17🌻

2327 Words
Makalipas ang isang linggo at lunes na naman ay nandito kami ni ald sa may canteen dahil nililibre nya na naman ako ng pagkain dahil mukha na daw akong payatot. Masyado syang masama sa akin pero ako never ko syang sinabihan ng payatot.. tuleg at loko lang. "Here" sabi nya at iniabot sa akin ang isang plate na punong puno ng bread rolls at tsaka dalawang open can na sprite. "Akin lahat 'to?" hindi ko makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Don't be madugas" sabi nya at kumuha ng isa. "Hati tayo" sabi nya pagka kagat sa bread rolls. "Sabagay, libre mo lang sa akin 'to" nakangiti kong sabi at tsaka kumuha ng isa at sinimulang kainin. Nginitian lang nya ako at tsaka kumuha ng panibago at sinimulang kainin. Grabe! The best talaga ang bread rolls sa canteen na'to.. Napakasarap talaga. "Eyyy... Date sa dapit umaga?" akbay na tanong ni james, kaibigan ni ald. "Makiki upo" nakangiti nyang sabi sa akin. "Ah, sige la-ng" medyo nahihiyang sabi ko. Maya-maya lang ay isa-isa ng nagdadatingan sa pwesto namin ang iba pang mga kaibigan, kaya lalo akong naiilang. "You know what bro, ngayon ka na lang ulit namin nakasama sa iisang table" sabi ni blake kay ald. "Ah, that's because kasama ko si hope" nakangiting sabi naman ni ald sa kanya. "Hahaha g na g ba?" nakangising pagtatanong ni nick kay ald kaya naman tiningnan sya ni ald. "Wala naman akong sinasabi ah! Joke nga lang, e" nakangusong dagdag nya. Nag-usap pa sila pero di ko na lang pinakinggan at tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.. Wala na akong pake sa usap nila basta pagkain ang kalaban, hahaha. Maya-maya lang ay nagpaalam na ang mga kaibigan ni ald na aalis na daw. Ngumiti si ald pati na rin ako bilang sagot. "Are you full na?" nakangiting tanong ni ald. "Hmm, oo" nakangiti ring sabi ko. "Ikaw?" tanong ko pa. "Yeah" ani nya. "Let's back in our room" yaya nya sa akin. Inaasahan ko ng hihilahin na naman nya ako kaya hindi na ako nagulat na ginawa nya 'yon.. 'Nakakasanayan ko na ang ganto, baka mamaya ka adikan ko na at hanap-hanapin'. Nang makarating kami sa classroom ay sakto ring dating ng lecturer namin kaya naman hindi na kami nagkaroon ni ald ng kaunting oras para mag-usap. Sa kalagitnaan ng klase namin ay bigla akong siniko ni ald. Tiningnan ko sya ng masama dahil don. Nginitian lang nya ako at iniabot ang isang piraso ng papel sa akin. "Ano 'to?" mahina at nagtatakang tanong ko sa kanya. "Just read it" nakangiti nyang sabi. Hindi ko na lang sya pinansin at binuksan ang papel na binigay nya. 'I wish I'm an adenine, so, I can be pair with u'. basa ko sa aking isip sa nakasulat sa papel. Psh! Ang cheesy naman ng pick-up lines nito. Nakangising nagsulat ako sa papel. At tsaka iniabot sa kanya. Nakangiti nyang binuksan yon at binasa. Ibinalik ko na lang ang mga mata ko sa lecturer para makinig. "What? You think I'm a hotdog?!" malakas na tanong ni ald. Natawa ako. "Mr. Trinidad, anong hotdog ang sinasabi mo dyan? Science ang subject natin" medyo inis na tanong lecturer kay ald. "I'm sorry for my action, sir" napapahiyang sabi ni ald kay sir at tsaka masamang tumingin sa akin. Nginitian ko lang sya ng malapad. Isinulat ko kasi sa papel ay.. 'Alam mo mukha kang araw.. Kasi ang hot mo.. Hotdog'. Nginusuan na lang nya ako bago ulit ibinalik ang paningin kay sir na patuloy pa rin sa pag di-discuss. Sa friday na pala ang birthday nya, pero hindi ko maisip kung anong ibibigay ko sa kanya dahil wala naman akong pera pambili ng mga mamahaling gamit na ang mga mayayamang tao lang ang may kakayahang bumili. Nakakahiya kasing pumunta sa birthday nya ng walang regalo tapos makikikain ako, parang ang kapal ng mukha ko non. Nang matapos ang subject ay pumunta kami sa spot para doon kumain at tumambay. "Whats your ulam for today?" tanong nya sa akin ng maka upo kami. "Toccino.. Pinadalhan ako ni ate bervy ng pagkain nung weekends, e" nakangiti kong sabi. "Edi your mom is the one who cook that?" tanong nya habang nakaturo pa sa ulam ko. "Ah, o-o" medyo ilang na sabi ko. "Your mom must be a good and caring mother" nakangiti nyang sabi. Pilit akong ngumiti kay ald.. 'Kung alam lang nyang parehas lang ng ugali ang nanay namin'. Kumain kami ng tahimik habang ninanamnam ang simoy ng hangin at tsaka idagdag mo pa ang ganda ng tanawin. "You know what, I don't really understand why you call this school your way to your dreams" nakanguso nyang tanong. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "I just don't understand" sambit nya at sumubo ulit. Natawa ako. "Hindi mo naman kailangan indtindihin 'yon" sabi ko sa kanya. "Ang dapat na iniintindi mo ay yung sarili mong buhay" dagdag ko pa. "Tsk! I just want lang naman" nakanguso pa ulit nyang sabi. "Kj" mahinang bulong nya. "Hoy.. rinig ko yun, ah!" nakangiti kong sabi sa kanya. "Ewan sayo" sabi nya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Umiling na lang rin ako at tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Lagi na lang nyang ginagawang mahirap ang mga bagay na madadali.. Lagi rin nyang iniintindi ang mga problema ng iba kaysa sa problema nya.. Ngayon ko lang na realize na kahit nagkaka pareho kami ng nararamdaman ay nagkakaiba naman kami ng pananaw sa mga bagay bagay at lalo na sa buhay. Pero hindi ko maitatanggi na kahit ganon sya mag-isip ay masaya pa rin syang kasama. Madaldal kasi sya kaya di ka mabo bored. Kahit na minsan nga ay paulit-ulit na lang ang kinukwento nya ay ayos lang dahil sanay na ako. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Sakto naman na ipinatawag ako ni ms. derez dahil may itatanong daw sya. Ganon din si ald, ipinatawag sya ng dean dahil nandoon ang mga magulang nya. "Hope, anak, gusto ko lang malaman bakit yung sagot mo ay letter c dito sa number 40?" tanong sa akin ni ms. "Yung tanong po kasi, mali po" sabi ko kay ms. "Paano naging mali?" nagtatakang tanong nya sa akin. Ini-explain ko lahat kay ms kung saan nagkamali at kung ano yung dapat na ilagay don. "Tama ka nga" nakangiting sabi ni ms. "Pasensya na at hindi ko naayos ang tanong" dagdag nya. "Naku! Ok lang po 'yon" nakangiti kong sabi. "May itatanong pa po ba kayo?" tanong ko. "A-hh wala na" nakangiting sabi nya. "Pwede ka ng bumalik sa room mo" dagdag nya. Tinanguan ko sya bago lumabas ng faculty. Dumaan ako sa field dahil mas malapit yung daan na 'yon papunta sa room namin. Pero nahinto din ako ng may magtulak sa akin ng malakas. Sumubsob ako paharap sa lupa. Napakapit kaagad ako sa siko at tuhod ko dahil nakita kong dumudugo 'yon. "Masakit ba? Bagay yan sayo dahil malandi ka!" galit na sigaw sa akin ng isang babae. Lima silang babae na nasa harap ko ngayon at masamang masama ang tingin sa akin. Hindi ko sila kilala pero bakit nila ako tinulak? 'May ginawa ba ako sa kanila?' "Kung may nagawa man ako sa inyo, sorry" sinserong sabi ko habang nakayuko. "Hindi sapat ang sorry mo, boba!" sigaw nung isa bago lumapit sa akin at sabunutan ako. "Lagi kang sumasama kay ald.. Malandi ka!" sigaw nung isa at tsaka ako sinampal ng sunod-sunod. Napapikit ako sa sakit ng sampal tsaka idagdag mo pa na may sumasabunot sa akin na para bang kakalbuhin na ako. Tumulo ang luha ko ng maramdaman ang pagtulo ng dugo sa may labi ko. Wala pa ring tigil yung iba sa pagsabunot sa akin. Sabi na nga ba at dadating ang araw na mangyayari 'to sa akin dahil sa pakikipag kaibigan ko kay ald. Pero anong magagawa ko, e, yung mismong crush nila ang gustong makipag kaibigan sa akin. Masyado silang unfair... Nang mapagod sila sa ginagawa nila ay tsaka lang sila lumayo sa akin. Doon ko rin sila isa-isang napagmasdan. Mga freshmen sila dahil sa suot nilang lace. Mga bata pala sila tapos ganito na ang nagagawa nila. Ano na lang kaya ang mararamdaman ng mga magulang nila kapag nalaman nila na ganito ang ginagawa ng mga anak nila. May kinuha yung isang babae sa loob ng bag nya. Akala ko kung ano, alcohol lang pala. Naglagay sya sa kamay at tsaka iniabot sa iba. "Saglit lang, mag a-alcohol lang kami" nakangising sabi nung nanabunot sa akin kanina. Hindi ko sya sinagot bagkus ay tiningnan ko lang sila. Nang matapos silang maglagay ng alcohol ay isa-isa na nilang binalik sa akin ang mga paningin nila. Lumapit sa akin yung kaninang nanampal sa akin at tsaka walang sabi na ibinuhos sa akin ang alcohol. Napapikit ako ng may konting alcohol na nalagay sa mata ko. 'Ang hapdi'. Agad ko yung kinusot. "Oopps, sorry! Akala ko kasi dumi ka na kailangang linisin gamit ang alcohol" sarcastic na sabi nya at tsaka niyakag ang mga kasama nya na umalis. Nang makaalis sila ay tsaka lang ako nakatayo at pinagpagan ang uniform. 'Masyado akong nadumihan, lokong mga bata 'yon'. Pupunta na lang ako sa locker para magpalit ng uniform dahil alam ko na may inilagay ako doon. Nang makuha ko na ang damit ay tsaka ko isinara ang locker ko. Pero nagulat ako ng makita ko si ald na masamang nakatingin sa may tabi ko. "Bakit gan-yan ka na-man makatingin?" nakangiting tanong ko, pero kinakabahan ng konti. "What happened to you?" seryosong tanong nya. "Ah, e, kasi--" "Don't you dare na hindi mo na naman sasabihin sa akin ang reason" putol nya sa sasabihin ko. "Ayos lang ako" nakangiting sabi ko. "Lagi ka na lang bang ayos?" sarcastic na tanong nya. "Kailan ka naman hindi magiging ayos para mapaghandaan ko" dagdag nya. "Sorry" nakayukong sabi ko. "Ang to-too ay ina-away a-ko nung mga f-ans mo ata kanina sa field" medyo utal na sabi ko. "Sinampal nila ako at sinabunutan" dagdag ko pa. "Halata naman" seryoso pa ring sabi nya, pero nag-aalala ang mga mata. "Magpalit ka na tapos gagamutin ko yan" utos nya sa akin. Wala akong nagawa at nakanguso lang na pumunta sa restroom para magpalit. Nang makapagpalit ay lumabas na ako ng restroom. Nakanguso akong tumingin kay ald. "Tsk" inis na sabi nya at tsaka ako hinila. Natawa ako ng palihim.. Sobra ang pag-aalala nya sa akin. Niyakag nya ako sa spot at tsaka pinaupo sa upuan. "Stay here, kukuhanin ko lang yung emergency kit" sabi nya sa akin at tsaka tatakbong bumaba. Hala!? Kanina pa pala time, hindi ako naka attend sa klase. Patay ako nito sa mga teachers. Paalis na sana ako kaso naalala ko yung sinabi ni ald. Hindi yung ngayon kundi yung dati. Yung 'don't be afraid of cutting classes, kasama mo naman ako'. Kaya bumalik na lang ako sa upuan. Hindi ako ganito. Wag mong sabihin na tinatraydor na ako ng sarili kong puso? Kalokohan... Nawala ang pag-iisip ko ng dumating si ald dala-dala ang kit. Lumuhod sya sa akin at nagmamadaling inilabas ang mga kit. Ginamot nya muna ang sugat ko sa tuhod at siko bago tuluyang tumabi sa akin. Iniharap nya ang mukha ko sa mukha nya. Nagkatitigan tuloy kami. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin. Suminghal lang sya bago ibinalik ang tingin sa mga kit. Kumuha sya ng alcohol at naglagay sa bulak at tsaka ipinahid sa labi ko. "Ah!" react ko ng dumampi ang bulak na may alcohol sa labi ko. Hindi nya pinansin ang react ko at dinampi ulit yung bulak. 'Loko talaga sya'. Nang matapos syang lagyan ng alcohol ay sumunod naman nyang inilagay ang bulak na may betadine. Hindi sya masakit kaya naman hindi na ako nag react pa. Nang matapos sya sa paglalagay ay kumuha na sya ng ointment para daw mas mabilis gumaling yung sugat. Dahan-dahan nyang dinadampi ang isang daliri nya na may ointment sa labi ko. Naikapit ko ang kanang kamay ko sa palda ko. 'Nakakailang'. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Ang lambot talaga ng labi mo" bigla nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti syang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero nakipagtitigan din ako sa kanya. 'Ang ganda ng mata nya sa malapitan. Dug.. Dug.. Dug.. Wala sa sariling napatayo ako at tsaka huminga ng malalim. 'Bakit tumunog na naman yung puso ko? Ano bang problema nito?'. Wala sa sariling napatingin ako kay ald na gulat pa rin. "Ah, ok na yung ointment na nailagay mo" pagdadahilan ko na lang. "A-h ye-ah" wala sa sariling nasabi nya. Nginitian ko na lang sya at tsaka nilanghap ang simoy ng hangin. 'Siguro nga, hindi na talaga ako mauubusan ng problema, pero hangga't nandyan si ald, alam kong may palaging tutulong sa akin'. Nagpalipas kami ng oras sa spot at hinintay na lang na mag time para makauwi. Nang mag time na ay bumaba na kami ni ald para kuhanin yung mga gamit namin sa room. Inihatid nya pa ako sa may entrance ng village namin para daw sure na hindi na daw ako babalikan nung mga babae kanina. Nakangiti akong nagpaalam sa kanya ganoon din sya sa akin. Kaya nakangiti na akong tumalikod at naglakad. Sakto namang pagdating ko sa gate ng bahay ay sakto namang labas ni mama para ilagay ang basura sa labas at tsaka walang gana na tiningan ako. Yumuko pa ako bilang bati pero nilagpasan nya lang ako. Papasok na sana ako ng bigla syang magsalita. "Basagulera" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Pumapasok sa school para matuto, hindi para makipag away" sabi nya at tsaka humarap sa akin. "Ma" sabi ko habang nakatingin sa kanya at nangingilid ang luha. "Nakakahiya na may anak ako na gaya mo" sabi nya at nilagpasan ako. "Walang kwenta" dagdag nya bago tuluyang pumasok ng bahay. Wala sa sariling napatingin ako sa likod ng naglalakad na si mama. 'Hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon na mag paliwanag'. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD