KABANATA 10
Wala naman masyadong problema sa kumpanya nina Lucius o walang masyadong ganap lalo na't binigyan siya ng kanyang ama ng bakasyon dahil hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang pagkawasak ng puso ng kanilang panganay na anak. Kaya naman napagdesisyunan ng Senyor na bigyan ng bakasyon ang anak nila na mamuhay muna ng payapa sa Isla. Pinapatawag lang siya kung may problema man o kailangan siya sa kanilang kumpanya. Ang kanyang ina na masyadong career-oriented ay ayaw pumayag noong una na magbabakasyon ang kanilang anak at walamg gagawin sa kumpanya pero wala ng nagawa ang Senyora nang ang Senyor na ang nagdesisyon.
Hindi alam ni Lucius kung dapat niya bang pasalamatan ang kanyang ama dahil binigyan niya ito ng pahinga para makapag isip-isip at para na rin gumaling ang puso niyang sugatan dahil sa unang babae na kanyang minahal. Hindi naman masama ang loob ni Lucius sa babaeng una niyang minahal, sa halip ay nagpapasalamat pa siya dito at masaya na siya makita lang niyang masaya ang dalawa. Walang tutumbas sa kasiyahan na nadarama niya kapag pinagmamasdan niyang nakangiti ang babaeng una niyang minahal kahit na hindi na siya kasama sa kaligayahan nila. Nakokonsensya nga siya dahil pagkatapos niya itong ibalik sa Manila ay iniwan niya na lang sila nang walang masyadong pasabi, aaminin niya na madalas niyang hinahanap ang presensya nila dahil naging parte na rin siya ng buhay nila.
Kaya hindi niya alam kung magpapasalamat siya sa Senyor dahil sa pahinga na binigay niya sa kanya o dapat siyang malungkot dahil nagdadaan ang araw na wala siyang ginagawa ay naiisip niya ang babaeng una niyang minahal maging ang matalinong bata na kanyang inalagaan simula din noong wala pa siyang masyadong kamuwang-muwang sa mundo. Hindi ganon kadaling limutin dahil sabi nga sa kasabihan na hindi kailanman mamatay ang unang pag-ibig, at naniniwala siya na hindi mawawala ang pagmamahal niya sa dalawa bagkus ay hindi na lang ganon kalalim sa pagdaan ng araw. Pero isa lang ang sigurado niya, na mahal niya pa rin kahit na nahanap na niya ang babaeng para sa kanya dahil tinuring na niyang isang pamilya ang dalawa. Para sa kanya, kailanman ay hindi mawawala ang pagmamahal ng isang pamilya.
Kaya para hindi siya mabagot at halos makabisado na niya ang mga libro ng kanyang ama na tungkol sa mga bata ay lumabas na siya sa silid-aklatan ng kanilang mansyon tiyaka na siya naglibot-libot at kinumusta ang kanilang mga trabahador. Tinuruan sila ng kanilang ama na maging malapit sa mga tao lalo na sa mga taong nagseserbisyo sa kanila dahil malaking tulong ang kanilang serbisyo sa kanilang buhay kahit pa na binabayaran nila ang mga ito. Dahil ang loyalty at tiwala ay hindi kailanman mababayaran.
“Manang Susan!” gulat na sambit niya dahil hindi niya inaasahan na papasok pala ngayon sa trabaho ang Ginang. Hindi niya maiwasan na igala ang kanyang paningin sa paligid nila dahil hinahanap niya ang isang babae. Ngumiti naman ang Ginang sa kanya, pansin niya ang paghahanap ng Senyorito sa kanyang panganay na anak kung hindi siya nagkakamali.
“Senyorito,” pagbigay galang niya sa panganay na Senyorito. Kahit na nakatingin sa kanya ang binata ay kita niya pa rin na may hinahap ito. “May hinahanap po ba kayo?” pagtatanong ng Ginang para hindi na mahirapan ang Senyorito. Pero kung ang panganay niyang anak ang kanyang hinahanap ay bahagyang tutol ang loob ng Ginang dahil alam niya naman kahit papaano ang ugali ng Senyora.
“Ah wala naman po,” medyo nahiya si Lucius dahil halata na gulat na gulat na siya sa pagkakita kay Ginang tapos ay nahalata niya pa na mayroon siyang hinahanap. Nakakahiya naman din kung sasabihin ni Lucius na hinahanap niya ang panganay na anak nito dahil panigurado ay magtatanong ang Ginang kung bakit hinahanap niya ang kanyang anak.
Kumunot ang noo ng Ginang dahil parang pamilyar sa kanya ang naging reaksyon ng Senyorito, parang ganito din ang reaksyon niya noong Sabado na nakita niya sa tapat ng kanilang bahay. Hindi niya maiwasan na mag-alala para sa kanyang anak. Alam niya na hindi naman niya tunay na anak ang dalaga pero sa isang linggo niya itong kasama ay napamahal na rin siya dito. Hindi rin siya ganoon kahirap na mahalin kaya tinuturing na niya talaga ito na parang isang tunay na anak. Alam niya naman na mabait ang panganay na anak ng mga Agravante pero hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang ugali ng Senyora. Ayaw niya lang na ma-agrabyado ang kanyang anak lalo na’t mukhang busilak talaga ang kalooban ni Chaaya.
“Kumusta po ang pagtatrabaho niyo? Hindi na po ba masakit ang inyong pakiramdam?” pagtatanong ni Lucius kaya ngumiti sa kanya ang Ginang. Hindi niya alam kung bakit parang mukhang interesado ang unang Senyorito sa kanyang anak pero gusto niya itong pakitunguhan ng maganda hindi lang dahil nagtatrabaho ito sa kanila kung hindi nakita niya kung gaano magmahal ang Senyorito.
Pero iyon nga lang ay hindi ganon kaganda ang ugali ng Senyora.
“Ayos naman po, Senyorito. At gumaling naman po ako dahil sa dalawa kong anak na inalagaan naman ako ng mabuti.” Ngiti ni Susan. Hindi alam ni Lucius kung bakit siya napaayos ng tayo nang marinig niyang sinabi ng Ginang ang kanyang mga anak.
“Ganoon po ba,” tumikhim pa siya na tila may nagbara sa kanyang lalamunan kahit na wala man siyang kinakain o iniinom man lang.
“Opo, sige po. Balik na po ako sa pagtatrabaho ko,” ngumiti ang Ginang sa senyorito dahil kailangan niya pang linisin ang garden ng Senyora. Maalaga ang Senyora sa mga bulaklak niya na nasa kanyang hardin kaya naman kailangan niya itong linisin nang sa gayon ay hindi magbuga ng apoy ang Senyora. Naalala niya noon na may nakalimot na linisin ang paborito niyang lugar sa mansyon—ang kanyang hardin ay kaagad niyang sinesante ang trabahador kaya ayaw niyang mangyari sa kanya iyon.
Sumang-ayon naman ang binata. Nagpalinga-linga pa siya dahil umaasa siya na may makikita siyang pamilyar na bulto ng isang babae. Ang kaso nga lang ay hindi niya makita ang kanyang hinahanap. Bahagya siyang pinaghinaan ng loob dahil mukhang hindi nagtrabaho ang kanyang hinahanap at baka may ibang ginagagawa sa bahay o kaya naman ay sa palengke.
Nawawalan na siya ng pag-asa nang maalala niya kung saan niya unang nakita ang dalaga. Kaya naman napangiti siya at bahagyang sinisi ang kanyang sarili kung bakit hindi niya agad naisip kanina iyon. Edi sana nakita na niya kung sino man ang gusto niyang makita.
Malawak ang ngiti niya na ipinapakita sa kanilang mga trabahador habang naglalakad siya papunta sa may dalampasigan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit excited siya na makita ang dalaga kahit na nagkita naman sila noong Sabado. Para bang hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi niya masisilayan ang dalaga katulad na lang kahapon na nakakulong lang siya sa kanilang mansyon dahil wala naman na siyang magawa. Nasa Manila ang kanyang kaibigan sa Isla maging ang kanyang kapatid.
Kaunti na nga lang ay gusto na rin niya sanang pumunta sa Manila ang kaso nga lang ay alam niya sa kanyang sarili na sa oras na tumapak ang kanyang paa sa siyudad ay isang tao lang ang pupuntahan niya. Ayaw na niyang gumulo dahil masaya na ang babae at iyon ang karapat-dapat niyang maramdaman. Ayaw niya rin na makita ang babae na nakokonsensya dahil hindi siya ang pinili niya. Ayaw niya itong mahirapan, mas ayos na isipin na lang niya na masyado siyang busy sa Isla kaya hindi na rin siya nakakabisita pa sa Manila.
Binilisan niya ang kanyang paglalakad hindi lang dahil sa excitement na nararamdaman niya kung hindi sa mga bagay na naglalaro sa kanyang utak. Para bang hindi na naman siya patatahimikin ng kanyang utak dahil pumasok muli sa kanyang isipan ang unang babae na minahal niya. Kahit na iiiwasan niya itong isipin ay may mga pagkakatao na bigla na lang siyang sasagi sa kanyang isipan tapos wala na, tuloy-tuloy na niyang maiisip hanggang sa magbibigay siya ng pity party sa kanyang sarili.
Pero para bang nawala ang lahat ng bagabag, ang lahat ng mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan nang makita niya ang pamilyar na pigura ng isang babae. Hindi niya maintindihan kung paano ang nakakunot niyang noo kanina ay bigla na lang sumilay ang kanyang matamis na ngiti sa labi kahit na nakatalikod sa kanya ang babae. Kulay asul na daster ang kanyang suot-suot habang nakatingin siya sa dagat na tila malalim ang kanyang iniisip.
Lalong lumawak ang ngiti ni Lucius nang may naisip na kalokohan. Maingat ang kanyang paglapit at ang paglalakad niya sa may dalampasigan dahil sa kanyang pina-plano. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ng dalaga tiyaka niya ito ginulat.
“Hey!” masayang sambit ni Lucius pero dahil sa gulat ng dalaga ay bigla niya na lang itong nahampas ng walis na hawak-hawak niya. “Aw,” daing ni Lucius dahil talaga naman maskait ang pagkakahampas sa kanya ng dalaga. Para bang may sama ng loob ang hampas niya.
Nakita niya na nagulat ang dalaga na siya ang nasa harapan niya kaya naman paulit-ulit na humingi ng pasensya ang dalaga sa Senyorito habang paulit-ulit ni Lucius na wala lang iyon sa kanya. Nakokonsensya pa rin si Chaaya dahil hindi lang ordinaryong tao ang kanyang nahampas kung hindi ang panganay na anak ng Senyor at Senyora.
“It’s okay, Aya.” pag-alo sa kanya ni Lucius dahil hindi na siya tumigil sa paghingi ng pasenya kaya naman natatawa si Lucius lalo na at napaka-cute ng dalaga sa kanyang harapan. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa dalaga. “It’s my fault, okay?” sambit pa ni Lucius para gumaan kahit papaano ang dalaga.
“Pasensya na po talaga,” nakayuko pa ito na tila hiyang-hiya. Mas gusto niya sana kung hahawakan ulit ng dalaga ang kanyang pisngi katulad na lang ng ginawa niya kanina pero nahihiya naman siyang magsabi ng ganoon. Gusto niyang makita ang mukha ng dalaga ang kaso nga lang ay nakayuko ito dahil nahihiya siya sa kanyang ginawa.
Napabuntong hininga si Lucius dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya o kaya naman ay ang kanyang sasabihin nang sa gayon ay gumaan na ang loob ni Chaaya. Nakakailang lang na ganito ang kanilang sitwasyon tiyaka isa pa, hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya na para bang sa pagyuko ni Chaaya at sa paulit-ulit na paghingi niya ng tawad ay lalo niyang nararamdaman na magkalayo ang agwat ng kanilang pamumuhay.
“Okay, how about…” mukhang ito lang ang naiisip na paraan ni Lucius para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ng dalaga. Mukhang nakuha naman niya na interesado kung ano man ang susunod niyang sasabihin dahil umangat ang tingin ng dalaga at nagtama ang kanilang paningin kaya naman bigla siyang napaayos ng tayo tiyaka pa siya tumikhim.
“What?” pagtatanong ni Chaaya na interesado sa sasabihin ng Senyorito. “Pwede niyo pong sabihin sa akin kung paano ako makakabawi,” wika pa ni Chaaya dahil alam niya na kapag nalaman ng kanyang ina ang nangyari ay baka masermon siya at ayaw niyang magsumbong sa Senyora ang Senyorito na nahampas siya nito dahil baka hindi lang siya ang mawalan ng trabaho kung hindi maging ang kanyang inay.
Ayaw niya na madamay ang kanyang inay sa hindi niya pag-iingat kaya kahit na ano ang sabihin na kapalit ngayon ng Senyorito ay gagawin niya ang lahat nang maibigay niya iyon kahit na mukhang mga mamahalin na bagay ang mga tipo niya.
“Ah,” napaiwas ng tingin si Lucius dahil mukhang seryoso naman nakakinig sa kanya ang dalaga at ang tingin pa nito sa kanya ay hindi niya kayang labanan. Para bang nate-tempt siyang halikan ang mapupula nitong labi kaya todo iwas siya ng tingin hangga’t makakaya niya. Hindi niya rin masabi kung ano ang desisyon niya dahil nadi-distract siya sa paraan ng pagtingin ng dalaga.
Kumunot ang noo ni Chaaya dahil bigla na lang naging tahimik ang binata na kausap niya. Kanina pa siya naghihintay kung ano ang gusto nitong bagay para makabawi na siya sa nagawa niyang kasalanan kanina ang kaso nga lang ay ramdam niya ang pag-iwas ng tingin ng binata na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang iwasan ang mga titig nito. Kita niya rin ang pagtaas-baba ng kanyang adam’s apple.
“What is it?” pagtatanong ni Chaaya dahil hindi na siya makapaghintay na pumanik sa taas nang sa gayon ay matulungan niya pa ang kanyang ina sa kanyang ginagawa. Baka mabinat ang kanyang ina dahil nagkatrangkaso siya noong Biyernes ng gabi kaya alam niyang nangangailangan ng tulong ang kanyang ina at para hindi na rin ito mabinat.
Nahihirapan din kasi siya kapag may sakit ang kanyang ina. Nahihirapan siya na tingnan sa ganoong kalagayan ang kanyang ina at ang tangi niya lang magawa ay tanungin pa ito kung paano ang tamang paraan ng pag-aalaga. Dapat ay nagpapahinga siya pero nagtuturo pa siya dahil wala man lang siyang alam sa pag-aalaga ng may sakit. Tiyaka isa pa, naririnig nya ang kanyang mga magulang na nag-uusap tungkol kung gaano kamahal ang gamot at kung gaano kakonti ang kanilang pera. Hindi niya maiwasan na malungkot at tanungin kung bakit hindi sila binigyan ng karapatan na maging mayaman.
Katulad na lang ng lalaki sa kanyang harapan. Kung tutuusin ay tama naman ang Senyorito na siya ang may kasalanan kung bakit niya ito nahampas pero iba ang pakiramdam ni Chaaya dahil na rin siguro paulit-ulit din silang pinagsasabihan ng kanyang ina tungkol sa estado ng mga Agravante sa estado nila sa buhay. Para bang pinapaalalahanan sila ng kanyang ina na hanggang doon lang ang pwede sa kanila. Kung ano man ang namamagitan sa kanila ngayon ay hanggang dito lang. At isa pa, kaya siya nakokonsensiya ng malla dahil kumbaga sa isang kumpanya ay ang boss ang nahampas niya at alam niya na malakas ang paghampas niya dahil gulat na gulat talaga siya.
Sino ba namang hindi magugulat kung tahimik lang siya kanina na nagmamasaid sa alon, ni hindi man nga niya napansin o narinig man lang ang mga yapak ng binata habang papalapit siya sa kanya.
“Ahm,” muling sambit ng Senyorito pagkatapos ay bahagya niyang hinaplos ang kanyang batok na tila ba nahihiya siya.
Hindi pa rin makapaniwala si Chaaya na ganito kalambot ang Senyorito—na ganito siya kabait at ka-sweet sa mga tao kabaligtaran talaga siya ng kanyang mukha na masungit. Ang sabi ni Suzzie ay masungit daw ang kuya ni Lucas pero mukhang nagkamali ang kanyang kapatid dahil para sa kanya ay hindi naman masungit si Lucius. Ramdam nga niya na gustong makipagkiabigan ng binata ang kaso nga lang ay hindi niya alam kung saan magsisimula.
“Ahm,” pag-ulit ng binata. Kagaya na lang ngayon, hindi alam ni Lucius kung paano magsisimula sa kanyang sasabihin. Maging ang binata ay naiinis sa kanyang sarili dahil kinakabahan siya at kung tama ba ang magiging desisyon niya. Alam niya na kapag binitawan na niya ang mga salitang iyon ay wala ng bawian.
“Mukhang pinag-iisipan niyo po muna,” puna ni Chaaya dahil hindi malaman ni Lucius kung paano siya magsisimulang magsalita ng hindi kinakabahan at hindi mauutal sa kanyang alok o sa kanyang sasabihin. “Tutulungan ko po muna ang aking ina,” paalam ni Chaaya dahil hindi na niya kayang maghintay pa sa sasabihin ng Senyorito, alam niya na kailangan ng knayang ina ang tulong niya sa dami niyang nililinis sa mansyon.
“Aya,” pagtawag ni Lucius tiyaka niya hinawakan ang braso nito. Nasa gilid niya ngyaon si Chaaya na naging maganda para sa kanya dahil hindi niya nakikita ang buong mukha nito at ang dagat lang ang kanyang nakikita habang naramdaman niyang napalingon sa kanya si Chaaya.
Nagulat si Chaaya sa biglaang paghawak ni Lucius sa kanyang braso na tila ba pinipigilan siyang umalis.
“You owe me,” sambit ni Lucius tiyaka napatango si Chaaya dahil tama naman ang kanyang sinabi, nahampas niya ang anak ng Senyor kaya may utang siya sa kanya.
“Let’s be friends,”