16🌻

2115 Words
Kinabukasan ay nakangiti akong naglalakad papasok ng school. Dumaan muna ako saglit sa may Bagong Biak na Bato para sana magpahangin. Kaso bago pa ako makarating ay nakita ko si ald at tsaka si ja-de na nag-uusap. Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila dahil masyado akong malayo at mahina ang mga boses nila. Hindi muna ako umalis sa lugar na 'yon at pinilit na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Maya-maya lang ay nagsisigawan na sila. Ewan ko kung bakit. Galit na si jade pero mas galit si ald. "Look, I'm sorry" sabi ni ald at tsaka hinawakan ang kamay ni jade. "Its alright" nakangiting sabi ni jade. "Thanks pala sa time, see you around na din" dagdag nito. Ngumiti naman si ald. Bago sila maghiwalay ng landas ay nag peace bomb pa sila. Umupo sa may bench si ald ng makaalis si jade. Naka kunot noo ko syang pinagmasdan. 'Mapagkakatiwalaan ba kita, ald?' Wala sa sariling tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya. 'Sana mapagkatiwalaan kita.. Sana' Hindi na ako nag abala pang lapitan sya at dumaan na lang sa ibang daan papuntang room. Umupo ako at tsaka inilabas ang sketch book para mag drawing. Nadagdagan na naman ang mga isipin ko at naiinis ako sa ganon. 'Bakit ba hindi ako mawalan walan ng mga problema?'. Pero mali rin na pag-isipan ko ng masama si ald dahil hindi ko alam kung ano ang side nya. Ayokong mangbintang ng kung ano ano sa isang tao lalo na at wala naman akong ebidensya o patunay na ganon sya. Maniniwala na lang siguro ako sa mga ipapakita ni ald, yun lang at wala ng iba. Nang tamarin akong mag drawing ay ibinalik ko na ang sketch book sa bag ko. Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay sakto namang dating ni ald at tsaka ako nginitian. "Good morning" bati nya sa akin. "Good morning din" nakangiti kong sabi. "Hindi ka ata maaga ngayon gaya ng kahapon?" tanong ko sa kanya. "Tinanghali ng gising" medyo ilang na sabi nya. Nawala ang ngiti ko dahil don. Akala ko hindi nya kayang magsinungaling sa akin? Hindi ko na lang sya pinansin at tsaka tumingin sa bintana. Marami akong nakikitang estudyante na nagda datingan kasama ang kanilang mga kaibigan. Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin sa A.P. Nagdi-discuss sya pero yung utak ko space out. Kaya ang ending, wala akong naintindihan. Ganon din sa mga sumunod na subject, lutang na lutang ako. Nang mag tanghali ay kinausap at niyaya ako ni ald na kumain. "Hindi na, sumama ka muna sa mga kaibigan mo" tanggi ko sa kanya. "Pupunta muna ako sa library" dagdag ko. "Why? Ayaw mo na ba akong kasama?" tanong nya sa akin. "Hindi ganon 'yon" sagot ko sa kanya. "Pupunta lang ako sa library, hindi ibang bansa" sabi ko at kinuha ang sketch book. "Why? Anong gagawin mo sa library?" tanong nya. Bakit ba sya tanong ng tanong? Nakakainis. "Ano bang ginagawa sa library?" prangkang tanong ko. Hindi sya nagsalita at tiningnan lang ako. Sa inis ko ay iniwan ko na lang sya. Nagmamadali akong pumunta sa library. At ng makarating na ako ay umupo kaagad ako at tumingala sa kisame at tsaka ipinikit ang mata para damahin ang tahimik na lugar. Na miss ko ang mag-isa. Hindi na kasi ako nag-iisa simula ng maging kaibigan ko si ald. Kumuha ako ng dalawang makakapal na libro para gawing unan. Iidlip muna ako sa library. Nagising lang ako ng marinig ko ang pag bagsak ng libro. Pagtingin ko ay medyo nagulat ako dahil andun si ald at nakayukong pinupulot ang libro. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kanya. "Is there a problem?" tanong nya sa akin. "Huh? Anong problem ang sinasabi mo?" tanong ko din sa kanya. "I mean, problem between us" sabi nya at tsaka ngumuso. "Wala naman tayong problema" salubong ang kilay na sabi ko. "Why you're avoiding me, then?" nahihiyang tanong nya. "Hindi naman kita iniiwasan" nangigiting sabi ko. "Gusto ko lang talaga matulog ng tahimik" paliwanag ko. "Really?" tanong nya, hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Oo nga" nakangiti kong sabi. "At tsaka wala namang dahilan para iwasan kita" dagdag ko. Ngiting-ngiti sya ng sabihin ko yun. 'Ano namang nakaka ngiti sa sinabi ko?'. Minsan talaga may saltek talaga si ald. "Nga pala, here" at tsaka nya iniabot sa akin ang isang papel. "Ano 'to?" tanong ko sa kanya. "Open mo" nakangiti nyang sabi sa akin. Kahit di alam ang laman ay binuksan ko pa rin dahil na rin sa pagka curious. Nagulat ako ng makitang invitation 'yon about sa birthday nya. 'Bakit nga ba hindi ko alam ang birthday nya?' "Birthday mo na next fri-day!?" gulat na tanong ko sa kanya. "Yeah.. You don't know?" parang disappoint na tanong nya. "It's always on news paper every year.. Kala ko ba nagbabasa ka non?" nakangiti na nyang tanong. Napanguso tuloy ako. "Nababasa ko sa dyaryo na nag be-birthday ka, pero di ko naman binabasa kung kailan" paliwanag ko. "Ahhh" parang di makapaniwalang sabi nya. "Samantalang ako, alam ko ang birthday mo" dagdag nya at tsaka ngumuso. "H-uh? Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko. "Secret" sabi nya at tsaka dumila. Aba! Loko 'to ah! Tumayo ako ng upuan para ibalik ang librong kinuha ko. Nang maibalik ko na ay napatingin ako kay ald na ngayon ay ngiting-ngiti na sa akin. 'Ano bang problema nya?' Kinuha ko ang dala-dala kong sketch book at tsaka sya tinalikuran. Pero dahil balat nga ata ako sa pwet ay, nag cross yung paa ko at na out of balance ako. Napapikit ako at inaantay na sumalampak ang mukha ko sa sahig, pero nagulat ako ng may tumapal sa mukha ko. Pagmulat ko ay kamay pala... 'Kamay ni ald'. Ahhhh! Nakakahiya.. Mabilis akong umayos ng tayo at tsaka tumingin kay ald.. "Anong nangyari sayo?" tanong ko. Yung itsura nya kasi ay yung paa nya medyo nakabukaka tapos yung mata nya nanlalaki habang nakatingin sa kamay nya na sumalampak sa mukha ko. "Ald?" tawag ko sa kanya. "Yu-ng k-amay k-o ka-si" utal-utal na sabi nya. "Anong meron sa kamay mo?" naguguluhang tanong ko. "Na-ram-daman ka-si nit-o yung bi-big mo" medyo ilang na sabi nya. "E, ano naman?" prangkang tanong ko. "Ang lambot pala ng labi mo" nakangisi nyang sabi. "Hoy! Ang manyak mo!" sigaw ko sa kanya. "Sino bang tatanga-tanga?" prangka ring tanong nya. "Grabe ka sa akin ah!" inis na sabi ko. "Ang lambot nya, promise" ngising-ngisi na sabi nya. "Pwede bang lagi ka na lang ma out of balance?" dagdag na sabi nya, nang-iinis. Nakakahiya talaga! Sa sobrang hiya ay mabilis tuloy akong lumabas ng library. Bahala si ald sa buhay nya doon. Masyado nya akong inaasar. Habang naglalakad ay wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko ng maalala ang sinabi ni ald. Ahhh! Erase! Nakakahiya na nga, nakakailang pa.. Kotang-kota ako, e. Mabilis kong inilagay sa bag ko ang sketch book ko at tsaka mabilis na pumunta sa cr.. Mahirap na, baka maabutan pa ako ni ald. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo lang sa toilet. Dito muna siguro ako magpapalipas ng oras hanggang sa mag time na para sa first period. Nang marinig ko ang bell ay tsaka lang ako lumabas ng cr. "Got you" sabi ni ald ng mahawakan ang sa braso. Nagugulat akong napatingin sa kanya. Pero mabilis rin naka recover. "Bitawan mo nga ako" kunwari ay inis na sabi ko. "No" seryosong sabi nya. "Come with me" dagdag nya at hinila na naman ako. Mukhang nasasanay na si ald kakahila sa kamay ko ah? Ok lang naman, nag e enjoy din naman ako.. Hala? Anong sinasabi ko? Nabalik lang ako sa reyalidad ng tumigil na si ald sa kakahila sa akin. "Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya bago ilibot ang paningin. "Theatre room" simpleng ani nya. "Bakit?" takang tanong ko. "Kulob dito, masarap sumigaw" sabi nya at nagtatakbo sa stage. Walang ibang tao ang nandon bukod sa amin kaya naman sobrang tahimik. Hindi naman ganong kadiliman dahil sa mga ilaw doon. "Hope? Do you believe in love at first sight?" pagtatanong nya sa akin, nag e-echo pa. 'Bakit naman bigla nyang naitanong yan? Nakaka awkward dahil dalawa lang kami dito'. "Hope?" tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "I said, do you believe in love a first sight?" ulit nya sa tanong nya. "Bakit mo naman naitanong?" tanong ko sa kanya. "Sagutin mo na lang" sambit nya. "Ewan" maikling sagot ko. "E? Why?" takang tanong nya. "Ewan ko.. Dahil hindi ko pa naman nararanasan yan" paliwanag ko. "You don't need to experience it naman.. Because I was asking lang naman" nakanguso nyang sabi. "Ah, pero para sa akin ay hindi ako naniniwala" nakangiti kong sabi. "Kung tatanungin mo kung bakit, ewan ko kung bakit hindi ako naniniwala" dagdag ko. "Hahahahaha" tinawanan lang nya ako. "Ikaw ba naniniwala?" tanong ko sa kanya. "Of course" nakangiti nyang sabi. Magkalayo kami pero rinig na rinig ko at nabibingi ako sa echo ng mga boses namin. "Ah" yun na lang ang nasabi ko. Hindi na sya nagsalita pa kaya napuno ng katahimikan ang buong theatre. Naka upo ako sa isang upuan habang sya ay nasa stage at doon naka indian sit habang ang mga mata ay nakatingin sa kamay nyang nagkukutkot ng kuko. Masyado syang naniniwala sa mga sabi-sabi o kaya naman ay sa mga nababasa sa isang libro. Dati rin akong naniniwala sa mga sinasabi sa isang libro at nadadala ko na 'yon hanggang sa real life. Pero ng hindi mangyari sa akin ang nasa libro ay hindi na ulit ako naniwala. Dahil ang nasa libro ay nasa libro lamang, bibihira lang ang nasa libro na nangyayari sa reyalidad at yun ang katotohanan. Minsan kasi may mabasa lang tayo na ganitong scene ay hindi na natin mapigilan na isipin 'yon ng isipin hanggang sa yung sarili na natin ang inilalagay natin sa scene na 'yon at iniiisip kung anong mararamdaman natin. Pero hindi ko rin maitatanggi na sa kakabasa ko ng mga libro ay may natututunan ako kahit papaano. 'Books aren't just a books... Its a books with a hundred thoughts to value'. "Hope?" tawag sa akin ni ald. "Oh?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka ba nagagalit sa mga pinaggagawa sayo nina sami?" tanong nya sa akin. "Hindi naman" sabi ko. "Bakit naman?" curious na tanong nya. "Naiintindihan ko naman si sami" nakangiti kong sabi. "Huh? Paano?" nagtataka pa rin nyang tanong. "Magkaibigan kami dati ni sami" sabi ko. "Hu-h? bakit hindi ko kayo nakitang magkasama nung grade seven pa tayo?" taka pa rin nyang tanong. "Nung elementary kasi kami naging magkaibigan" paliwanag ko. "E, bakit now hindi na?" tanong nya pa. Ngumiti ako sa kanya. 'Ngayon ay may mapag kukwentuhan na ako'. "Nagalit sya sa akin" sabi ko. "Lumipat kasi ako nung grade five sa school nila, lahat ng teachers nagulat kasi mas matalino daw ako kay sami pero bawal akong gawing top 1 non dahil transferee ako, kaya nung grade six kami dun ako naging top 1" kwento ko. "At yun yung panahon na nagalit sya sa akin" dagdag ko pa. "That's all? Simple lang naman 'yon" sabi nya. "Syempre hindi lang 'yon" nakangiti kong sabi. "Nagalit pa sya sa akin non dahil yung mama at papa nya ay teachers namin non at gustong gusto ako kumpara sa kanya dahil mas matalino daw ako" dagdag ko. "Dumagdag pa na crush ako ng crush nya" kwento ko pa. "Haha, immature nya" sabi ni ald. "Alam ko, pero bata pa kami non kaya siguro ganoon ang asta nya" nakangiti kong sabi. "Tapos simula non ay binully na nya ako. Hindi ko nga inakala na hanggang sa high school life ko ay bubulihin nya pa rin ako" dagdag ko. "Nabanggit mo pala na matalino sya dati, why now, she's brainless na?" nakangising tanong nya. "Sama" angil ko kaagad. "Pero siguro dahil sa mga kaibigan nya ngayon 'yon" sabi ko. "Sabagay" kibit balikat na sabi nya. "E, bakit ayaw mo silang patulan?" tanong na naman nya. "Dahil naiintindihan ko nga sya" nakangiti kong sabi. "Pero wag syang magugulat kapag isang araw ginantihan ko na sya" tumatawang sabi. "Why? You have plans na gantihan sya?" tanong nya ulit. "Ewan.. Siguro.. Ayokong magtapos ng hindi man lang naging memorable ang high school life ko" sabi ko. "Gusto kong makaranas ma- guidance" tawang tawang sabi ko. "Loko" iling na sabi ni ald. "Syempre, life is short, so always choose to be happy" nakangiti kong sabi. "Kasi habang bata pa ako, lahat ng bagay na ayaw kong pagsisihan sa paglaki ko ay gagawin ko na, para naman ma enjoy ko din ang buhay pa minsan minsan" dagdag ko at tsaka sya muling nginitian. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD