Sofia
One and a half week matapos ang welcome party, all things get back to normal. Tita Elena is currently on planning on her new business na itatayo niya rito sa Pilipinas dahil permanente na nga siyang maninirahan dito. All the money that her husband left in Australia is going to be used as her investment.
Dahil maraming alam si Mommy when it comes to legal process ng pagpapatayo ng business ni Tita Elena dito sa Pilipinas, she eagerly helped her para hindi ito mahirapan. As all you know, Mommy is a professional and well-known lawyer at marami rin siyang client on her side as well, hindi lang si Tita Elena.
Si Daddy naman ay ini-enjoy ang pagiging retired general niya sa bahay. Sometimes he always get bored, lalo na kapag nauubusan na siya ng babasahing diyaryo o kaya mga lalaruang Sudoku Puzzle. Kaya para may magawa siya, pinayuhan namin siya ni Mommy na kausapin si CJ para naman magkaroon silang dalawa ng bonding sa isa’t isa. This is his chance na bumawi man lang sa bunso niyang anak. That’s how I thought noong una.
On my mother’s side, malamig pa rin ang trato ni CJ sa kanya. As I wanted to forget what he said to Mom noong welcome party, ayaw pa rin maalis iyon sa isipan ko; leaving me to get pity to my Mom dahil alam kong nasaktan siya nang sabihin iyon ni CJ.
I confronted her when I got a chance na kausapin siya mag-isa sa backyard ng bahay isang araw. May trabaho siyang inaasikaso sa isa sa mga clients niya dahil may schedule hearing siya rito next week on Monday. Kaharap ang laptop niya na nakapatong sa isang lamesa na gawa sa salamin; nakakalat din doon ang mga papel para sa trabaho niya, nakangiti akong nilapitan siya habang dala-dala ang isang baso ng orange juice na ako mismo ang nagtimpla.
While CJ and Dad were busy talking on the other side while playing mini golf, umupo ako sa tabi ni Mommy nang maibigay ko sa kanya ang orange juice. Nagpasalamat muna siya sa akin at saka ako napatingin kay Daddy at CJ sa kanilang kinatatayuan.
“Look at them. They’re already close,” naisabi ko na lang bigla. Napatingin si mommy sa akin at sinundan niya ang tingin ko kung nasaan man iyon. Nang ibaling ko ang tingin kay mommy, I saw her smiling. But it faded away na parang bula. Nakita ko iyon. Kaya wala siyang takas sa akin kapag sinabi niyang okay lang siya. Pagkatapos niyon ay parang ang lalim na ng iniisip niya.
“Are you okay, Mommy?” I asked her without any hesitation. Bumalot sa dibdib ko ang lungkot para kay mommy.
She smiled again to me at tumango ng kanyang ulo. Muli niyang tiningnan ang dalawa. “It’s been 12 years since we left him from your Tita Elena in Australia. When I thought of it, I always feel the guilt why your Dad and I did that. Hindi ako naging mabuting ina sa kanya,” may bahid na lungkot na sabi ni Mommy kahit nakikita ko na nakangiti siya.
Gusto ko tuloy pagaanin ang nararamdaman ni Mommy kasi ayoko talaga na malungkot siya. Kapag malungkot siya, parang nalulungkot din ako.
“Mom, don’t say that. You’ve been a very good mother to him kahit na ibinigay niyo siya kay Tita Elena. At ako na ‘yong humihingi ng sorry sa sinabi niya sa iyo noong welcome party. He shouldn’t say that.”
“Pero hindi pa rin iyon naging magandang desisyon para sa aming dalawa ng daddy mo, anak,”she said again. This time, tumingin na siya sa akin. “Leaving him to your Tita Elena as a young age,” dagdag pa niya at saka iniwas ang tingin niya sa akin, looking back again to the two.
Napakunot ang noo ko bigla. “W-What do you mean, Mom? I always curious kung ano ba talaga ang rason niyo ni Daddy kung bakit niyo iniwan si CJ kay Tita Elena. Kahit na sinabi niyo na sa akin ang dahilan noon, para sa akin ay hindi pa rin iyon sapat para ibigay niyo siya kay Tita Elena ng ganung kadali lang.”
Matagal bago nakapagsalita si Mommy. Parang pinag-iisipan pa niya muna kung sasabihin niya ba sa akin ang nasa isip niya o hindi. In the end, she looked at me again and started speaking.
“Your dad loves him very much. I saw him how he treated CJ differently from yours when both of you were a child. Ako… I was full of jealous. Not for CJ… but for his… real mother.”
At first, hindi kaagad ma-sink in sa utak ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero nang maintindihan ko ang sinabi ni mommy, doon ako napamilog ng mata at bibig dahil sa gulat.
“S-So… a-are you saying na… h-hindi ko tunay na kapatid si CJ?” mahina kong sambit sa kanya kasi baka marinig nila daddy at CJ ang pinag-uusapan namin ni mommy.
May paga-alinlangang tumango ng ulo si Mommy bilang sagot sa tanong ko. Pilit na ngumiti siya sa akin kahit nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang kalungkutang nadarama.
Oh sh*t! Kahit ako ay napapamura sa isipan ko sa rebelasyon na nalaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero parang ayaw makisama ng luha ko. Parang hindi ko matatanggap ang sinabi ni mommy sa akin. Hindi ako makapaniwala na hindi ko tunay na kapatid si CJ.
“Well, he’s your half-brother exactly. Anak siya ng daddy mo, but I’m not his real mom,” pag-amin pa sa akin ni mommy habang nananatiling nakabuka ang bibig ko dahil sa gulat.
“So, ‘yong sinabi po ni CJ sa iyo noong welcome party, alam niya po ba na hindi mo talaga siya anak, Mommy?” I asked.
Mabilis namang umiling ng ulo si Mommy sa akin. “No. That was a coincidence. Ang totoo niyan ay hindi pa niya alam ang lahat, lalo na sa totoong ina niya—” Bago pa man ako makahirit ng panibagong sasabihin ay mabilis na akong pinutol ni Mommy, “—which I would like to keep it a secret muna, Hija. Ayokong malaman niya ang totoo at baka mas lalo lang siyang magalit sa akin, lalo na sa Daddy mo.”
Wala akong nagawa kundi tahimik na tumango na lang ng ulo bilang pagsang-ayon, at saka muling napatingin kay daddy at CJ na mukhang nage-enjoy sa paglalaro roon ng mini golf. Maraming tumatakbo sa isipan ko this time. Pero ang nangingibaw sa mga ito ay ang totoong pagkatao ni CJ.
While I’m looking at my stepbrother, masasabi ko talaga na medyo may pagkahawig kami ng physical features ni CJ. Siguro nagmana lang talaga kaming dalawa kay Daddy, as expected. Though I have something features na resemblance naman kay Mommy. Iyon ay ang pagiging square-jaw shape ng mukha ko at pagkakaroon ng maliit na nunal sa chin, which mommy had.
CJ doesn’t have. Hindi square-jaw ang mukha niya kundi malaki ang resemblance niya kay Daddy, such as having a V-shaped face. Pero yong kulay ng mga mata niya na kulay brown ay magkatulad kami at nakuha namin iyon pareho kay Daddy. Kasi si Daddy lang naman ‘yong brown eyes sa kanilang dalawa ni Mommy. Mommy had black eyes. Kaya parang hindi halata na half-brother ko siya.
“Mom, can I ask you something?” nasabi ko na lang while she continues her work again.
“What’s that, Hija?”
“Puwede ko po bang malaman ang totong pagkatao ni CJ?”
Ngumiti lang siya sa akin at tinapik ako sa balikat. “Gusto ko sana, Hija, pero hindi pa yata ito ang tamang panahon para sabihin ko sa iyo ang lahat. Don’t worry. I will tell you soon if I have enough courage. Iku-kuwento ko ito hindi lang sa iyo kundi kay CJ na rin.”
Naiintindihan ko si Mommy. Alam kong may masaklap na nakaraan siya. Nakikita ko iyan sa mga mata niya. At ayokong masaktan siya nang dahil lang sa masaklap na nakaraan na iyon. Kaya tumango na lang ako ng ulo at wala ng ibang ibinukang-bibig pa.
Nang tumingin muli ako sa dalawa, nakita ko na masayang kumaway si Daddy sa akin habang si CJ naman ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Mommy. He neither smiles nor waves his hand to me. Napansin ko na parang nawala rin ang saya niya. With that, I conclude na mukhang cold pa rin ang treat niya sa aming dalawa ni mommy, which I expected.
~~~
Wednesday…
Kakatapos lang ng 11:00 AM to 12:00 PM lecture class ko sa Biology Department nang mapag-isipan kong puntahan si Jon sa klase nito. Katulad ko ay may klase rin siya sa ganitong oras doon sa IT Department. As usual, sabay kaming manananghalian.
Kahit nakakaramdam na ako ng gutom ay kalma lang akong naglalakad sa isang pathway papunta sa IT department. Maraming mga estudyante ang naglalakad doon dahil lunch time na. Nakikipagsabayan akong naglalakad sa kanila. ‘Yong iba naman ay kasalungat sa nilalakaran ko.
Mga ilang segundo pa lang ay nakarating na ako sa paroroonan ko. Pumasok ako sa pangalawang entrance ng IT Department at mula roon ay nakapuwesto ang CR ng pangbabae at panglalaki, facing in an opposite.
Hindi ko naman ini-expect na biglang may lalaking lumabas sa CR ng panglalaki, kaya medyo nagkabanggaan kaming dalawa.
Mabilis na humingi ako ng sorry sa kanya nang tumingin ako. Pero mabilis ko kaagad siyang namukhaan.
“Wait. Ikaw ‘yong ka-workmate ni Jon, ‘di ba?” tanong ko sa kanya.
Nakita ko sa mukha ng lalaking ito kung gaano rin siya nagulat sa pagbangga naming dalawa kanina. Pero nang tumingin na siya sa akin, napansin ko kaagad ang paglawak ng ngiti niya sa labi.
Matangkad siyang lalaki kaya medyo nakahangad akong nakatingin sa kanya. Napansin ko rin na may dimple siya sa kanyang magkabilang pisngi.
Maputi siya at matangos ang ilong, medyo nakakadagdag ng appeal ‘yong hindi gaanong makapal na kilay niya, at ang ganda ng hugis ng kanyang mga mata.
Dagdagan pa ang pagiging bulkier at manlier physique niyang pangangatawan kahit na suot niya lang ay isang maroon na t-shirt na may tatak ng cartoon art sa kanilang team noong Intramurals, at itim na jeans at rubber shoes naman sa pang-ibaba.
His biceps are look more defined. Hula ko nga ay may lahi siyang foreigner. Hindi ko alam kung ano’ng nationality.
“Er, oo. Ako nga. Sorry nga pala. Hindi kita nakita,” sabi pa niya sa akin. Doon parang napalunok ako sa lalim ng boses niya. Kung gaano talaga katangkad ang isang lalaki, ganoon din kalalim ang boses nila. Mukhang hanggang dibdib niya lang ako, eh.
After that, he just stared at me like he was amaze. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa titig niya kaya mabilis na akong lumingon sa ibang direksyon.
“By the way, ako nga pala si Leonard,” pagpapakilala niya. That’s how I remember his name. Siya nga ‘yong workmate ni Jon sa Brew Haven. Naglahad siya ng kamay sa akin. Dahil naalala ko na galing nga pala siya sa CR, hindi ko iyon tinanggap. Mukhang naintindihan niya kaagad kaya mahina siyang natawa at pinahid ang nakalahad na kamay sa likuran ng kanyang suot na jeans. “Sorry.”
“I’m Sof—”
“Sofia. Yes. I know you. Ikaw ‘yong kaibigan ni Jon. ‘Yong laging nasa coffee shop kapag nagtatrabaho siya roon.”
I never expected that he knew me that well. Naisip ko na baka naiku-kuwento ako ni Jon sa kanya kaya niya ako ganun kakilala.
“Er… k-kailangan ko na palang umalis. May pupuntahan pa ako, eh,” paalam ko na lang kay Leonard para putulin ang malalim na pagtitig niya sa akin. Sobra na akong naiilang sa kanya.
Bago pa man ako makaalis doon ay mabilis niya akong tinawag. Muli akong napalingon sa kanya at nagtanong kung bakit.
“Er… kung puwede lang sana… na kunin ang cell phone number mo?” he asked while giving me his latest iPhone.
Ikinakunot iyon ng noo ko. “Cell phone number ko? Gusto mong hingin? Why?” Oo nga. May Messenger naman ngayon, ‘di ba? Bakit kailangan pa niya ng cell phone number ko?
“W-Wala. Gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo. Hindi ba puwede? May magagalit ba?” may katanungan sa boses niya.
Umiling naman ako. “W-Wala.” Wala naman talaga, ‘di ba?
Hindi na lang ako umangal sa gusto niya. Kinuha ko ang mamahalin niyang cell phone at tinipa roon ang cell phone number ko. Saktong pagkabigay ko sa kanya ng IPhone niya ay biglang may sumigaw sa likuran ko.
“Hoy!”
Sabay kaming napatinging dalawa sa sumigaw na iyon. Nakita namin si Jon na hindi mahitsura ang mukha dahil sa inis. Naiinis siya hindi dahil sa akin kundi kay Leonard.
Nang lumapit siya sa aming dalawa, nagulat ako nang malakas niyang itinulak si Leonard. Ito ang naging dahilan kung bakit nahulog ang mamahalin niyang cell phone sa matigas na sahig, sanhi ng pagkakabasag ng screen nito.
“Gago ka talaga, eh, ‘no! ‘Di ba sinabi ko na sa iyo na ‘wag si Sofia, ah!” sigaw pa niya kay Leonard. Dahil nagko-cause na siya ng gulo sa lugar na iyon, mabilis ko siyang inawat at pumagitna ako sa dalawa.
“Jon, ano bang problema mo!? Tumigil ka na at maraming tao ang nanunuod,” saway ko sa kanya habang pinipilit ko siyang huwag makalapit kay Leonard.
Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Galit na galit pa rin siyang nakaturo kay Leonard at patuloy lang siya roong nagsalita. “Gago ka talaga, ah! Sinasabi ko sa iyo! Ako ang makakaharap mo kapag itong kaibigan ko ang susunod mong magiging biktimang babaero ka!”
“Bro, chill. Wala naman akong ginagawa sa kaibigan mo,” nakangising saad naman ni Leonard kay Jon. Kahit umiinit na ang pagitan nilang dalawa, nagagawa pa rin niyang ngumiti. Paano niya ginagawa iyon?
“Tumigil ka, Leonard, ah! Sinasabi ko sa iyo!” sigaw pa ni Jon dito.
Hindi nagsalita si Leonard. Bagkus ay pinulot niya ang kanyang iPhone sa sahig. Nakita niya ang basag na screen nito pero parang wala lang sa kanya.
“Okay-okay. I get it. Hindi mo kailangang sumigaw, Bro,” sagot ni Leonard kay Jon. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “See you… Sofia,” hirit niya at saka siya umalis. Naiwan naman ako roon na binubungangaan ni Jon.