10. Unrequited Love

1765 Words
Sofia I will never forget how my brother said that ridiculous statement to my mother lately. Kahit gustuhin kong alisin sa isipan ko ang nangyari, malayang bumabagabag pa rin ito sa akin. “Don’t touch me and don’t act like you’re concern to me. You’re not my mom!” Parang ume-echo sa utak ko ang binitawang salita ni CJ kay mommy. Alam kong masakit iyon. Nakita ko sa mukha ni mommy kung gaano siya nasaktan kahit na pilit niyang hindi ipinapakita na nasasaktan siya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nabitawang salita ni CJ kay mommy. Kung ano man iyon, alam kong may puno’t dulo iyon. Dahil diyan, hindi tuloy ako makakain ng maayos. Hindi pa nauubos ang pagkain na nasa plato ko ay tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa isang gilid, doon sa may lumang bench na gawa sa kahoy, at doon umupo mag-isa. Tinitingnan ko lang ‘yong mga bisita nina Mommy, Daddy, at Tita Elena na masayang nagku-kuwentuhan doon. Nakita ko rin si Jon na busy na kumukuha ng pagkain sa mahabang lamesa, bitbit nito ang platong pinaggamitan niya. Mukhang ‘di pa yata siya nabubusog. Ikalawang balik na niya iyan, eh. Pagkatapos kong tingnan si Jon ay muli kong ibinalik ang tingin sa mismong lamesa kung saan ako naka-puwesto kanina. Doon ay nakita kong mag-isang kumakain si JM, ang bunsong kapatid ni Jon. Kanina pa siya walang kibo matapos ang nangyaring gulo kanina sa pagitan nila ng kapatid kong si CJ. Siguro sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari. Aside from that, I always saw him stared constantly to my brother, na nakapuwesto naman sa isang lamesa hindi gaanong malayo sa puwesto ng lamesa namin. Kahit si CJ ay parang wala rin siyang ganang kumain katulad ko. Kanina pa siya wala sa mood. Ewan ko. Bigla na lang siyang ganyan. Hindi ko namalayan na lumapit na pala si Jon sa akin. Nakita ko ang katawan niyang nakatayo sa harapan ko. When I looked at him, I automatically saw his sweet smile on his face na sobrang nagpapabilis ng t***k ng puso ko. I admit it. And at the same time, his smile is always my medicine when I’m not in mood. Siya lang talaga ang nagpapagaan ng kalooban ko sa totoo lang. Kaya minsan talaga iniisip ko na ang swerte-swerte ko kasi naging kababata at matalik ko siyang kaibigan. Kahit wala sa mood, I tried to bring back my sweet smile to him para ipakita sa kanya na okay lang ako, kahit na hindi naman talaga. “Okay ka lang?” he asked me. Kahit anong pilit kong ngiti sa kanya, mukhang napansin pa rin niya na hindi ako okay. Tumango lang ako at bumuntong-hininga. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko, dala-dala pa rin niya ang plato na nasa kaliwang kamay niya habang may dalawang cup naman ng ice cream ang hinahawakan niya sa kanang kamay. “Ice cream ka muna, oh. Pangpalamig ng ulo,” sabi pa ni Jon sa akin while he was stretching his right hand to me so that he can give me the ice cream. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang isa roon at nagsimulang kumain. Pagkatapos ay nagsalita siya. Pinatong niya muna ang platong dala sa kadungan niya. “Ano ang problema mo?” he gently asked. Naroon pa rin sa labi niya ang ngiti na siyang nagbibigay sa akin ng ligaya. Ninamnam ko muna ‘yong ice cream na kinakain ko bago ako sumagot. “It’s about CJ.” Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain. Isinantabi ang plato sa gilid at humarap sa akin. “Alam mo, ‘wag mo ng isipin ‘yong nangyari kanina. Aksidente lang ‘yong nangyari sa kanila ng kapatid ko. ‘Wag kang mag-alala. Magiging okay rin ‘yong dalawa,” sabi niya tapos nakita ko na may kinukuha siyang isang bagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang makuha niya ito, nakita ko na isang sigarilyo at lighter iyon. Inipit niya sa kanyang labi ang sigarilyo at sinindihan iyon gamit ang lighter. Napakunot naman ako ng noo sa ginagawa niya. At the same time, medyo nagulat din ako. “I thought you already stop smoking.” Hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumingin sa akin. Nilalaro niya ang usok na nanggagaling sa sigarilyo roon sa bibig at ilong niya. Labas-masok ito at mukhang nae-engganyo pa siya sa ginagawa niya. Sa lahat ng katangian na meron si Jon, ang habit niya sa paninigarilyo ang ayoko talaga na ginagawa niya. Kahit ngayon ay naninibaguhan pa rin ako. Nagsimula ang pagiging adik niya sa sigarilyo noong 3rd year high school kami. Hindi nga ako makapaniwala nang aminin niya sa akin na naninigarilyo na siya that time. Sabi pa niya sa akin, nakakalma raw siya kapag ginagawa niya ito. Kahit labag sa kalooban ko noon ang paninigarilyo niya, hinayaan ko lang siya kahit na sinabihan ko na siya na nakakasama sa katawan ang bisyong ito. But when we started studying in college, nagkasakit siya ng acute bronchitis dahil sa paninigarilyo niya. Ikaw ba naman manigarilyo ng limang stick sa isang araw. Sino ang taong hindi magkakasakit, ‘di ba? And worst, nakita ko kung paano siya pumayat dahil sa paninigarilyo at sa sakit niya. Mabilis naman siyang naka-recover kasi sabi ng doctor, treatable naman daw ang acute bronchitis. Dahil sa nangyari, lagi siyang pinapakain ng masusustansyang pagkain ni mommy at daddy sa tuwing pumupunta siya sa bahay. Kahit na tapos na itong kumain sa kanila, pipilitin pa rin ng mga magulang ko si Jon na kumain para raw tumaba pa siya lalo. Well, I can say na ibang-iba na siya ngayon kaysa noong 1st year college pa kami. Nakita ko kung paano niya hininto ang paninigarilyo at naka-recover siya sa pagiging buto’t balat niya. ‘Tapos ngayon makikita ko na lang na naninigarilyo siya sa tabi ko. “Jon?” muli kong tawag sa kanya at lumingon siya sa akin habang nakataas ang dalawang kilay. “Naninigarilyo ka na naman?” medyo may pagkainis kong tanong sa kanya muli. “Ngayon lang. Nami-miss kong manigarilyo, eh,” he answered while he was trying to avoid his eyes on me. Patuloy pa rin siyang humihithit doon. “Makita ka ni mommy at daddy. Pagalitan ka ng mga ‘yon.” Hindi pa siya nagsasalita nang biglang lumapit si JM sa aming puwesto at kinausap ang kanyang kuya. “Kuya, may pupuntahan lang ako,” paalam nito. “Saan ka pupunta?” “Magpapahangin lang.” “Bumalik ka rito pagkatapos, ah,” sabi ni Jon sa kapatid bago ito lumayo sa aming puwesto. Hihithit na naman ulit siya sa sigarilyo niya ng kunin ko iyon at tinapakan. Nakita ko kung paano siya medyo nainis sa ginawa ko. “Makita ka ni mommy at daddy. Isusumbong kita kay Nanay Lorena. Sige ka,” pagbabanta ko pa sa kanya. “KJ, ah,” nasabi na lang niya sabay ngiwi. “Hindi iyan sa pagiging KJ. Alam mo namang bawal sa iyo ang paninigarilyo. Sige ka, baka ma-turn off sa iyo si Angela kapag nalaman niya na naninigarilyo ka,” pagdadahilan ko kahit hindi ako sure kung totoo bang matu-turn off si Angela sa mga lalaking naninigarilyo. And I don’t know why I came up with that idea. Speaking of Angela, napansin ko na biglang ngumiti si Jon kahit na hindi siya nakatingin sa akin. Kaya nagtanong ulit ako kung bakit siya nakangiti. “Medyo nagkakausap na kami ni Angela ngayon. Sa text nga lang,” he answered na siyang nagpatahimik sa akin. Hindi tuloy ako nakakibo. Natameme lang ako roon. Bakit ko pa ba iyon naitanong? “A-Ano’ng pinag-uusapan niyo naman?” I asked again. Masasabi ko na talaga sa sarili ko na ang tanga kong tao. Kahit na ayoko sa ganoong topic, sige pa rin ako sa pagtatanong sa kanyang tungkol kay Angela. “Random stuff. At saka, tama ka nga. Hindi siya nagtanong sa akin kung saan ko nakuha ang number niya. Noong sinabi ko na ang pangalan ko, parang wala lang sa kanya. Actually, ang bilis niya ngang mag-reply, eh. Ang sarap niya palang kausap kahit sa text lang.” Napamura ako sa isipan. May naramdaman kasi akong kirot, dito banda sa dibdib ko. Nadadagdagan pa ‘yong sakit ng kirot na iyon habang patuloy ko siyang tinitingnan na masaya. Sobrang saya niya. Ibang-iba ‘yong saya niya. Ibang-iba sa tuwing palagi niya akong kasama. Ayan! Nasasaktan na naman ako. I got hurt dahil nadadala ako sa selos na nararamdaman ko. Naisip ko bigla kung tama ba itong pagiging martir ko? Tama ba itong pagiging tanga ko? Kasi ako ‘yong nasasaktan, eh. Hindi niya lang alam. “Jon?” “Hmm?” Tumingin siya sa akin na may katanungan sa kanyang mukha. “Mahal mo ba talaga si Angela?” biglang naitanong ko na lang sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang confidence ko kung bakit naitanong ko ito sa kaibigan ko. “May gusto ako sa kanya. Crush ko siya. Saka kung tatanungin ako kung sino ang gusto kong unang maging girlfriend, sigurado ako na si Angela iyon. Wala ng iba. Bakit mo naitanong?” “Nag-aalala lang ako sa iyo… katulad ng pag-aalala mo sa akin kapag may gustong manligaw sa akin. What I mean is… katulad mo… gusto ko rin na protektahan ka sa posibleng tao na makakasama mo bilang girlfriend mo. Ayoko lang kitang masaktan dahil sa pag-ibig na iyan.” Matagal siyang hindi nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Mayamaya ay bigla na lang siyang ngumiti ng nakakaloko, ‘tapos ginulo niya ang buhok ko. “’Wag ka ngang ma-drama riyan. Hindi bagay sa ‘yo!” natatawa pa niyang sabi. “Akala mo naman napaka-expert mo pagdating sa pag-ibig. Wala ka ngang boyfriend, eh. Saka… hindi mo pa yata nae-experience ang masaktan, ‘di ba? Bakit? Nasaktan ka na ba nang dahil sa pag-ibig?” At doon ako natameme muli. Hindi ko iyon sinagot. May tumatakbo sa isipan ko kung sasabihin ko ba ang totoo na nasasaktan ako ngayon dahil sa letseng pag-ibig na iyan. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay nasasaktan ako. Dahil sa pagiging martir ko ay nasasakitan ako. Bakit ba hindi niya napapansin iyon, ha? Ganyan na ba talaga siya ka-manhid? Dahil nalilito na ako, umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Kahit deep inside ay sobrang nasasaktan na talaga ako. Kaya ko pa ba itong pagpapanggap ko at pagtatago ng totoong nararamdaman para kay Jon? All I can say is… I don’t know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD