18🌻

2201 Words
"Class, magkakaroon tayo ng recitation ngayon" sabi sa amin ni sir orbita ng makapasok sya sa room. "Sir naman?" "Hala! Di kami prepared" "Daya naman sir" Angal ng mga kaklase ko. Pero tinawanan lang sila ni sir. "Wag kayong mag-alala, hindi naman mahirap" nakangiting sabi ni sir. "Yown!" "The best ka talaga sir" "Pogi mo sir" "Ano po bang klase yan, sir?" Sabi na naman ng mga kaklase ko. "Gagawa kayo ng isang tula. Isang malayang taludturang tula" nakangiting sabi ni sir. "Kahit anong tema ang gusto nyo, pwede" dagdag nya. "Hala? On the spot po ba sir?" tanong ni mika kay sir. "Hindi! bibigyan ko kayo ng ten minutes para maggawa ng tula at tsaka nyo ipe-present sa unahan pagkatapos" paliwanag ni sir. "Ahhhhhh" sabi ng mga kaklase ko. "Pwede na kayong maggawa" nakangiting sabi ni sir. "Paalala lang, tagalog ah" dagdag pa ni sir. "Opo naman, sir" nakangiting sabi ng isa kong kaklase. Nginitian lang sya ni sir at sinenyasang maggawa na. Kumuha ako ng isang papel at tsaka nag-isip ng gagawing tula, bulok pa naman ako sa ganito. Ano kayang tema ang gagawin ko? Nahihirapan akong mag-isip dahil wala naman akong isip, joke hahaha. Sumulat na lang ako sa papel ng kung anong maisip ko. Ok na yun ang mahalaga may gawa. Nang matapos ako ay umub-ob na lang ako. Hindi ko naman kasi maistorbo si ald dahil seryosong seryoso sya sa ginagawa nya. Tama kaya yung ginawa ko? Baka mamaya mali pala, nakakahiya. Bukas na pala ang birthday ni ald, wala pa akong naiisip na iregalo, nakakainis. Wag na lang kaya akong pumunta? Pero sayang naman ang invitation na ibinigay nya sa akin kung hindi ako pupunta. At tsaka ayoko na may masabi ang ibang tao kung hindi ako pupunta lalo na at kaibigan ko si ald. "Ms. Loyola?" tawag ni sir. Pero ano nga bang ireregalo ko kay ald lalo na at wala naman akong pera. "Ms. Loyola!" tawag ulit ni sir. "Y-es sir?" nagpa panic na tayo ko. "Ang sabi ko sayo tayo magsisimula" nakangiting sabi ni sir. "Ah, pasensya na po medyo lutang ako" paumanhin ko pa. "Ayos lang 'yon, halika na rito sa unahan para mapakinggan namin ang ginawa mong tula" sabi pa ulit ni sir. Nahihiya tuloy na pumunta ako sa unahan dala-dala ang papel na pinag gawaan ng tula. Kabadong humarap ako sa buong klase. Nakita ko pa si ald na ngiting ngiti sa akin. 'Mukha syang clown'. Umiling muna ako bago sinimulang basahin ang pamagat ng tula. Bituwin Sa bawat segundong nagdaraan, Laging nasa isip ang iyong pangalan. Kung sakaling ika'y makamit ay isang karangalan, Ngunit maihahalintulad ito sa pagsuntok sa buwan. Tila ba ikaw ay nasa tuktok ng tore, Nakabalot sa telang may libo-libong pardible. Isa ka mang bulaklak sa matinik na hardin, Pilit na susungkitin makinang na butuwin. Nakangiti kong pagtatapos sa pagbasa ko sa ginawa kong tula. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at ang may pinakamalakas na palakpak ay si ald. Umiling na lang ako at nakangiting bumalik sa upuan. "Sino naman yang bituwin na tinutukoy mo, binibini?" nakangiting tanong sa akin ni ald. "Yung future husband ko, ginoo" matamis ang ngiting sambit ko. Sinamaan lang nya ako ng tingin at tsaka pumunta na sa unahan dahil sya ang sunod na mag pe-present. Ngumiti muna sya sa mga kaklase ko at tsaka ako nginitian ng todo. Kahit Ayaw Mo Na Kahit ayaw mo na, Ako'y patuloy pa rin na nahahalina. Gusto kong makasama ka, Yung tipong tayo lang dalawa. Haharutin kita, Kahit ayaw mo na. Kakanta pa ako kahit medyo sintunado, Kahit mali ang liriko at sablay sa tono. Sabay ilalabas ang mga rosas, At manonood ng mga bagong palabas. Kahit ayaw mo na akong makasama sa pagpapatas, Gusto ko ikaw lang yung kasama ko sa paglabas. Babasahan kita ng libro, Kahit medyo malat ang boses ko. Yung tipong i-aacting ko pa yung bawa't galaw ng karakter, Gagawin ko, basta don't break my heart harder. Ngiting ngiti sa akin si ald ng matapos sya sa tula nya. Nagpalakpakan na din ang mga kaklase ko kasama na ako don. Nakangisi syang umupo sa tabi ko. "Ayos ba?" nakangiti nyang tanong, nagmamalaki. "Oo" simpleng sagot ko. "Para naman 'yon sa future wife ko" nakangiti nyang sabi. "Because I want her to feel special everyday, every hours, minutes, and seconds" dagdag nya. Natawa ako. "Corny mo" nakangiti kong sabi. "Hey! That's not corny" angil nya agad. "That's what you call love" nakangiti nyang sabi na animoy nag i-imagine. "Psh! Ewan sayo" nakangiting iling ko at tsaka nakinig na lang sa mga kaklase ko na nagtutula. Nang matapos ang klase ay pumunta kami ni ald sa spot para kumain. Dito na nya ako niyayaya at hindi na sa may mini library ng room namin dahil mas masarap daw kumain kapag maganda ang tanawin. Puno ng tawanan at kwentuhan ang tanghalian namin. Masaya! Masaya talaga ako kapag kasama ko si ald. Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa tuwang tuwa na si ald. Paano kaya kapag dumating yung araw na iwanan nya ako? Magiging masaya kaya ako? O paano kung dumating yung panahon na hindi nga nya ako iiwanan pero ako yung may kailangan na iwan sya.. Kakayanin kaya nya? Teka! Bakit ba 'yon ang naiisip ko? Parang attach na attach ako sa kanya ang dating. Tsk! Erase! Erase. Ayokong maging ganoon ang ending namin. "Oh? Bakit di ka na tumatawa?" nakangiti at taas ang kilay na tanong nya sa akin. "Wala lang" nakangiti ko ng sabi. "You're always smiling" nakanguso nyang sabi. "Di ko tuloy malaman kung may problema ka ba o wala" nakanguso pa rin nyang dagdag. "Ikaw naman laging interesado kung may problema ba ako" nakangiti kong sabi. "Ayaw mo kasing magsabi e" ani nya. "Bakit gustong gusto mong malaman kung may problema ba ako o wala?" seryosong tanong ko. "Nag-aalala kasi ako sayo" seryoso na ring sabi nya. "Bakit naman?" curious pero seryosong tanong ko. "Dahil nakabasa ako sa isang libro na kapag ang isang tao daw ay palangiti--" putol na sabi nya bago ako tiningnan ng seryoso sa mata. "Marami daw 'yon dinadalang problema" dagdag nya. Hindi ako nakapagsalita o nakapag react man lang kaagad at nakipagtitigan ng seryoso sa kanya. Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita. "Nakikita mo bang may dala akong problema?" nakangiti kong tanong sa kanya. "H-uh?" naguguluhang tanong nya. "Ang sabi mo kasi ay ang mga palangiting tao ay maraming dala-dalang problema" nakangiti kong sabi. "Kaya tinatanong kita kung may nakikita ka ba na dala-dala kong problema" pigil ang tawang sabi ko pa. "Seriously?" di makapaniwalang tanong nya sa akin. "Tsk! Kahit kailan panira ka ng moment" iling na dagdag nya pa. "Hahahaha" tumawa lang ako sa sinabi nya. "Ewan sayo" iling na sabi nya. "Pero I must say na tama nga yung isa pang nabasa ko sa isang libro" nakangiti na nyang dagdag. "Ano na naman 'yon?" nakangiti kong tanong. "Eyes can't lie" nakangiti nyang sabi. "Totoo nga" sambit pa nya. "Syempre, eyes is the way to our soul, hahaha" tawang sabi ko. Natawa din sya. "Pero honestly" sabi nya. "You're silly yet cute" nakangiti na nyang dagdag. "Salamat, salamat kung compliment man 'yon" tapik pa sa balikat nyang sabi ko. "Psh! Ikaw anong masasabi mo sa akin?" galit kunwaring tanong nya sa akin. Ano nga ba?? "Ahmm" panimula ko. "You're the person who always makes me laugh and smile when i'm not in the mood to do so" nakangiti kong sabi. "English yun ah!" nakangiti nyang sabi sa akin. "Syempre" taas pa ang noong sabi ko. "I was touch" maliit ang ngiting gumuhit sa labi nya. "Minsan lang ako magsabi ng tingin ko sa isang tao" sabi ko sa kanya. "Kaya sana wag kang magbabago" seryosong sabi ko. Hindi sya nagsalita kaya tumingin na lang ako sa tanawin. Kada punta talaga namin ni ald dito ay hindi kami binibigo ng masarap na simoy ng hangin at tsaka ng magandang tanawin. "Paano" biglang salita ni ald kaya napatingin ako sa kanya. "Paano kung dumating yung araw na nagbago ako.. Anong gagawin mo?" dagdag na tanong nya. Masyado syang seryoso. "Tatanungin kita kung bakit! Bakit ka nagbago" simpleng sagot ko. "At kapag nasabi mo kung bakit.. Ok na! Bati na ulit tayo" nakangiti kong dagdag. "Sobra ang bait mo" simpleng ngiting sabi nya. Nginitian ko na lang din sya. Nang matapos ang tanghalian ay bumalik na kami sa room para sa afternoon class. Tahimik at maganda ang naging takbo ng afternoon class namin. Maraming ganap at marami ring pa quiz ang mga prof. Pero hindi naman nakaka stress ang mga quiz nila kaya keri lang. Nang matapos ang klase ay dali dali kong inilagay ang mga gamit ko sa bag. "Hope?" tawag sa akin ni ald. "Ow?" taas ang kilay na tanong ko. "Uuwi ka na ba agad?" tanong nya. "Malamang! Hindi naman kasi ako mahilig mag gala" nakangiti kong sabi. "Come with me" simpleng sambit nya. "Huh? Saan naman?" nagtatakang tanong ko. "Sa bahay" ani nya. "Sa bahay nyo? Anong gagawin natin don?" tanong ko sa kanya. "Basta" nakanguso nyang sabi. "Sabihin mo muna, please hope na maganda" nakangisi kong sabi. Hindi sya nagsalita kaya tiningnan ko sya. Namumula ang tenga nya, hahaha. "Yung tenga mo, namumula" nang-aasar na sabi ko. "Uy si ald, namumula ang tenga" dagdag ko pa. "Yeah! Stop it" nakanguso at nahihiyang sabi nya. "Haha, ganyan ka pala kapag nahihiya" patuloy pa rin sa pang-aasar na sabi ko. Hindi sya nagsalita at tsaka nakangusong binitbit ang bag at nagmamadaling lumabas ng room. Mabilis ko naman syang sinundan. "Huy, joke lang naman" nakanguso ko ng sabi. "Gusto mong mapatawad kita?" tanong nya at agad naman akong tumango. "Come to my house with me, then" nakangiti nyang sabi. Dug dug... Dug dug.. Teka! Kalma lang heart si ald lang yan walang malisya yon. "Tara na" yaya nya pa sa akin. "S-sige" pilit ang ngiting sabi ko. Nagpasundo si ald kaya nag-antay kami ng kaunting oras para hintaying si kuya mando, driver nya. Kaunting oras lang ay nakarating na si kuya kaya umalis na agad kami. Kaunti lang naman ang layo ng bahay nina ald sa school kaya nakarating kaaagad kami. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong na kami nina ate dolores ng may magagandang ngiti kaya ngitian ko din sila ganon din ang ginawa ni ald. Maya maya lang ay bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Masyado silang busy dahil bukas na ang birthday ni ald. Hinila ako ni ald pataas sa kwarto nya. Nang makarating kami doon ay pina upo nya ako sa single sofa. "Ano bang gagawin ko dito sa inyo?" tanong ko sa kanya. "May ibibigay at ipapakita ako aayo" nakangiti nyang sabi. "Ano naman yon?" tanong ko ulit. "Wait lang naman" tumatawang sabi nya. Pumunta sya sa closet nya at naghalungkat doon. Ano kayang hinahanap nya doon? Nang mahanap na nya ay iniabot nya sa akin yon. "Ano 'to?" tanong ko sa medyo malaking box na nasa hita ko. "Open it" nakangiti nyang sabi. Binuksan ko ang box. Napanganga pa ako ng makita kung anong laman noon. "B-bakit m-o ibinibigay sa a-akin 'to?" medyo utal na tanong ko. "I want you to wear it for tomorrow" ani nya. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. "May mga damit naman ako" dagdag ko pa. "Don't get the wrong idea" angil nya agad. "I just think its bagay sayo" nahihiya nyang sabi. "Psh! Bolero" iiling-iling na sabi ko. "Pero thank you" nakangiting dagdag ko at tsaka pinagmasdan ang damit. Napakaganda.. Maganda kaya ako kapag sinuot ko 'to? "Welcome" nakangiti nyang dagdag. "Ano palang gusto mong regalo? Yung kaya ko lang ah" sabi ko sa kanya. Natawa sya at tsaka nag-isip. "Kaya mo?" nagtatanong sa kawalan na sabi nya. "Pumunta ka lang, ok na" nakangiti nyang sabi. Napa iling na lang ako sa sinagot nya. 'Kailan pa naging regalo ang pagpunta?' "Tara sa labas ipapakita ko sayo ang ayos para bukas" nakangiti nyang yaya sa akin. "Sige" sabi ko at sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa baba ay sobrang ganda na ng ayos. Halatang halata ang enggrandeng handaan. Nang makarating naman kami sa may garden nila ay lalo akong napanganga dahil sobra ang ganda. Para kang nasa paraiso. Ano kayang mararamdaman ko kung sa akin mangyayari ang lahat ng 'to? Siguro 'yon na ang isa sa mga maituturing kong pinaka masayang araw sa buhay ko. "Ang ganda" nakangiting sabi ko sa kanya. "Yeah! Kahit ako nagulat na ganito kaganda ang kinalabasan" nakangiti rin nyang sabi. Masaya kong pinagmasdan ang lugar lalo na ang paglubog ng araw. "You know what, dati kapag umiiyak ako dito ako tumatakbo.. Its like my shelter" sabi nya, ang paningin ay nasa palubog rin na araw. Nakakainggit... "Buti ka pa alam mo kung saan ka tatakbo kapag umiiyak" seryosong sabi ko kaya napatingin sya sa akin. "Ako kasi hindi ko alam kung saan tatakbo" seryoso pa ring dagdag ko. "Hope" banggit nya sa pangalan ko. "Pero ngayon nakahanap na ako ng takbuhan" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti sya sa akin. "Can you be my comforter and shelter when everything goes wrong?" nakangiti kong tanong sa kanya. Sunod-sunod syang tumango habang nakangiti sa akin. Kampante na ako.. At sa piling nya 'yon. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD