Chapter Twenty

1100 Words
CHAPTER TWENTY “Well, now I know.” Mas lumawak ang ngiti ni Airon saka naningkit ang mga mata niya. “Alam mo, Airon, pogi ka pero Marites ka pala?” sambit ni Almyra saka tumawa. “Marites?” intresadong tanong ni Air. “’Mare, anong latest?’, ganoon. In short, chismosa,” sagot naman ni Almyra. Tumawa si Airon. “Nah, grabe ka naman,” natatawang saad niya. “Narinig ko lang accidentally. Thanks though, nalaman ko that the best way to a woman’s heart is through her stomach as well. You were right kasi about us men, getting attracted when women cook for us. I didn’t know that you, women, want a future cooking husband who will cook and serve food for you and your kids if there’s any.” “Yes, I am actually getting attracted to you right now,” wala sa sariling sambit ko habang nakatingin kay Airon. Si Almyra ay napatakip sa bibig niya at maging si Airon ay nagulat. Hindi ko naman nagawang magsalita dahil hindi ko alam kung paano babaliin ang kagagahang nagawa ko. Nagkaroon ng palitan ng tingin sa pagitan naming tatlo. Wala pa ring nagsasalita. Natigil lamang kaming tatlo nang biglang dumating at nagsalita si Dalton. “Wow, kuya Airon, ikaw pala ang nagluluto?” natutuwang tanong nito. Tumango naman si Air. “Ang galing!” usal pa niya at pumalakpak. “Naalalala ko tuloy sa’yo si kuya Martyn.’ Sa mga sinabi ni Dalton ay mas lalong nagulat at natigilan kaming lahat. Naging akward ang paligid at nagsimula muli ang palitan ng tingin. Matapos ang ilang minuto pa naming pananatili sa kusina ay natapos na rin ang iniluluto ni Air at nang malanghap ang amoy nito ay binalot naman kami ng kasabikan. Maya-maya pa ay pumuwesto na kami sa hapag at nagsimulang kumain. Bagaman apat lamang kami ay naging masaya ang pagkain dahil nakakapag-usap ang lahat na parang walang limit. Tungkol naman sa pagkain, everyone would agree na masarap ang iniluto ni Air. “Anyway, uh, Aeshia, a-attend ka ba bukas?” tanong ni Air saka uminom ng tubig. “Ikaw, Almyra?” “Anong mayro’n?” tanong ko pabalik sa kaniya. “Ma’am Fritz throws a party tomorrow. Sabi niya treat daw sa whole team kaya invited lahat. Simpleng dinner lang naman daw kaya no need to show off that much, just our attendance daw is a big thing,” paliwanag ni Air. “Ay wow, bongga! Pupunta kami ni Aeshia!” sabik na sabi naman ni Almyra. “Okay, I’ll inform them.” “Wait, anong pupunta? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kug payag ako o hindi?” sabi ko naman dahilan para lumingon sa akin si Airon. “Why not? For sure it would be fun,” ani Airon. “Sus, papilit ka naman, Aeshia. If I know mas excited ka pa than anybody else,” pakisali naman ni Almyra. “Ah, talaga ba?” Itinaas ko ang kilay ko. “Syempre charot, ikaw naman, hindi ka na mabiro.” Nagkaroon pa kami ng ilang sandali sa pagkain hanggang sa maya-maya ay nagpaalam na si Air. Kailangan na raw niya umuwi dahil kaka-discharge lang ng mama niya sa hospital at medyo lumalalim na rin ang gabi. Nang tuluyang makaalis si Airon ay sinimulan na rin namin maglinis ng mga kalat para makapagpahinga na. Si Almyra naman ay sinimulan akong kulitin tungkol sa pa-party ni ma’am Fritz. “Mamsh, sumama na kasi tayo,” pangungulit niya sa akin habang inaayos ng mg plato. “Edi sumama ka,” sagot ko naman. “E alam mo namang hindi ako mamabubuhay nang wala ka ‘di ba? Kapag sumama ka, sasama ako, pero kapag hindi, no choice ako. Kaya sumama ka na, for sure maraming shawty do’n.” “Ayaw ko,” maiksing sagot ko. “Bilis na, sigurado naman kasi na nandoon si Airon at mga ex-coworkers natin kaya sumama ka na,” pangungumbinsi niya pa, “Ayaw ko,” saad ko pa. “Ayaw ko tumanggi.” Nang marinig ang mga sinabi ko ay nagpakawala ng napakalakas at napakatinis na tili si Almyra. “Kyaaah! Buti naman! Hay, hulog ka talaga ng langit, Aeshia.” Hanggang sa makauwi si Almyra ay hindi pa rin siya mapakali sa sobrang excitement. Paulit-ulit niyang tinatanong kung ano raw ba ang dapat niya isuot o kung ano ang magandang gawing hairstyle. Kinabukasan naman ay nag-duty ako sa flower shop. Maghapon akong napanis sa napakaboring na flower shop at maghapon akong nakipaglaban sa antok. Nang matapos ang duty ay dumiretso na ako muli sa bahay para makapaghanda sa sinasabing party. Inuna kong ihandaang mga pagkaing makakain ni Dalton pag-alis namin saka isinuod ko ang sarili ko. Nagkaroon ako ng panibagong session ng pahirapang pagpili ng isusuot. Kung hindi pa ako tinulungan ni Almyra ay hindi pa ako matatapos sa pagd-desisyon ng susuotin. “Ang sabi nila rito sa group chat, sa bahay raw nila ma’am Fritz gaganapin ‘yong dinner party. Ni-send na rin nila ang address,” sambit ni Almyra habang isinusuot ang isang pares ng hikaw. “Saan daw?” tanong ko naman. “Diyan lang pala sa labasan, sa kabilang subdivison. Gate three lang kaya lakarin na lang natin. Alam ko namang pamasahe ang iniisip mo kaya ka nagtatanong.” Ilang sandali pa ay namalayan ko ang sarili kong naglalakad kasama si Almyra at kakalampas lamang namin ng toll gate. Madilim naman ang paligid kaya hindi na namin alintana ang mga hitsura namin na magsisipag-attend ng party pero naglalakad. Maya-maya pa ay napansin ko ang isang napakalaking bahay na nagniningning sa sobrang daming pailaw, marahil iyon na ang bahay ni ma’am Fritz. Bahagyang pinagpapawisan na kami ni Almyra dahil sa init ng suot namin ngunit dedma na. Nang makarating sa tapat ng malaking gate ay pinindot ni Almyra ang doorbell. Kalauna’y naakapasok na rin kami sa loob at nakita namin ang mga dati naming katrabaho sa photoshoot. Naging maayos naman ang simula ng daloy ng party. Sinimulan iyon sa pagkain nang magkakasama na parang dinner na may kasamang masasayang kuwentuhan at lahat ay tila naging napakasaya dahil sa muling pagkikita. Maging ako ay lubos ang saya. Nakatutuwa kasing muling makita at makasama silang lahat. Ngunit sa kalagitnaan ng pagkakasiyahan namin ay nagpaalam si ma’am Fritz sandali. “OMG, guys, nandiyan na raw siya,” sambit ni ma’am Fritz nang makablik na sa kaninang puwesto. “Maipapakilala ko na sa inyo ang boyfriend ko.” Lumabas siya upang salubungin daw ang kaniyang boyfriend at literal na nanlaki ang mata ko nang sa kaniyang pagbalik ay kasama niya na… si Martyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD