Ngiting ngiti akong naglakad sa school ngayong lunes. Ewan ko ba pero parang hyper na hyper ako. Pero lahat ng hyper ko sa katawan ay napalitan ng pagtataka ng makapasok ako sa loob ng school. Yung mga tingin kasi ng mga tao ay parang may nagawa akong mali sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin at tsaka nagmamadaling pumunta sa room. Pagpasok na pagpasok ko sa room ay ayun na naman ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. "OMG! Look who's here.. A w***e" nakangising sabi ni sami habang nakatingin sa akin. "Akala ko nga mabait.. Nasa loob pala ang kulo" sabi naman ni mika. "Kaya nga e" sabi ulit ni sami. "Nakakahiya na kaibigan sya ni ald" iiling-iling pang dagdag nya. "Kung ako kay ald hinding-hindi na ako makikipag kaibigan sa gaya nyang malandi" sabi naman ni nina. "For sure,

