KABANATA 9
“Oh ang aga mo naman magising?” pagtatanong ni Chaaya sa kanyang kapatid habang nag-aayos siya ng mga plastic nilang pinggan sa lamesa. Mukhang kakatapos niya lang magluto ng almusal.
Bigla tuloy siyang nakosensya dahil dapat siya ang gumagawa noon at hindi lang ang kanyang kapatid. Tumingin siya sa maliit nilang orasan na nasa sala, natatanaw naman kasi nila iyon kahit na nasa kusina na sila dahil hindi naman ganoon kalaki ang kanilang bahay. Alas tres y media pa lang pero gising na ang kanyang kapatid. Sa pagkakaalam nito ay alas siyete y media pa ang pasok nito pero nakapagluto at nakaligo na siya. Ang kanilang ina ay siguradong tulog pa dahil alas kuwatro y media ang kanyang gising.
“Ah, nagrereview kasi ako para sa quiz namin ate,” ngumiti si Suzzie tiyaka na niya nilapag ang ulam nilang tuyo na nasa pinggan sa may lamesa. “Ikaw ate? Bakit ang aga mo gumising ngayon? May masakit ba sa’yo?” tanong ni Suzzie na may pag-alala sa kanyang boses. Umiling si Chaaya tiyaka siya uminom ng tubig.
“Naalimpungatan lang ako,” sagot nito pagkatapos niyang ininom ang isang basong tubig na kinuha niya kanina. “Hindi na ako makatulog eh,” wika nito kaya tumango si Suzzie tiyaka siya naupo sa plastic nilang upuan.
“Ganon ba ate? Kain na tayo!” anyaya niya dahil kakain muna siya ng kanin bago siya muling magre-review. Tumango si Chaaya tiyaka siya kumuha ng pinggan, kukuha sana siya ng kubyertos ang kaso nga lang ay bigla siyang natigilan.
Hindi niya alam kung bakit sanay-sanay ang mga kasama niya sa bahay na kumain gamit ang kanilang kamay habang siya ay gumagamit pa rin ng kubyertos. Hindi ba siya nagkakamay noon? Napailing siya tiyaka nalang niya binaba ang kubyertos na hawak niya dahil kailangan niyang makibagay sa kanyang pamilya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kahit na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang pamilya sa kanya ay para bang iba ang paraan ng kanyang pamumuhay sa kanila at para bang ingat na ingat sila sa kanya.
“Oh, magkakamay ka ate?” gulat na tanong ni Suzzie dahil ngayon niya palang nakita na hindi kumuha ng kubyertos ang kanyang ate Chaaya. Ngumiti si Chaaya tiyaka siya tumango bago sumandok ng kanin at naupo sa tapat ni Suzzie.
“Oo, bakit parang gulat na gulat ka naman?” natatawang tanong ni Chaaya sa kanyang kapatid. “Hindi ba ako nagkakamay noon?” pagtatanong ni Chaaya kaya biglang natigilan si Suzzie dahil nagulat lang naman siya kaya niya naitanong iyon.
Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na galing sa isang mayaman na pamilya si Chaaya at laki siya sa marangyang buhay. Sa kutis at balat pa lang nito ay masyado nang halata. Maging ang kanyang pananalita na hindi man ganon katigas ang kanyang English at parang iyon ang first language niya. Ngayon-ngayon na nga lang halos gumagamit ng tagalog ang dalaga. Siguro ay dahil palaging tagalog lang din ang nakakausap niya sa bahay maging ang ibang tao sa labas ng kanilang bahay. Madalang lang naman mag-English ang mga tao dito at halos mga mayayaman lang na pamilya ang laging gumagamit ng wika na iyon. Tiyaka para kay Suzzie, nawewerduhan siya kung tagalog naman silang pare-pareho tapos bigla mag-English.
“Ah nagkakamay naman,” agap ni Suzzie dahil baka magtaka ang kanyang ate. Ayaw niya pa naman na nagtataka na ang kanyang ate dahil nakikita niya ang mariin na pagpikit nito na tila ba sumasakit din ang kanyang ulo. Kapag nagtataka kasi siya ay pinipilit niyang alalahanin ang mga bagay-bagay. “Siguro lutang lang ako dahil kulang ako sa tulog,” palusot ni Suzzie tiyaka siya natawa kaya naman natawa rin si Chaaya.
“Huwag mo rin pabayaan ang sarili mo ah?” paalala nito sa kanyang kapatid dahil mukhang responsable siya sa kanyang pag-aaral at alam naman ni Chaaya kung gaano kahirap ang kanilang buhay kaya nagtatrabaho pa ang kanyang kapatid at gumagawa ng mga gawaing bahay. Malamang ay pagod ang kanyang kapatid kumpara sa ibang estudyante na pag-aaral lang ang inaatupag pagkaalabas nila ng paaralan.
“Don’t pressure yourself too much,” sambit pa nito dahil baka pine-pressure ng kanyang kapatid ang sarili niya sa kanyang pag-aaral lalo na’t mahirap nga lang ang buhay nila sa isla. “Pabayaan mo at kapag may tiyansa na makapag-trabaho ako sa Manila, magiging maganda na ang buhay niyo nina nanay.” Ngiti ni Chaaya.
Nababasa niya kasi sa mga dyaryo kung ano ang pamumuhay sa Manila at mas mataas ang mga pasahod kumpara sa kanilang isla. Nakikita niya rin sa TV ng kanilang kapit-bahay kung gaano kataas ang mga building at kung gaano karami ang mga gusali na nakatayo sa Manila. Kapag sinwerte siya sa paghahanap ng trabaho ay maiaahon na niya ang kanyang pamilya sa hirap.
Natahimik ng kaunti si Suzzie dahil sa sinabi ng kanyang ate. Kita niya sa kanyang mga mata kung gaano siya nangungulila sa sinabi niyang siyudad. Siguro ay taga-Manila talaga ang kanyang ate kaya ganon na lang ang pagkislap ng kanyang mga mata nang binanggit niya ang siyudad. Ngumiti na lang si Suzzie para hindi mahalata ng kanyang ate kung bakit siya biglang natahimik.
“Minsan, naiisip ko kung ano ang pangarap ko noon para sa pamilya natin.” Sambit ni Chaaya. Dahil kahit na wala siyang maalala at isang linggo pa lang silang magkakasama ay alam niyang mahal na mahal na niya ang kanyang pamilya noon pa man. Magaan ang kanyang loob sa mag-asawa at maging sa kanyang kapatid kaya alam niyang ito talaga ang pamilya niya. Syempre, kung mahal niya ang kanyang pamilya ay may pangarap siya para sa kanila. Ngayon pa lang ay nangangarap na siya ng marangyang buhay para sa kanyang pamilya kaya hindi niya maiwasan isipin kung ano nga ba ang pangarap ng dating Chaaya sa kanyang pamilya?
Hindi alam ni Suzzie kung ano ang isasagot niya dahil hindi naman nasabi ng kanyang mga magulang kung ano ang dapat nilang isagot kapag tinanong ito ng kanyang tinuturing na kapatid. Baka rin magkaiba pa sila ng sinabi ng kanyang mga magulang na magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa susunod na mga bukas.
“Pero ayos lang kung hindi ko na maalala,” tiyaka ngumiti si Chaaya. Para naman nakahiya ng maluwag si Suzzie dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Hindi lang niya pinahalata na nagpapanic na ang kanyang sistema nang tinanong siya ni Chaaya kanina. “Alam ko naman na iisa lang ang gusto at pinapangarap ko.”
“Iyon ay ang maiahon sina inay at itay sa kahirapan.” wika niya habang nakangiti kaya napangiti na rin si Suzzie. Busilak talaga ang kalooban ng kanyang tinuturing na kapatid kahit na wala itong maalala na galing siya sa marangyang pamilya ay siya pa rin ang nag-adjust sa buhay nila. Masaya na si Suzzie na nagkaroon siya ng nakakatandang kapatid katulad ng lagi niyang inaasahan noon.
Nakikita niya kasi ang Senyorito Lucas kasama ang kanyang kuya at para lang silang magkaibigan. Gusto niya rin magkaroon ng ate dahil nakikita niya na maganda sa pakiramdam ang mayroong kapatid katulad na lang ng kanyang kaibigan na si Lucas at ang Senyorito Lucius. Alam niya kasi na balang araw ay maghihiwalay din sila ng landas ni Lucas lalo na’t magka-iba talaga sila ng estado sa buhay. Kapag nangyari iyon ay wala nang matitira sa kanyang tabi kaya naman lubos ang kasiyahan niya nang sinabi ng kanyang itay na magkakaroon siya ng nakakatandang kapatid kahit na hindi pa niya ito kadugo. Alam niya na sa oras na naghiwalay na sila ng landas ng kanyang kaibigan ay mayroon pa ring taong matitira sa kanyang tabi na para bang isang kaibigan kung ituring nila ang isa’t-isa.
“Naalala ko pa ang sinabi mo sa akin noong isang araw,” sambit ni Chaaya na may ngiti sa kanyang labi. “Ipagpatuloy mo ang pangarap mong iyon, gagawa ako ng paraan para matupad iyon kaya tulungan mo akong maabot ang pangarap mo.” hindi alam ni Suzzie kung ano ang magiging pakiramdam niya dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Hindi niya maiwasan na mamuo ang mga luha sa kanyang mata dahil sa labis na kasiyahan na nadarama.
“Ate,” naiiyak na tawag ni Suzzie kay Chaaya dahil kahit papaano ay may matawag na siyang ate. At ang sarap sa pakiramdam na may natatawag siyang ganon lalo na kapag ganitong mga bagay ang pinag-uusapan.
“Huwag kang mag-alala, ang pangarap ko ngayon ay ang matupad ang mga pangarap niyo nina nanay.” ngiti ni Chaaya. Hinawakan ni Chaaya ang kamay ni Suzzie sa lamesa tiyaka niya ito marahan na pinisil. Hindi na mapigilan ni Suzzie ang kanyang mga luha kaya lumandas na ito sa kanyang pisngi na mabilis naman niyang pinunasan.
Masaya muling nag-kuwentuhan ang magkapatid tungkol sa kanilang pangarap. Hindi alam ni Chaaya kung ano ba ang pangarap niya noon at wala man umeeksena sa kanyang utak na ala-ala sa pangarap niya. Kaya keysa sa pasakitin niya ang kanyang ulo sa kakaalala kung ano ang pangarap niya noon ay bumuo na lang siya ng pangarap na alam niyang matutupad dahil makakasama niya ang kanyang pamilya.
Hindi niya alam kung anong klaseng tao o babae siya noon, pero sa ngayon ang nakikita niya ay mahal niya ang kanyang pamilya dahil walang araw na hindi pinaramdam sa kanya ng kanyang pamilya na mahal siya ng mga ito. Ramdam na ramdam niya ang init ng pagmamahal ng pamilyang Santos kaya naman gagawin niya ang kanyang lahat na makakaya para mamuhay ng marangya at walang iniisip na problema sa pera ang kanyang mga magulang at makapg-aral na walang ibang iniisip na responsibilidad sa bahay at responsibilidad sa paghahanap-buhay ang kanyang kapatid.
Pangarap ni Chaaya na maghapon na lang nakahiga ang kanyang mga magulang sa malambot na kutson at sa magandang tirahan. Sa malamig na kwarto at hindi dinadapuan ng lamok. Hindi na sila gigising ng maaga para magbanat ng buto kung hindi mag-exercise na lang kung gugustuhin nila. Hindi na rin sila magiging kuba sa paglilinis ng kanilang bahay o makikipag-linis sa ibang bahay dahil sila na ang pagsisilbihan. Pangarap niyang iparanas sa kanyang mga magulang kung gaano kaganda ang buhay habang sila ay nabubuhay pa sa mundo.
At para naman sa kanyang kapatid. Kung hindi siya nakapag-aral sa kolehiyo ay gusto niya na sana ang kapatid niya na ang magtuloy para roon. Wala na rin siyang panahon pa sa pag-aaral dahil hindi na rin siya bumabata at walang katulong sa paghahanap-buhay ang kanyang mga magulang. Gusto niya rin na kung ano ang pangarap na maging ni Suzzie ang kukunin nyang kurso dahil ayaw niyang pag-aralin ang kanyang kapatid sa hindi naman niya gusto.
Alam ni Chaaya na hindi madali iyon pero ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang magtrabaho nang magtrabaho. Mag-ipon ng working experience niya nang sa gayon ay kapag nagbabalak siyang pumunta sa siyudad ay makakahanap agad siya ng trabaho na mas malaki ang kita. Makakabigay na siya ng malaking pera sa kanyang pamilya at unti-unti ng matutupad ang kanyang pangarap.
Napakadaling isipin ang lahat ng iyon pero ang hirap-hirap gawin. Kagaya na lang ngayon na sinasalubong niya ang pigtirik ng araw sa may dalampasigan habang hawak-hawak niya ang walis at naglilinis sa may dalampasigan ng mga dahon na nahuhulog mula sa puno. Hindi naman ganoon karumi dahil araw-araw at halos araw-araw may naglilinis sa mansyon. Ang dinig niya sa ibang trabahante ay malinis daw talaga ang Senyora at ayaw niya kahit na sa kaunting dumi.
