Angela “Angie” C. Belmonte
“Angie! It’s Friday night! Where are we going mamaya?” my friend Andrea asked me when we were walking down the hallway matapos ang klase namin sa Hotel Operations and Management—one of our major subject na kinukuha naming apat as a BS in Hotel, Restaurant, and Tourism Management dito sa PisCA.
Kasalukuyang nasa Department of Business Management kami at patungo na kami ngayon sa susunod na klase namin, which is the Tourism Economics.
“Yeah. Saan tayo mamayang gabi, Angie?” tanong naman sa akin ni Yna. Siya ‘yong may kulot ang buhok sa aming apat.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanilang tatlo. “Er… Sorry girls but I have to cancel our lakad tonight,” I said.
Ini-expect ko sa kanila na magugulat sila at hindi naman ako nagkakamali roon. Kahit si Lily na kilala tahimik sa aming grupo ay gulat na gulat din siya. Hindi kasi nila ini-expect na ika-cancel ko ‘yong lakad namin tonight.
Every Friday night kasi ay pumupunta kami sa club para mag-enjoy dahil weekend na naman. Pagkatapos ay umuuwi kami sa isa sa kanilang bahay para doon mag-stay over after the party.
We’ve been doing this when we were first year pa. The reason why we always do this ay para malayo kami sa mga stress sa school works. Ayoko kasing nai-stress. Naha-haggard ako.
“Why? We always not cancel our Friday night,” sambit naman ni Lily sa akin.
“We have to—er… what I mean is I have to,” iyon na lang ang isinagot ko sa kanila at saka ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Parang mga alila na sumunod naman sila sa akin.
“Why?” saad ni Andrea.
“Can you tell us why?” saad naman Lily.
“Or maybe she is hooking with Pogi,” Yna started teasing me. ‘Yong tinutukoy niyang ‘Pogi’ ay si Jon na crush ko rito sa PisCA noong first year pa. Isa siyang BS Computer Science student at sa pagkakaalam ko ay nagpa-part time work siya as a barista sa Brew Haven, ang coffee shop na malapit sa university na pinapasukan naming apat.
Huminto tuloy ako sa paglalakad at nakita ko kung paano ngumisi ang tatlo sa akin dahil sa sinabi ni Yna. Nakakalokong ngisi iyon; sinyales na tutuksuhin na naman nila ako. Alam kasi nila na may crush ako kay Jon kaya ganito lagi ang approach nila if we were going to talk about him.
I don’t know what came to me at bakit nagkagusto ako kay Jon. He’s not that attractive though, aminin na natin. Hindi rin siya kasing guwapo at kasing-kisig sa kasamahan niya sa trabaho roon sa Brew Haven, which I thought Leonard is his name.
Jon was tall, dark, and handsome enough for me. I know it is too much cliché to describe him that way pero iyon talaga ang pisikal na katangian na meron siya. And I find it attractive to me kaya siguro nagkagusto ako sa kanya.
In addition, sobrang bait niya. Nakikita ko lagi maganda niyang katangian kapag nagta-trabaho siya sa Brew Haven o kapag nakikita ko siya rito sa school kasama no’ng babae na palagi niyang kasama. Sofia is her name.
Malalim na bumuntong-hininga ako bago ako nagsalita sa kanilang tatlo. “Yes, I admit it. I am hooking up with him. We’ve been texting right now. Actually, two weeks na kaming nag-uusap through text,” pag-amin ko sa kanilang tatlo na sabay na ikinatili nila ng malakas.
Dahil sa nangyari, biglang may teacher na lumabas sa isang classroom na kung saan naroon kami sa labas niyon nag-uusap at nakatayo. Galit itong sinermunan kami dahil sa ginawang pagtitili ng tatlo kaya mabilis kaming umalis doon at lumipat sa isang lugar na hindi kami makaka-istorbo ng klase—iyon ay ang CR ng mga babae.
“So what’s the status?” kinikilig pa ring tanong ni Andrea sa akin no’ng nasa harapan kaming tatlo sa salamin habang nagre-retouch. Kasama namin si Yna habang si Lily naman ay nasa isang cubicle at umiihi.
“Nasa getting-to-know-each-other stage pa kaming dalawa. One thing that I truly love him the most is that masarap siyang kausap, knowing also that he has also a secret crush to me,” sabi ko habang naglalagay ng foundation sa mukha. Iyon ang sabi ni Sofia sa akin the last time we’ve talked in Brew Haven. That gives me a butterfly in my stomach.
