Hindi pa man tapos ang party ay nakita kong umalis na si CJ sa puwesto niya. Nakita ko na hindi siya pumasok sa loob ng bahay kundi pumunta siya roon sa may gilid at nawala na lang siya bigla.
Nagpaalam naman ako kay Kuya Jon na aalis muna. Kasalukuyang naninigarilyo siya sa isang tabi at kausap niya ngayon si Ate Sofia. Pinayagan naman niya ako at saka ako umalis sa lugar na iyon. Imbes na pumasok sa loob ng bahay ay doon ako dumaan sa dinaanan ni CJ.
Hindi gaanong maliwanag sa maliit na daanan na iyon na punong-puno ng mga halaman sa gilid. Mataas na bakod naman ang nasa kanang bahagi at sa kaliwa ay ang pader na ng malaking bahay.
Sa huli ay nadatnan ko ang sarili ko na nasa malawak na front lawn na ako ng malaking bahay kung saan doon din kami dumaan kanina ni Kuya papasok. Ngayon ko lang nalaman na may daanan pala rito sa gilid. Kung dito ako dumaan kanina, eh, ‘di sana hindi ako makagagawa ng gulo. Wala kasi roong dumadaan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang man lang akong nakitang tao roon dahil ang lahat ay naroon sa likod ng malaking bahay.
Pero paglinga ko sa malaking gate ay doon ko mabilis na nahagip si CJ. Nakita kong lumabas siya kaya naisipan kong sundan siya.
Nang makalabas ako sa malaking gate ay nagpalinga-linga pa ako sa kaliwa at kanan upang hanapin siya. Nakita ko siya sa kanang bahagi ko, nakatayo siya malayo sa kinatatayuan ko at parang may kausap siya sa kanyang cell phone.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at doon ko naririnig ang sinasabi niya sa kausap sa telepono.
“I miss you already. I don’t want to live here. This place is sucks,” iyon ang narinig ko galing sa kanya.
“You don’t have a choice, Babe. That’s where your parents live. All you have to do is to give them a chance to be with you again. It’s been so many years since your parents abandoned you from your Aunt Elena, and you’ve always asked yourself why they did that. I think that’s the time that you ask them and hear their reason.”
Napansin ko kung paano siya hindi sumang-ayon sa sinabi ng kanyang kausap sa cell phone. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang nakatayo roon hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan.
“I’ll try. And please don’t keep me wait. I don’t have any people here to talk with. I don’t have any friends here,” sabi naman niya.
“I think it’s normal to have that kind of feeling, Babe. And it’s still only a day since you’ve stayed in that place. I’m sure you will make many friends soon. I know you will.”
Nakita ko kung paano tumango ng ulo si CJ. “Just promise me to keep your phone open so that I can call you anytime, okay? I’m really missed you, Babe.”
“I miss you too, Babe. And I know you’ll be fine. Trust me.”
Matapos nilang mag-usap ay biglang napatingin si CJ sa likuran niya. Nagulat siya nang makita niya ako. Kaya automatic na nagalit na naman siya sa akin.
“What are you doing here, geek!? Are you stalking me!?”
Matagal akong hindi nakapagsalita sa kanya, hindi roon sa pagiging englishero niya, kundi dahil sa nararamdaman kong kaba ng mga oras na iyon. Baka kasi masuntok na ako ng lalaking ito ng wala sa oras. Pero nilakasan ko pa rin ang loob kong humingi ng sorry sa kanya.
“Hindi. Ano… ahm… magso-sorry lang ako sa iyo. S-Sorry nga pala sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya,” mahina kong sabi. Alam ko na nakakaintindi siya ng tagalog kaya hindi na siguro kailangan pa na mag-english ako dahil hirap din ako sa lenggwaheng iyon.
Nakita ko kung paano siya ngumiti ng masama sa akin. “Don’t be too sincere. I know how fake people act like you do.”
Hindi ulit ako nakapagsalita. Nagtataka ako. Bakit niya sinasabi iyan? Eh, sincere naman talaga ako sa paghihingi ng pahumanhin sa kanya, ‘di ba?
Napansin kong lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ko. Hindi siya nagsalita. Seryosong tinitingnan niya lang ako mula ulo hanggang paa na para bang jina-judge niya ako at ang suot ko ngayon.
Dahil sa kaba ko ay muli akong nagsalita sa kanya. “CJ, ano… ahm… ano ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako? P-Pwede kitang maging kaibigan kung gusto mo. Narinig ko kasi kanina na wala ka pang kaibigan dito kasi sabi ng ate mo, eh, matagal ka raw nanirahan sa Australia.”
Sarkastik na tumawa siya ng mahina. “So you’re hoping to be my friend? Are you lost your mind? Do you think I wanna be friend with some poor geek like you? Never!” sabi pa niya sa akin na may halong pangdidiri.
Medyo nasaktan ako sa panglalait niyang iyon sa akin. Pero hindi ko iyon ininda. Mas nakatatak sa isipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi na siya magalit sa akin? Kasi nga ayoko talaga na may taong galit sa akin.
“Sige. Kung ayaw mo akong maging kaibigan, kahit ano na lang ang gusto mo, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako. Kasalanan ko rin naman kasi, eh. Sorry ulit.”
Huminga ng malalim si CJ habang seryosong nakatingin pa rin siya sa akin. Malalim ang kanyang iniisip hanggang sa nagsalita siya.
“Pay me back. Pay my shirt that you’ve spilled. It cost 200 dollars. Pay me next week and I’ll consider your apology.” Pagkatapos niyon ay umalis na siya at pumasok sa loob. Iniwan niya ako roon mag-isa habang nagkukuwenta sa isipan ko kung magkano ang 200 dollars sa Philippine Peso.
“11,000 pesos?” nasambit ko na lang sa sarili ko. Mukhang ikamamatay ko pa yata ang pagbabayad sa kanya ng ganoong kalaking halaga para lang sa kulay puti niyang t-shirt na nadumihan ko.
Ang tanong: saang kamay naman ng Diyos ako makakahanap ng ganoong kalaking halaga?