Nang napulot na niya ang huling dahon at nailagay na niya sa sako ng basura ay hindi niya maiwasan ang tumitig sa dagat at pagmasdan ang mga alon. Hindi niya alam kung bakit napapakalma nalang ng alon ang kanyang sistema. At dahil hindi niya maihayag kung ano man ang ingay ng kanyang puso at ang kanyang utak dahil wala siyang maalala na ala-ala man lang ay ang alon na ang gumawa ng ingay para sa kanya.
Para kay Chaaya ay napakamakapangyarihan ng alon, para ba itong ala-ala. Hindi mo alam kung kailan ito lalakas o kailan ihihina. Katulad na lang ng ala-ala na hindi mo na mapapansin ang paghina hanggang sa mawawala na lang ito bigla o ang paglakas na siyang magiging dahilan ng sakit dahil pinapaalala lang kung ano ang mga hindi magagandang bagay sa buhay mo na siyang nagpapalakas para sa pag-iisip mo nang kung ano-anong mga bagay.
“Hey!” hindi napigilan ni Chaaya ang kanyang sarili at naihampas niya ang walis kung sino man ang tao sa kanyang likuran na siyang nannggulart sa kanya. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang balikat kaya naman agad nag-react ang kanyang katawan. At ang sinabi ng utak niya ay hampasin ang sino mang naggulat sa kanya kaya iyon ang ginawa ng kanyang katawan.
“Aw,” daing ng lalaki na siyang may pakana kung bakit siya nagulat. Para bang pamilyar ang boses ng lalaki kaya marahan siyang umikot para makita niya kung sino ang salarin sa paglundag ng kanyang puso na animo’y lalabas na ito sa kanyang dibdib dahil sa kaba na naramdaman niya.
“Hala!” natataranta si Chaaya nang makita niya kung sino ang kanyang hinampas. Hindi niya alam ang kanyang gagawin at nagpapabalik-balik ang kanyang tingin sa walis at sa Senyorito. Sa huli ay pinili niyang binitawan ang walis sa buhanginan tiyaka siy angmamadaling lumapit sa Senyorito at hawak-hawak niya ang kanyang pisngi dahil napasobra ang pwersa na binigay ni Chaaya kanina sa kanya.
Hindi naman niya kasalanan na nagulat na lang siya bigla sa biglang pagdating ng Senyorito at ginulat pa siya nito Gusto niya sanang sabihin iyon pero alam niya na kapag sinisi niya ang Senyorito ay mawawalan na siya ng trabaho o kaya naman ay ang kanyang ina at hindi siya makakapayag mangyari iyon. Lalong hindi kakayanin ng kanyang konsensya kapag nawala ang kanyang ina sa trabaho niya. Isa pa, ito ang pinakadahilan kung bakit sila nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mataas kahit papaano ang pasahod ng Senyora kaya kailangan niyang lunukin ang kanyang pride lalo na’t kailangan din ni Suzzie ng pinansiyal na suporta sa pagkamit ng pangarap niya.
“Sorry po, sorry po,” paulit-ulit na wika ni Chaaya habang nagba-bow pa siya ng ilang beses kung ilang beses siyang naghingi ng tawag sa Senyorito. Napakagat siya sa kanyang labi habang nanalangin na sana ay hindi badtrip ang kanilang Senyorito nang sa gayon ay hindi sila matanggal ng kanyang ina.
“It’s okay, that was my fault” agap ni Lucius habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi kung saan masakit talaga ang paghampas ni Chaaya sa kanya. Dahil doon ay huminga ng malalim si Chaaya tiyaka siya lumapit sa Senyorito para matingnan niya ring mabuti kung napano ang kanyang pisngi na alam naman niyang mukhang masakit dahil sa nagawa niya kanina.
“Hindi ko po sinasadya, pasensya na po,” kinakabahan na sambit ni Chaaya. Napanguso siya nang makita niya na kahit moreno ang binata ay kita niya pa rin ang pamumula ng kanyang pisngi.
“I said, it's okay, Chaaya!” natatawang sambit ni Lucius dahil mukhang guilty na guilty talaga si Chaaya sa kanya. Ang lawak tuloy ng kanyang ngiti.
Pero nawala ang malawak niyang ngiti dahil naramaman niya ang kamay ni Chaaya habang tinitignan ang pisngi niyang kakahampas pa lang ng dalaga kani-kanina lang. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naghina sa haplos ng dalaga sa kanya kaya kaagad niyang iniwas ang kanyang pisngi na siya namang ipinagtaka ni Chaaya dahil baka may magawa pa siyang masaya.
“Damn this girl for her effect on me.”