luminga habang nagbabakasakali siya na makita niya si Ethan nang sa gayon ay makabitaw na siya sa pagkakahawak ng binata.  Ang akala niya ay hihingalin pa siya dahil sa sobrang bilis nilang maglakad, dagdag mo pa ang lawak ng kanilang nilalakaran ang kaso nga lang ay huminto sila sa isang sulok kung saan may pinto. Nagtataka niyang tiningnan si Lucius at kung nasaan silang sulok ng mansyon ngayon.  “Bakit po?” buong tapang na tanong niya sa Senyorito kahit na nahihiya siya dahil para bang hindi sila nagkasagutan kanina pagkatapos ngayon ay magkahawak pa ang kanilang kamay.  Ang kanilang kamay! Namimilog ang kanyang mata na nakatingin sa magkahawak pa rin nilang kamay kaya mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at bahagyang nag-init ang kanyang pisngi dahil sa hiya. “Here,” sambit niya tiyaka niya binigay ang isang paper bag na may laman ng iba’t-ibang brand ng napkin. Hindi naman alam ni Chaaya kung ano ang nasa loob noon kaya naman tinitigan niya lang ito nang ilang segundo.  “A-ano po iyan?” pagtatanong niya at ayaw niya pa rin kuhanin ang paper bag na hawak ng Senyorito habang naka-angkla ang kanyang kamay para ibigay niya ito sa dalaga.  “You should put this,” wika ni Lucius sa kanya. Hindi niya alam kung bakit iwas nang iwas ng tingin sa kanya ang dalaga.  Nahihiya kasi si Chaaya na harapin si Lucius pagkatapos nang sagutan nila kanina tapos nakita niya pa ang tagos sa kanyang likuran. Sino namang hindi mahihiya doon? Bakit kasi hindi niya naramdaman kanina na magkakaroon siya ng dalaw? Siguro nasanay siya na sa mahigit isang buwan na pananatili niya sa isla ay hindi man lang siya dinatnan ng kanyang dalaw.  “A-ano po iyan?” pagtatanong niyang muli dahil hindi naman nasagot ng Senyorito ang kanyang tanong. Imbis na sagot ang marinig niya ay pag-uutos ang sinabi sa kanya ng Senyorito.  “Get it so you can check it by yourself,” wika ni Lucius, bahagya pa siyang tumikhim dahil hindi niya rin alam kung paano sasabihin sa dalaga na binilhan niya ito ng napkin. Pakiramdam niya ay magkakailangan silang dalawa kaya minabuti na lang niya na hindi ito sagutin.  Kahit na nahihiya ay walang magawa si Chaaya kung hindi ang kunin na lang ang paper bag sa kamay ng Senyorito. Hindi niya pa natitingnan kung ano ang nasa loob noon ay binuksan na ni Lucius ang pintuan sa kanilang harapan at bumungad sa kanya ang banyo nila na halos kasing-laki na ng sala nina Chaaya.  “Ba-bakit po?!” bahagyang nagpanic si Chaaya dahil sa bumungad sa kanya. Anong gagawin nila sa banyo?  Habang nagtataka naman siyang tiningnan ni Lucius dahil sa pagpa-panic niya. Wala naman siyang ginawa o wala namang kakaiba sa bahay nila para mag-panic ang dalaga sa kanyang harapan.  “You should go inside,” wika niya tiyaka niya nginuso ang banyo.  Humigpit ang hawak ni Chaaya sa paper bag. Alam niyang sumama ang loob ni Lucius sa sinabi niya kanina pero iyon namna ang totoo at ayaw niya lang sa mga tao na patuloy na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para lamang makuha ang kanilang gusto nang hindi man lang iniisip ang kapakanan ng mga tao sa paligid nila na walang kakayahan o kapangyarihan kagaya na lamang ng tinatamasa nila.  “Ayoko po,” matigas na sambit niya dahil ayaw niyang magamit ngayon ni Lucius ang kanyang kapangyarihan para lang mapasunod siya—para lang makuha ang gusto ng binata sa kanya.  Hindi niya maiwasan na kumirot ang kanyang dibdib dahil sa nangyayari ngayon dahil kapareho lang pala ng ibang lalaki si Lucius na katawan lang ang habol sa isang babae. Kagaya na lamang ngayon na pwersahan niya pa itong sinama dito sa kanilang banyo nang wala man lang pahintulot niya.  “Huh?” nagtatakang tanong ni Lucius sa dalaga na nasa harapan niya. Hindi niya maiwasan na magtaka kung bakit parang galit ang boses at ang mga mata nito sa kanya. Ganon na ba siya kaayaw ng dalaga dahil sa ginawa niya sa kanyang kaibigan?  Handa naman siyang humingi ng tawad mapa-kay Chaaya man o sa kanyang kaibigan na si Angela dahil sa naging desisyon niya kagabi. Hindi niya inasahan na magiging masama pala ang kakalabasan ng kanyang kagustuhan na makasama niya ngayong araw si Chaaya. Pero hindi niya nakasama ang dalaga dahil lumayo ang loob nito sa kanya.  “What are you saying?” dagdag na tanong ni Lucius sa kanya. Ngunit dahil inobserbahan niya ang kilos ng dalaga at para bang pinoprotektahan niya ang sarili nito sa kanya. “What are you thinking?” pagpapalit niya sa kanyang katanungan.  “I won’t harm you, Chaaya.” sambit ni Lucius na may halong hinanakit ang kanyang boses dahil hindi niya inakala na kaya siyang pag-isipan nang ganoon ni Chaaya. Ganon ba ang naging epekto ng ginawa niya kagabi na kahit masasamang bagay ay kaya siyang pag-isipan ni Chaaya na kaya niyang gawin ang mga hindi magandang bagay. “I can’t do that to you… or to anyone.” nanghihinang paliwanag niya.  Bahagyang pumilmi si Chaaya mula sa pagpo-protekta niya sa kanyang sarili at nahiya dahil sa kanyang iniisip. Mukhang hindi ang naiisip niya ang gagawin ni Lucius sa kanya. Pero bakit naman siya pinapapasok ni Lucius sa banyo?  “Look what’s inside the paper bag.” Utos ng binata dahil mukhang naguguluahn si Chaaya sa kanyang harapan kung bakit sila nandito ngayon ng dalaga.  Nahihiya namang tiningnan ni Chaaya kung ano man ang nasa loob ng paper bag na binigay ng dalaga. At ganon na lang ang pag-awang ng kanyang labi dahil sa nakita niyang iba-ibang brand ng napkin ang naroon. Hindi niya maiwasan na mamula ang kanyang pisngi hindi dahil sa nahihiya siya na may dalaw siya ngayon at si Lucius pa talaga ang nakapasin noon.  Kung hindi dahil nahihiya siya sa kanyang sarili dahil pinag-isipan niya ng masama si Lucius gayong ganito pala ang intensyon niya. Pinag-isipan niya ng masama ang isang mabuting intensyon sa kanya ng binata. Hindi niya alam kung paano siya makakahingi ng tawad sa kanyang pag-iisip o kaya naman ay makahingi ng pagpapasalamat dahil sa kanyang ginawa kanina na alam niyang hindi sila makakaalis ni Angela sa orientation dahil natatakot sila na baka mawalan sila ng trabaho tapos ay binigyan niya pa ito ng napkin. Sigurado siyang bumili pa ito dahil wala naman siyang babaeng kapatid na maaring gumamit ng ganoon. Wala rin naman ang Senyora dito sa mansyon ngayon.  “Go inside,” utos sa kanya ni Lucius tiyaka na ito humakbang papalayo sa kanya. Umawang ang bibig ni Chaaya dahil sa gulat, hindi niya inasahan na iiwanan siya doon ni Lucius. Pero kung siya rin ang nasa katayuan ng binata ay iiwanan niya rin ang tao na pinag-isipan siya ng masama kahit na ang hangad lang naman nito ay purong kabutihan. Bahagya siyang nakonsensya dahil doon pero hindi na niya alam kung paano kausapin si Lucius dahil mukhang nagalit na nga talaga siya sa kanya. Wala na siyang magawa kung hindi pagmasdan na lang ang likuran ng binata na papalayo sa kanya, napansin niya rin ang bulaklak na nasa bulsa niya hanggang sa hindi na niya nasilayan ang katawan ng binata.  Napasinghap si Chaaya at mabigat ang kanyang loob na pumasok sa banyo. Hindi naman siguro siya mapili sa brand ng napkin na ginagamit niya noon kaya kahit anong brand na lang ang dinampot niya at kinuha niya. Ang mahalaga ay makapaglagay siya ngayon nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang kanyang tagos. Lumabas na rin siya ng banyo pagkatapos noon ang kaso nga lang ay napanguso siya dahil hindi niya alam kung saan siya liliko dahil sa laki ng mansyon. Bakit kaya trip ng mga mayayaman ang malalaki ang bahay kahit na maliit lang sila na pamilya? Ayaw ba nilang nagkikita sa isang bahay? Dahil kung ganito kalaki ang bahay na tinitirhan nila ng kanyang pamilya ay sigurado siyang malabong makita pa nila ang isa’t-isa maliban na lang kung napag-usapan nilang pumunta sa isang lugar o kaya naman ay kakain sila ng sabay-sabay.  “Oh!” gulat na sambit ni Ethan nang makita niya ang kanyang kaibigan na mukhang naliligaw sa loob ng mansyon. Bahagya siyang natawa dahil ganon din siya noong bata pa siya at unang beses niya pa lang dito sa mansyon.  “Ethan!” masiglang sambit ni Chaaya dahil nagkaroon siya ng pag-asa na kaagad siyang makakabalik sa sala at hindi siya mapapagalitan ni manang Amelia dahil sa tagal niya.  “Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ni Ethan dahil nakita niya si Manang Amelia at ang iilang babae at lalaki na kinakausap niya para sa kaarawan ng kanyang pinsan na si Lucas. “Hindi ka ba kasali sa ino-orient ni manang Amelia?” dagdag na tanong niya pa.  “Kasali ako,” nahihiyang sambit ni Chaaya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Ethan na may tagos siya kaya siya umalis muna—na hindi naman talaga siya umalis dahil hinila lang siya ng pinsan ng kausap niya.  “Oh, eh bakit ka nandito?” pagtatanong ni Ethan. “May hinahanap ka ba? May inutos ba sa’yo?” pagtatanong ni Ethan. “Ano iyon? I will help you!” masiglang sambit pa ng binata sa kanyang kaibigan.  “Ah galing lang ako diyan sa banyo,” sagot ni Chaaya tiyaka pa siya bahagyang natawa. Tiningnan mabuti ni Ethan ang kanyang kaibigan tiyaka niya lang napansin ang hoodie na nakatali sa kanyang beywang at bahagyang napatango-tango si Ethan na tila alam na niya kung ano man ang ibig sabihin ng dalaga.  Pamilyar ang hoodie na iyon dahil hindi siya pwedeng magkamali. Iyon ang paboritong brand ng kanyang pinsan. At alam din niya ang galawan na iyon dahil minsan na niyang ginawa iyon sa isang babae kapag hindi niya inaasahan na may dalaw siya sa araw na iyon.  “Pwede ba patulong paano makabalik kina manang Amelia?” pagtatanong ni Chaaya. Ayaw na niyang hintayin pa na magtanong si Ethan kung anong ginawa niya sa banyo dahil nakakailang naman sabihin sa kanya iyon. Hindi pa sila ganon kalapit sa isa’t-isa para maging walang-hiya siya. “Oo naman! Tara!” anyaya ni Ethan sa kanyang kaibigan kaya napangiti si Chaaya. Hinigpitan niya rin ang pagkakahawak sa paper bag dahil sa hiya niya.  “Paano ma pala nakapunta sa banyo kung hindi mo man lang alam ang bawat sulok ng mansyon?” pagtatanong ni Ethan kahit kaya naman niyang sagutin ang kanyang katanungan. Kung hindi kabisado ni Chaaya ang mansyon ay isa lang ang ibig sabihin non—na tinulungan siya ng isang taong kabisado ang pasikot-sikot ng mansyon.  “Huh?” tanong ni Chaaya. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba pero napanguso na lang siya dahil naalala niyang bigla na lang siyang iniwan ni Lucius. “Iniwan ako nung pinsan mo pagkatapos niya akong hilain papunta doon!” ranta niya kay Ethan kahit na man na siya ang may kasalanan kung bakit na lang siya biglang iniwan ni Lucius doon.  “Ang iyong Senyorito?” pagtatanong na may halong pang-aasar ang iginawad ni Ethan sa kanyang kaibigan. Lalong humaba ang nguso ni Chaaya dahil sa pang-aasar ng kanyang kaibigan sa kanyang tabi.  “Senyorito naman siya ng lahat,” sagot niya kaya bahagyang natawa si Ethan dahil mukhang gusto ng babae na siya lang ang tumawag ng ganon kay Lucius sa uri ng pananalita niya.  “Bakit ka ba niya iniwan?” pagtatanong ni Ethan. “Imposibleng iiwan ka na lang bigla non,” dagdag pa niya.  Kilala niya ang kanyang pinsan at alam niyang hindi niya kayang gawin iyon kay Chaaya. Pwera na lang kung may isang bagay na hindi inaasahan na magiging dahilan ng pag-alis niya. Masyado ring halata sa kilos ng kanyang pinsan kung ano ang tingin niya sa dalaga kaya naman lagi niya itong inaasar kapag nagkakaroon sila ng oras magpipinsan. Hindi rin naman niya iyon tinatanggi kaya naman buo ang kanyang loob na tama ang hinala niya.  Kaya nang sinabi ni Chaaya na iniwan na lang siya bigla ng kanyang pinsan ay mahirap paniwalaan. Alam niya pa naman kung paano mabaliw ang kanyang pinsan sa isang babae.  “Hmm, wala.” sambit ni Chaaya. Nahihiya siya na sabihin sa iba ang iniisip niyang masama kanina kay Lucius.  “Talaga?” pang-aasar pa rin ni Lucius. Hindi niya tuloy maiwasan na maisip kung ano man ang pinag-awayan nila na dahilan ng pag-alis ng kanyang pinsan. Gusto niyang malaman nang sa gayon ay magamit niya rin pang-aasar iyon sa pinsan dahil inaasar din naman siya nito palagi.  “O-oo,” sagot ni Chaaya. Bahagya pa siyang nautal dahil hindi naman siya sanay na magsinungaling.  “Ano iyang hawak mo?” pagtatanong ni Ethan. “Nevermind,” sambit ni Ethan nang masilip niya kung ano ang laman noon. Ayaw niya rin naman bigyan ng ilang ang hangin na bumabalot sa kanilang dalawa kaya hindi na niya tinuloy.  Mukhang alam na rin niya kung kanino galing iyon dahil nasulyapan niya ang iba't-ibang klaseng pads o napkin. Sa pinsan niya galing iyon at sigurado siya dahil pa-iba iba ang brand na iyon, kung si Chaaya ang bumili non ay alam niyang isang brand lang ang bibilhin niya dahil iyon lang naman ang brand na gamit niya. Pero dahil iba ang bumili at hindi niya alam kung ano ang ginagamit ni Chaaya ay talaga namang iba-iba ang kailangan niyang bilhin para makasigurado siya kung ano man ang kumportableng gamitin ng dalaga.  “Alam mo ba na nag-overthink ngayon si Lucas?” pagkwento ni Ethan sa kanyang kaibigan. “Hindi naman sa nagbabakasakali ako na makatulong ka pero parang ganon na nga,” natatawang wika niya sa kanyang kaibigan kaya naman nagtaka sa kanya si Chaaya.  “Bakit?” tanong na lang niya.  “Nag-aalala kasi siya na baka hindi ulit pumunta si Suzzie sa kanyang kaarawan,” sambit niya. Kumunot ang noo ni Chaaya dahil sa sinabi ni Ethan. “Last niya kasing punta ay noong ten years old pa ito,” dagdag pa ni Ethan dahil naalala niya pa rin iyon.  “Bakit?” pagtatanong niya dahil hindi niya rin alam kung bakit hindi pumupunta ang kanyang kapatid gayong mukhang matalik na magkaibigan naman sila ni Lucas. Sinabi nga sa kanya ng kanyang ina at maging ang kanyang kapatid na magkaibigan na sila magsimula pa noong bata sila. Kaya naman hindi maiwasan na magtaka ni Chaaya kung bakit hindi pumupunta si Suzzie. Wala naman nabanggit sa kanya ang kanyang kapatid kung bakit at wala rin naman siyang maalala.  Ang hirap naman na wala kang maalala kahit na sa mga taong mahalaga sayo.  “Huh?” takang tanong ni Ethan dahil ang akala niya ay alam ni Chaaya kung bakit hindi pumupunta ang kanyang kapatid. Mukhang malapit naman sila sa isa’t-isa kaya posibleng nasabi sa kanya ni Suzzie ang dahilan. “Hindi rin namin alam kung ano ang dahilan ni Suzzie na kahit halos magmakaawa na kami ni Lucius noon para lang mapasaya si Lucas ay hindi pa rin siya pumunta.” Bahagyang nailang si Chaaya dahil pakiramdam niya ay wala siyang kwentang kapatid dahil nakalimutan niya kung sakali man na sinabi man sa kanya ni Suzzie ang dahilan ng hindi niya pagpunta.  “Ah gano ba? Sige, kakausapin ko siya kung pwede siyang pumunta.” agap na lang niya dahil baka dumami pa ang tanong sa kanya ni Ethan. Hindi niya rin alam kung kailan siya magiging handa na sabihin sa kanyang mga kaibigan na may amnesia siya at wala siyang maalala sa nakaraan.  “Yown!” masayang sabi ni Ethan. “Hulog ka talaga ng langit.” natawa na lang si Chaaya sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Pero huling tanong,”  “Ano iyon?” tanong ni Chaaya.  “May gusto ka ba kay Lucius?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD