CHAPTER NINETEEN
“Gusto akong makasama? Sino ba iyang bago mong kalaro?”
“Ako.”
Nang marinig ang tinig na iyon ay awtomatiko akong napalingon sa pinagmulan noon. Hindi agad na-proseso ng utak ko ang pagiging pamilyar nito dahil sa hindi naman inaasahan ang nangyari. Nang tuluyang maibaling patalikod ang aking paningin ay dumapo ito sa mukha ng isa sa pinaka-hindi ko inaasahang makita—si Airon. Nakasuot siya ng pang-karaniwang porma niya—just above the knee denim shorts, white long sleeves pulled up to his elbow at white shoes. Hindi ganoon kaayos ang kaniyang buhok ngunit hindi rin naman magulo. Ang kaniyang bilugang salamin ay binibigyang highlight ang kinang ng kaniyang mga mata at as usual, nakasabit ang kaniyang camera sa leeg.
“Ikaw?” gulat na tanong ko.
“Ako,” nakangiting sagot niya.
“Ikaw nga?” gulat pa ring tanong ko.
“Ako nga.” Naningkit ang mata niya sa biglang pagtawang mahina. “I’m Dalton’s new playmate, ‘di ba, Dalton?”
Mabilis na hinagilap ko ang mukha ni Dalton upang hanapan siya ng sagot. Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang siya nang malawak at dahan-dahang tumango.
“Huh? Teka nga, paano? I mean, bakit? Saan? Kailan?”
“Ay, ang daming tanong, mamsh? Hindi pa ba malinaw? Nakilala na ng mag-bayaw ang isa’t-isa!” pakisali ni Almyra.
“Bayaw?!” halos sabay-sabay na reaksyon namin ni Dalton at Air.
“Yes, yes and yes,” sagot ni Almyra.
“Sira ka ba?” angil ko sa kaniya.
“What’s bayaw ba?” tanong naman ni Air.
“Brother in law,” maiksing sagot ko.
“Ate? Boyfriend mo po si kuya Airon?” gulat namang tanong ni Dalton.
“Hind—"
“Oo,” putol ni Almyra sa akin.
“What?!” gulat ding reaksyon ni Air.
“Soon hehe,” sambit ni Almyra saka ngumisi. “Tara na nga, masyado na kayong nadadala ng bugso ng damdamin, lumalambot na ang mga ice candy ko. Ikaw, Airon, sigurado ka bang sasama ka?”
“Yeah, sure. Gusto ko ng experience.”
“Gusto mo ng experience o gusto mo ‘yong kasama?” bwelta ni Almyra at nahihiyang tumawa si Air. “Oh, charot lang, baka magblush ka riyan bigla, humandusay ka pa sa kilig.”
“Wait,” pigil ko sa kanila. “Sure ka ba na iyan ang suot mo? Mukha kang mayamang conyo boy tapos magtitinda ka ng ice candy?”
“Vendors can wear any clothing on their preference while on work since they are self-employed.”
“Yes, I am is the agree to the you,” sagot ni Almyra. “You are greatly great and the brain is so brainy.”
Tumawa si Air.
“Ang funny mo talaga, Almyra,” tawa ni Air.
Maya-maya pa ay nagsimula na rin kaming magtinda. Si Dalton ay naiwan muna sa bahay at si Airon ay seryoso ngang sumama sa amin. Si Almyra ang in charge sa pagtatawag ng bibili at sa pag-aalok ng paninda naming ice candy, ako ang nagdadala ng perang pinagbentahan at si Airon ang may bitbit sa ice box na naglalaman ng ice candy.
“Oh, ate, ilan sa’yo?” tanong ni Almyra sa isang babae.
“Isa nga, ‘neng,” sagot nito sa kaniya.
“Ay naku, hindi po Neng ang pangalan ko. Pasensya na, saka na po kayo bumili ng ice candy ko kapag Neng na ang pangalan ko.”
Hindi nagreact ang babae at tumingin lang sa kaniya nang seryoso.
“Sabi ko dalawa,” sabi pa nito.
“Syempre charot lang, oh, ayan na, ate, baka kagatin mo pa ako. Eat well,” sambit ni Almyra at iniabot ang dalawang ice candy.
Nang makapagbayad at makaalis ang babae ay bumulong sa akin si Almyra, “Grabe tapang ni ate, parang mandirigma. Hindi siya mabiro, mamsh, legit.”
Tawa lamang ang isinagot ko sa kaniya. Kasalukuyang tumatawa ako nang makarinig ng pagcapture ng camera. Awtomatiko naman akong napahinto sa pagtawa at napalingon kay Air.
Walang ekspresyon ang aking mukha at nagulat naman siya dahil doon.
“Hehe,” akward na ngisi ni Air sa akin.
Ngumiti naman ako nang sarcastic sa kaniya.
“I am a photographer… what do you expect me to do?” tila nagppanic na sabi ni Air habang kumakamot sa tainga. “You still looked good though.”
Namalayan ko na lamang ay malapit nang matapos ang maghapon at ang araw ay halos papalubog na. Iilan na lamang ang natitirang ice candy at malapit na iyong maubos. Naglalakad na kami sa isang eskinita at nasa unahan si Almyra, pilit inaalok ang bawat taong makakasalubong upang maubos na at makauwi na kami.
“Aaahhh! Ayaw ko na, pagod na ako…” reklamo ni Almyra habang inuunat ang mga braso. “Uy, may pogi!” sigaw niya at halos tumalon.
Natawa naman kaming dalawa ni Air sa inasal niya.
“Oh, langit! Kay buti mo! Sa oras ng kahirapan, nagpadala ka ng gwapo! Tugon, mahabaging langit hindi ako karapat-dapat ngunit sa ngalan ng pogi ako’y hindi na magkakalat.”
Sa mga sinabi ni Almyra ay mas lalo pa kaming tumawa ni Air. Hindi kami maawat sa pagtawa at tila nawala ang mga pagod na nadarama namin kanina.
Maya-maya pa ay narating na namin ang bahay. Doon din tumuloy si Almyra at nagkasundo kami na mag-ambagan para sa hapunan. Nasa kusina na ako at inihahanda ang aming mga gagamitin samantalang sina Air at Almyra ay magkasamang bumili ng mga lulutuin.
Nang makarating ang dalawa ay dala-dala na nila ang mga sangkap. Sinuri ko ang mga ito at hindi ko naman maisip ang posible kong lutuin gamit ang mga iyon.
“Ano iyang mga bili niyo? Ang dami ata?” tanong ko nang makapasok na sila.
“Ewan ko ba rito kay Airon, may balak ata pakaini ang buong barangay,” sagot naman ni Almyra.
“No, sakto lang ‘to para sa atin,” sambit naman ni Air.
“Pero hindi ako gaano magaling magluto, sinong—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halos kasabay noon ay nagsalita si Air.
“P’wede ba ako humiram ng damit? May mahihiram ba?” tanong niya.
“Para saan?” nagtatakang tanong ko.
“I’ll be the one to cook, baka lang kasi marumihan ang damit ko.”
“Ah, kaso walang damit dito na kasya sa’yo e. Maliit lang ang mga damit ni papa kumpara sa iyo.”
“Mag-apron ka na lang, hindi ba uso apron sa inyo, mga dai?” pakisali ni Almyra.
“Yea, tama. May apron diyan sa likod ng pinto ng kwarto,” sagot ko. “Wait, kukunin ko lan—"
“Ako na,” putol ni Air sa sasabihin ko. “Siguro you may start chopping na while I’m changing para mabilis.”
Tumango naman kami ni Almyra at nagsimula nang sundin ang sinabi ni Air, siya naman ay pumasok na sa kwarto.
Kasalukuyang hinihiwa ko ang sibuyas at si Almyra ay nagdidikdik ng paminta nang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon kaming dalawa at ilang saglit lamang ay iniluwa nito si Air.
Kapwa kami napahinto at gulat na napanganga nang makita namin ni Almyra si Air. Nakasuot ng apron at wala siyang damit pang-itaas. Ang kaniyang mga braso ay exposed at kita rin ang magandang hubog ng katawan niya. Nakasuot pa rin siya ng salamin at hindi ko mapigilan madistract dahil sa kakaibang dating ng hitsura niya. How can a man be this attractive by just wearing an apron?
“Uh, Airon, ang sabi ko magsuot ka ng apron, hindi ‘yong apron lang ang mismong suotin mo. Gosh, sobra ka ha, pinapainit mo ang gabi,” pabirong sabi ni Almyra na ikinatawa ni Airon.
“Huh? Ganoon ba? Ang pagkakaintindi ko kasi iyong apron na lang isuot ko para hindi marumihan ang damit ko kanina,” sagot naman niya habang tumatawa.
“Shunga ka pero sige, okay lang pogi ka naman,” sambit ni Almyra at hmalakhak.
Maya-maya pa ay nagsimula nang magluto si Airon. Kami naman ni Almyra na naghahanda na ng mga plato ay nakamasid sa mga ginagawa niya.
“Aeshia, tingnan mo si Airon,” bulong ni Almyra sa akin. “Parang sanay na sanay siyang magluto ‘no?”
“P’wede nang mag-asawa,” biro ko naman.
“P’wede mo nang asawahin,” pang-aasar naman ni Almyra.
“Sira. Pero seryoso, ang lakas ng dating sa akin kapag magaling o marunong magluto ang isang lalaki.”
“Legit ka riyan, mamsh. Hindi katulad ng iba na puro porma lang hindi ka naman kaya busugin, aasim.”
“Saka lagi nilang sinasabi, the best way to a man’s heart is through his stomach, not knowing na the best way to a woman’s heart is through her stomach as well.”
“Legit totoo!” pagsang-ayon ni almyra.
“If men only know kung gaano tayo kadali maattract kapag nakikita natin sila as future cooking husband everytime they cook and we see them,” sambit ko at nagpakilig-kilig pa.
Literal namang napatigil ako sa gulat nang lumingon si Air sa akin at ngumiti.
“Well, now I know.”