Basagulera lang ako noon, pero hindi iyong tipong kailangan kong manghamak ng tao. Kahit papaano ay may awa pa naman ako to the point na hindi ko hinayaang mapatay ko ang anak niyang spoiled brat b***h. "What the hell are you doing here?" matigas na palatak ng lalaki habang maiging pinagmamasdan si Marvin. "Nandito ang kapatid ko. So, may karapatan ako," taas-noong pahayag ni Marvin na siyang sinusuklian ng mapang-uyam na tingin ang lalaki. "Ikaw? Why are you even here?" Umismid ang mantandang lalaki. "Hindi ba akong pwedeng dumalaw sa son-in-law ko?" Nangunot ang noo ko sa narinig. Wait, what? Akala ko ba ay isinuko na ni Melvin ang airlines niya para lang hindi maituloy ang kasal? What does he mean by that? Bumagsak ang panga ko sa kalituhan. "Akala ko ba ay ibinigay na sa 'yo na an