“Yeah, right. We know it. Kaya hindi na ako magtataka kung magiging kayo ni Jon someday,” sabi naman ni Yna habang naga-eye liner.
“Okay, we will let you cancel our Friday night basta bumawi ka lang sa amin, ah,” sabi naman ni Andrea.
“Sure. I will treat you again,” nasabi ko na lang. “Makakatanggi pa ba ako sa inyo.”
Matapos naming mag-ayos sa CR ay kaagad na kaming pumunta sa next class namin. Muntikan pa kaming hindi papasukin ng teacher dahil late kami ng ten minutes. Binigyan na lang niya kami ng final warning not to be late again at saka niya kami pinapasok.
That time, I was secretly texting Jon. Random text lang iyon hanggang sa nagtanong siya kung ano ang gagawin ko ngayon tanghali. I texted him na baka magla-lunch lang ako and he replied na ganoon din.
He asked me again kung saan daw ako kakain. Kaagad na umilaw yong instinct ko sa text niyang iyon. Nangangahulugan na mukhang yayayain niya akong kumain kaming dalawa sa labas.
Dahil naisip ko na that will be a great time to meet him in person, hindi na ako nagpakipot pa.
I replied him with this, “You know what, sabay na lang kaya tayo mag-lunch. Kung gusto mo lang naman. If hindi, hindi kita pipilitin.”
Maya-maya, nag-reply siya.
“Why not? Saan tayo kakain?”
I replied, “Ikaw? Saan mo gusto?”
And he said, “Puwede sa fast food dito sa school. Kung gusto mo.”
“Sure. Meet me there in lunch time. See you.”
Iyon ang huling text ko sa kanya kasi nakikita ko na tumitingin na ‘yong teacher sa akin. Parang nagdududa na siya kung ano ang ginagawa ko. Kaya tinigil ko na ang pagpipindot sa cell phone.
Matapos ang klase naming apat ay mabilis ko naman silang kinausap na hindi muna ako sasabay sa kanila sa pagla-lunch. Sinabi ko rin sa kanila ang dahilan kaya hindi na sila umangal pa.
Kaya ngayon, mag-isa akong naglalakad papuntang fast food. Doon daw kami kakain ni Jon ng lunch. Malapit na ako roon nang makita siya ng mga mata ko malapit sa DCIT. Again, kasama niya si Sofia roon at mukhang seryoso ang pag-uusap nilang dalawa.
Napasambit ako ng pasasalamat sa sarili ko dahil nakita ko rin siya. Gusto ko lang din sanang magpasalamat kay Sofia dahil binigay niya ang number ko kay Jon. Dahil kung hindi, hindi siguro kami magkakausap ng lalaking gusto ko. Kaya I owe her a lot.
Sumigaw ako para tawagin si Jon. Nakita ko kung paano sila sabay na lumingon sa akin and I saw na parang hindi yata maganda ang mood nilang dalawa. Binale-wala ko iyon at saka lumapit sa kanila. Doon ako pumuwesto sa tabi ni Jon, facing with Sofia, na sa nakikita ko ay parang umiiyak ito.
“Why? What’s happening? Why is she crying?” concern kong pagtatanong.
Magsasalita na sana si Jon ngunit pinutol iyon ni Sofia. “No. I’m okay,” sabi niya. “Alis na ako,” paalam pa niya sa amin ni Jon at saka siya tumalikod at naglakad papalayo.
“Teka lang!” narinig kong sigaw ni Jon dito. Nakita ko kung paano pinigilan ni Jon si Sofia. Hinawakan niya ang kamay nito at hindi ko alam kung bakit doon bigla nakatuon ang pansin ko. This time, I felt like I doubted on that scene. Parang feeling ko ayoko ‘yong paghawak nilang dalawa ng kamay.
Ano’ng nangyayari sa dalawang ito? Not in good terms ba sila?
“What’s with her? Hindi ba siya sasabay sa atin kumain ng lunch? Inaway mo ba ‘yon kaya ‘yon umiiyak?” iyon na lamang ang tanong ko kay Jon matapos nilang mag-usap. Sa huli, umalis si Sofia at hindi ko alam kung saan siya pupunta.
Umiling naman si Jon sa tanong kong iyon at saka niya ako niyaya na maglakad papunta sa fast food.
~~~
I ordered one piece of fried breast chicken, one cup of pork and beans, one cup of menudo, two slices of watermelon, one cup of rice, one glass of pineapple juice, three pieces of canapé and a cup cake. Overall, nasa mahigit 360 pesos ang bill ko when I ordered these foods.
Nakita ko naman si Jon na um-order lang siya ng isang chicken sandwhich, one plate of spaghetti, one cup of rice, and isang serve ng menudo.
Halos lumuwa ang mata ni Jon nang makita niya ang mga pagkain na in-order ko. Hindi sa pagiging matakaw but I prefer heavy meals kapag lunch time. Hindi kasi ako kumakain ng breakfast dahil nagi-intermittent fasting ako. Kaya sobrang gutom na gutom ako ngayon.
“Hindi naman sasakit ang tiyan mo niyan,” iyan na lamang ang nasabi niya sa akin habang dala-dala ko ang tray na puno ng pagkain. Nasa likuran ko siya kaya nilingon ko siya. Nakapila kami ngayon sa isang lane dala-dala ang tray na paglalagyan ng pagkain namin.
“Hindi naman. I am doing intermittent fasting kaya I prefer heavy meals during lunch time. Sorry if I shocked you,” natatawa kong sabi sa kanya. And then he smiled.
“It’s okay. Naiintindihan ko,” tipid niya lang na sagot sa akin. Until now, alam kong naiilang pa rin siyang kausapin ako sa personal. Pero naniniwala ako na ngayon lang ‘to. Masasanay rin ‘to na kausapin ako na hindi na naiilang soon.
Nang malapit na kami sa cashier ay may sinabi kaagad siya sa akin. “Ako na ang magbabayad sa kakainin natin. Libre ko na ‘to sa iyo,” he said.
Medyo ini-expect ko rin na sasabihin niya iyon. Everytime kasi na may lalaki akong kasama, whether a date or just a friendly date, sila ang nanlilibre sa akin. Pinapabayaan ko na lang sila, at ganoon din ang gagawin ko kay Jon. Kaya tumango na lang ako ng ulo bilang sagot.
Nang kami na ang nasa cashier, mabilis na kinompyut ng cashier ang in-order namin. At umabot nga ito sa mahigit 430 pesos. Mahal kasi masyado ang pagkain sa fast food dahil ang school ang nagma-manage nito.
Kinuha ni Jon ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa. Pinagmamasdan ko lang siya roon. I noticed na parang ang tagal niya makakuha ng pera sa wallet niya. He evenly turn back at me at hindi ko alam kung bakit. Maya-maya ay lumingon siya sa akin at nakangisi na siya.
“Kulang ako ng 30 pesos. 400 pesos lang ang laman ng wallet ko. Puwede ikaw na lang magbayad ng 30 pesos?” nahihiya niyang sabi sa akin.
Hindi ko maiaalis sa isip ko ang mukha niyang nahihiya. He’s so cute actually. Napaka-simple niyang tao at ibang-iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Some guys that I already dated were rich. Maraming lamang pera ang wallet. But they were not honest.
Si Jon? Masasabi ko na ibang-iba siya sa lahat. Naging honest siya sa akin kaya ayoko na malugi siya ng dahil lang sa akin. “You know what, I’ll have it.”
“Ha? ‘Wag. Nag-insist ako sa iyo na ako ang magbabayad. Kaya ako dapat ang magbabayad,” pagpupumilit niya.
“No. Ako na. Kahit itago mo pa ang wallet mo sa akin, alam kong wala ka ng allowance riyan kapag binayad mo ang pera mo dito sa pagkain na in-order natin. Ako muna this time, okay,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Matagal siyang hindi nakapagsalita. Nagdadalawang-isip pa siya. Pero sa huli, he insisted that I’ll be the one who will pay muna.
“Babawi na lang ako sa iyo, ah,” nahihiya pa niyang sabi sa akin. Namumula pa ang pisngi niya dahil sa nararamdamang hiya.
Matapos kong makapagbayad ay mabilis kaming umalis sa counter lane at naghanap ng vacant table. Mabilis naman kaming nakakita at doon kami puwesto sa pangdalawahang upuan malapit sa glass panel ng fast food.
Tahimik na kumakain lang kami ni Jon doon. Walang kumikibo sa aming dalawa kasi nga naiilang siya sa akin. Pero ako na ang nagbukas ng topic sa pag-uusapan namin.
“So, ano nga pala ang nangyari roon sa kaibigan mo?” tanong ko. I don’t know if that is a good question to ask. Gusto ko sanang bawiin iyon pero nasabi ko na. Tunog parang chismosa ‘yong dating, eh.
“Medyo hindi lang nagkaintindihan,” tipid niyang sagot. Patango-tango lang ako roon habang kumakain no’ng fried breast chicken.
“Er… ganoon ba. Well, kung ano man iyan, I hope maayos ninyo. I think Sofia is your best buddy. Siya nga itong nanghingi ng number sa akin para lang maibigay sa iyo, ‘di ba? On that kind of act, alam mong sumusuporta siya para sa iyo.”
Sa dalawang linggo na nagte-text kaming dalawa ni Jon ay nasabi ko na sa kanya noon pa na si Sofia ang humingi ng number ko para maibigay sa kanya. Alam kong may gusto si Jon sa akin at nasabi ko na rin iyon sa kanya kaya ganyan na lang siya sobrang naiilang sa akin ngayon. Pero hindi alam ni Jon na may gusto ako sa kanya.
“Parang kapatid ko na rin ‘yon kaya ganun siya ka-supportive sa akin.”
“I see. You’re like a big brother to her. Akala ko noon girlfriend mo siya dahil lagi kayong magkasama rito sa school.”
Umiling naman si Jon. “Hindi. Kababata ko iyon. Ganun lang talaga kami ka-close kaya lagi kaming magkasama.”
Muling bumalot sa aming dalawa ang katahimikan. Ang ingay sa loob ng fast food ang namumutawi sa aming dalawa. Maya-maya ay muli akong nagsalita.
“So… it is true that you fancy me?” walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanya. Wala na akong maisip na topic kaya naisip ko na lang na itanong iyon.
Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya sa ikalawang pagkakataon. “Nakakahiya pero oo,” tipid niyang sagot. Kahit na alam ko na iyon, hindi ko pa rin alam ang buong detalye kung bakit may gusto siya sa akin.
“How come?” kaya naitanong ko ito sa kanya.
“First year pa. Noong freshmen orientation, remember? Magkasama tayo niyon sa isang group. Doon tayo nagkakilala.”
Yeah, I remember it. Doon nga kami nagkakilala. Noon ay hindi ko pa siya masyadong napapansin. Doon ko lang siya napansin nong makita ko siyang nagta-trabaho sa Brew Haven. Doon nagsimula ang pagkahumaling ko kay Jon.
“Yeah, I remember it,” naisabi ko na lang sa kanya. “And why you fancied me until now?”
“Ahm… maganda ka, cute, at saka ikaw ‘yong tipo ng babae na hinahanap ko physically.”
“That sounds cliché to me pero… I will accept it,” natatawa kong sagot.
Hindi pa nangangalahati sa oras ay natapos na kaming kumain doon. Noong paalis na kami, napansin ko na hindi niya ginalaw ang chicken sandwich at spaghetti niya. Kaya tinanong ko kung bakit.
“Ah… para kay Sofia. Baka ‘di ‘yon kumain,” he said. Ikinataas ko iyon ng kilay. Ganito ba talaga sila ka-close dalawa?
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya ipabalot ang pagkaing iyon. Nang makalabas kaming dalawa sa fast food ay dahan-dahan lang kaming naglakad dahil sobrang busog kami ngayon. Nang malapit na kami sa intersection lane ay huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
“So, hanggang dito na lang muna.”
Tumango siya sa akin. “May susunod pa ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung biro niya lang iyon o sinadya niya talagang tanungin.
“I’m sure it will have.”
Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagsalita. Awkward na nagkatinginan kaming dalawa kaya sabay rin namin inalis ang tingin na iyon sa ibang direksyon. Dahil malapit na rin mag-ala una, nagpaalam na ako kay Jon.
“Mauuna na ako,” I said.
“Sigurado ka bang ayaw mo magpahatid?”
“Hindi na.” Bago pa ako makaalis, hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko kung bakit ako yumakap sa kanya. Habang nakayakap ako sa kanya ay may sinabi rin ako, “Thank you for loving me.”
Wala akong narinig na salita galing kay Jon. Siguro nagulat din siya sa sinabi ko. Pero ginawa ko ‘yon to feel for him na may nagmamahal din sa kanya—at ako iyon.
Nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ay saka na ako umalis. Kumaway pa ako sa kanya bago ako naglakad. It was a fleeting moment for me. Pero at least nagkaroon ako ng time na makausap, makita, at makasama siya in person.