12. Disappointed

2090 Words
Jon Hindi nakatuon ang pansin ko sa lecture ng instructor na nagtuturo sa amin ngayong araw. Busy kasi ako kakapindot ng cell phone sa ilalim ng aking lamesa. Tinatago ko iyon para hindi makita ng nagtuturo. As usual, ka-text ko si Angela. Magmula nang mag-text ako sa kanya no’ng isang gabi, kinabukasan niyon ay hindi na kami humihinto dalawa na mag-text sa isa’t isa. Noong una ay baka magtaka siya kung saan ko kinuha ang number niya. Pero hindi niya iyon naitanong sa akin. Feeling ko ay parang expected na ni Angela na ako ‘yong nagte-text sa kanya kaya hindi na niya naitanong iyon. Mukhang tama nga rin ang hinala ni Sofia noon. Mga random stuff lang ang pinag-uusapan naming dalawa. Pero kahit simpleng conversation lang iyon, halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil nakakaramdam ako ng kilig sa kaibuturan ng katawan ko. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kinikilig lang sa isang text na nagsasabing, “Kumain ka na?” ni Angela sa akin. Ilang beses na niyang sinasabi iyan, mapa-umaga, tanghalian, at hapunan man. Kahit na si Jojo, na isa rin sa mga kaibigan ko, na kasalukuyang katabi ko ngayon sa kanan, ay hindi na rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. Ganito nga ba talaga ang pag-ibig? “’Nong nangyayari sa iyo? Nakangisi ka palagi. Para kang natatae,” tanong ni Jojo sa akin. Bigla akong napatingin kay Jojo at umiling sa kanya habang patuloy pa rin akong nakangisi. Pa-simpleng tumingin ako sa instructor na malaya pa ring nagtuturo sa unahan at umaakto lang akong nakikinig. Mayamaya, biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Hawak ko lang iyon kaya malalaman ko kaagad. Nakatago ito sa ilalim ng lamesa na may nakapatong na computer dahil nasa computer laboratory kami nagka-klase ngayon. Ini-expect ko kaagad na si Angela ang nag-text. Hindi naman ako nabigo kasi pagsilip ko ay pangalan niya kaagad ang nakita ko sa screen. Muli akong tumingin sa instructor na nagtuturo sa harapan. Saktong pagtalikod nito upang magsulat sa white board, doon ko kaagad binasa ang text message ni Angela. Angela: “Maybe magla-lunch lang ako after my class. Ikaw?” Mabilis akong nag-type sa basag kong cell phone. “Magla-lunch din. Saan ka kakain?” Tapos mabilis kong pinindot ang send. “Tigilan mo ‘yang ginagawa mo at baka makita ka ni Sir Desmond. Alam mo naman kung gaano ka-terror ang teacher na ‘yan. Baka hindi pa tapos ang semester, bigyan ka ng flat 5 niyan,” bulong naman sa akin ni Jojo habang pasimple siyang nakatingin sa harapan. Hindi ko lang siya pinansin kahit na medyo kinakabahan din ako sa ginagawa ko. Kahit ganun, patuloy ko pa ring inaabangan ang text message ni Angela. Maya-maya ay bigla ulit nag-vibrate ang cell phone ko at lumitaw roon ang pangalan niya. Angela: “You know what, sabay na lang kaya tayo mag-lunch. Kung gusto mo lang naman. If hindi, hindi kita pipilitin.” Muntikan na akong mapasigaw sa kinauupuan ko dahil sa excitement. Mabuti na lang pinigilan ko ang sarili ko at si Jojo lang yata ang nakakita niyon. Mabilis ko siyang ni-reply-an. Jon: “Why not? Saan tayo kakain?” Angela: “Ikaw? Saan mo gusto?” Jon: “Puwede sa fast food dito sa school. Kung gusto mo.” Angela: “Sure. Meet me there in lunch time. See you.” Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Kinakabahan na nae-excite ako. Kaya medyo nate-tense ako ngayon sa kinauupuan ko. Matapos ang thirty minutes na lecture ni Sir Desmond ay pina-prepare niya kaagad kami sa gagawin namin sa computer lab. Magha-hands on daw kami ngayon at individual ang grades. At dahil hindi ako nakinig sa lecture niya, medyo mababa ang nakuha kong score kaya mabilis niya akong pinagsabihan na mag-practice pa raw ako para makabawi sa Final Exam. Twenty minutes bago matapos ang laboratory class namin ay nakita ko na umalis ‘yong ka-klase ko na si Leonard. Kilala niyo naman siya, ‘di ba? Siya rin ‘yong ka-trabaho ko sa Brew Haven. Nagpaalam siya kay Sir Desmond kanina dahil iihi raw siya sa CR. Napailing ako. Hindi na ako magtataka pa kapag hindi na babalik ang gagong iyon dahil alam kong aalis na ito at hindi na hihintayin pa matapos ang lab class. Saka, himala ang nangyari kanina dahil mataas ang score niya sa hands on kumpara sa akin. Nang matapos ang klase ay mabilis na akong nagligpit ng gamit. Isinakbit ko sa likod ang bag ko at nagpaalam na kay Jojo. Ganoon din ang ginawa nito. At si Leonard? Ayun, ‘di na nga bumalik ang g*go sa com lab kaya hindi ko na siya nakita pa. Habang naglalakad ako papalabas ng department, nakatutok naman ang mata ko sa cell phone. Ite-text ko si Sofia sa Messenger na hindi muna ako makakasabay sa kanya na mananghalian dahil kasama ko nga si Angela. Siguro naman maiintindihan niya iyon. Ngayon lang ako hihingi sa kanya ng favor kaya alam kong maiintindihan niya ako. Gusto ko muna solohin si Angela para naman magkakilala kaming dalawa sa personal. Nang buksan ko ang Messenger App, hindi ko kaagad makita ang chat box niya. Ilang araw ko na siyang hindi nacha-chat dahil nga si Angela ang nakatuon ko ng pansin. Kaya hindi ko napansin na nawala na pala ang chat box niya roon sa Messenger. Paano nangyari? Eh, hindi ko naman binura ang conversation naming dalawa. Binale-wala ko na lang at hinanap ang pangalan niya sa Messenger. Mabilis itong lumitaw at kaagad akong nagmessage sa kanya. Habang nagtitipa ay naglalakad pa rin ako papalabas ng department. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako nang biglang may nakabangga akong isang teacher. “Mr. Santos, watch your step!” panenermon ni Ma’am Gacula sa akin. Isa rin sa terror professor ng Department of Computer and Information Technology (DCIT). Professor ko rin siya sa isang major subject ko. Nag-bow ako sa kanya upang humingi ng paumanhin. “Sorry po, Ma’am. Sorry po.” “Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo or else… Maliwanag ba!?” Bigla akong natakot sa pagbabanta niya. Kapag sinabi na niya ang salitang “or else”, alam na ng estudyante kung ano ang ibig sabihin niyon. Meaning, ibabagsak ka nito. “Yes po. Sorry po ulit, Ma’am.” Nang makaalis ito, biglang napako naman ang tingin ko sa isang puwesto hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nakita ko kasi roon na nag-uusap sina Leonard at Sofia kaya biglang uminit ang ulo ko sa nakita ko. Sinugod ko si Leonard at muntikan ko na siyang masapak kung hindi lang ako inawat ni Sofia. Kilalang babaero ang lalaking ‘to. Dahil nga sa pagiging babaero nito, marahil marami na rin ‘tong nabuntis na babae. Hindi ko alam. Judgmental lang akong tao pero malaki ang hinala ko na matapos niyang makuha ang lahat sa babae, iiwanan niya ito at ipagpapalit sa iba. Bakit alam ko? Iyan ‘yong nasasagap kong kwento sa university na ito. Hindi ba puwede maging chismoso minsan? Matapos kong sigawan si Leonard ay mabilis kaming umalis ni Sofia. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami kung saan man kami mapadpad. “Hoy! Jon! Bitawan mo ang kamay ko! Nasasaktan ako, ah!” pagpupumilit niyang sabi. Mabilis ko namang binitawan ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanang kamay niya, huminto kami sa paglalakad, at humarap sa kanya. “Bakit mo kausap ‘yong lalaking ‘yon!?” tanong ko kaagad sa kanya. “Ha?” “Ha? Hakdog! Sagutin mo ang tanong ko sa iyo! Bakit mo kausap si Leonard!?” “Ano ka ba!? Eh, ‘di siyempre kinausap niya ko. Ang sama ko namang tao kung hindi ko siya kakausapin, ‘di ba?” pamimilosopo niya sa akin. “Ayokong nakikipag-usap ka sa gagong ‘yon! Maliwanag ba!?” naiinis kong panenermon kay Sofia. Kahit siya ay naguguluhan sa inaakto ko. “Teka nga lang! Bakit ba ang init ng ulo mo kay Leonard? Wala namang ginagawang masama ‘yong tao sa ‘yo. Saka nabasag mo ‘yong IPhone niya. Hindi mo ba alam kung magkano ‘yon? Baka masubukan mong ibenta ang kidney mo kapag nalaman mo ang presyo!” “Wala akong pakialam sa IPhone niya! Ang sa akin lang ay bakit nakikipag-usap ka sa lalaking iyon!” “What’s the big deal of talking to him!?” “Babaero iyon! Hindi mo ba alam na kapag kinausap ka na niyon ay expected na ikaw ang susunod na titirahin niyon! Gusto mo!?” Doon siya natigilan dahil sa sinabi ko. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Pero alam ko na maiintindihan niya ako. Saka hindi ko sinasadya na sabihin iyon kasi nadala lang ako sa inis ko. Nang mapansin ko na hindi siya makapagsalita, kaagad na pinutol ko ang namamagitang katahimikan sa aming dalawa ni Sofia. “Sundin mo na lang ang sinasabi ko sa iyo, Sofia. Ayokong ikaw ang mabiktima ng lalaking ‘yon. Kilala ko ang baho niya. ‘Wag kang magpapadala sa hitsura niyon kahit guwapo siya sa paningin mo. ‘Wag kang matutulad sa mga babaeng cheap na nakilala at na-hook up na ni Leo.” Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw. Galit na galit siya sa akin. “Alam mo nakakainis ka! Is that how you see me? Tumitingin sa panglabas na anyo at cheap!? Nakaka-disappoint ka, Jon! Parang ang baba naman ng tingin mo sa akin kung ganoon.” Pagkatapos ay doon na nga siya umiyak. Nakita ko na tumutulo na ang luha niya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng guilt sa dibdib ko nang dahil na rin sa mga pinagsasabi ko. Mukhang na-offend yata siya at hindi ko naman sinasadya iyon. Gusto ko lang naman siyang protektahan kay Leonard. Ayoko lang siyang masaktan. Habang nakikita ko siyang nakatungo ng ulo at umiiyak, parang may nagtutulak sa akin na yakapin ko siya. Gusto kong gawin iyon dahil nga mukhang nasaktan ko siya sa sinabi ko. Nang magsasalita na sana ako upang humingi ng sorry sa kanya, bigla na lang may isang boses ng babae ang tumawag sa pangalan ko. Mabilis naman akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Tila sabay nga yata kaming dalawa ni Sofia na napatingin sa direksyon upang kilalanin kung sino iyon. Nakita ko si Angela. Mag-isa siyang nakatayo hindi kalayuan sa puwesto namin ni Sofia. ‘Yong dating feeling na kakaiba sa tiyan ko ay parang bumabalik ng hindi sinasadya. Pero kapag naalala ko na umiiyak pala si Sofia dahil nasaktan ko siya, nawawala iyon at nababaling ang atensyon ko sa matalik kong kaibigan. “Angela?” iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. Muli kong tiningnan si Sofia at dahan-dahang nagsalita, “Icha-chat sana kita na magsasabay muna kami ni Angela na mananghalian ngayong araw. Pero nakita kita na kausap si Leonard. Kaya nakaligtaan kong sabihin sa iyo ngayon.” Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Angela. Nakangiti ito sa akin habang nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Sofia. Nakita ko kung paano tumango ng ulo si Sofia bilang sagot sa sinabi ko. Tumutulo pa rin ang luha niya at humihingos siya roon. Ni hindi rin siya nagsasalita at nakatungo lang din ang ulo niya. “Why? What’s happening? Why is she crying?” biglang naitanong naman ni Angela sa tabi ko. Ang masayahing mukha nito ay napalitan ng pagtataka. Mabilis na pinutol ni Sofia ang sasabihin ko dapat. “No. I’m okay,” sabi ni Sofia. “Aalis na ako,” paalam pa niya sa akin at saka siya tumalikod at naglakad papalayo. “Teka lang!” Mabilis pa sa kidlat nang hawakan ko ang kamay niya. Nang humarap siya sa akin, nakikita ko pa rin kung gaano siya nasasaktan sa nasabi ko kanina. Mas lalo lang akong nagi-guilty sa ginawa ko, sa totoo lang. “Sabay na tayong tatlo kumain.” Umiling si Sofia sa akin. “No. Baka magambala ko pa ang date niyong dalawa,” wala sa mood niyang tugon. Iniiwasan din niya ang tingin sa akin. Mabilis na kinuha ni Sofia ang kamay niya at saka siya muling naglakad. Ngayon, ang likod na lamang niya ang nakikita ko habang papalayo siya sa kinatatayuan ko. “What’s with her? Hindi ba siya sasabay sa atin kumain ng lunch? Inaway mo ba ‘yon kaya ‘yon umiiyak?” sunod-sunod na tanong naman ni Angela sa akin nang lapitan ko siya. Iling lang ang isinagot ko sa lahat ng tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD