19🌻

2864 Words
"Sumakay ka na sa kotse" nakangiti kong sabi kay ald ng ihatid nya ako sa labas ng village namin. "Pumasok ka muna sa village nyo" nakangiti nya ring sabi. "Mauna ka na" dagdag ko pa. "Eto na nga" nakanguso nyang sabi. "See you tomorrow" dagdag nya pa at tsaka kumaway sa akin bago sumakay sa kotse. Nakangiting umiling na lang ako at tsaka inantay na makaalis ang kotse. Nang makaalis na sila ay tsaka lang ako pumihit papasok sa village namin. "Close mo pala si ald" nakangiting sabi ni krisha. "Nakakagulat" nakangising dagdag nito. "Talaga namang magugulat ka" nakangisi ring sabi ni sedah. "Ano kayang gayuma ang ipina inom mo sa kanya noh?" sarcastic na tanong nya. "Aba! Ayaw kang sagutin" sabi ni krisha. "Pangit pangit naman tapos nag iinarte, pwe" dagdag nya at tsaka umakto na dumudura ng laway sa harapan ko. Nginitian ko na lang sila at tsaka mabilis na naglakad habang nakayuko. Ayokong makipagtalo sa kanila dahil kahit anong paliwanag ko kay mama hindi sya maniniwala. Nang makarating ako sa bodega ay dali-dali kong inilapag sa lamesa ang ibinigay sa akin ni ald. Magpapalit muna ako ng damit bago ko sukatin ang dress. Nang makapag palit ay sinukat ko ang dress. Medyo nagulat ako dahil kasyang kasya sya sa akin. Simpleng white dress lang sya pero backless sya tapos above the knee lang sya. 'Hindi ba masyado pala 'tong revealing?' Pero binili at ni request pa sa akin 'to ni ald, kaya baka magtampo sya sa akin kapag hindi ko sinuot. 'Sige! Isusuot ko na! Minsan lang naman 'to'. Pagkatapos kong maisukat ang dress ay ibinalik ko ito sa lalagyan at tsaka ako sumalampak sa kama. 'Ano kayang ireregalo ko don? Kahit naman sabihin nyang huwag na akong mag abala ng regalo alam kong nag e-expect pa rin sya kahit papaano'. Aha! Alam ko na kung anong ireregalo ko! Sana ma appreciate nya kahit super cheap at simple lang nito. Bumangon muna ako sa kama para gawin yung regalo ko. Ibibigay ko na lahat ng best ko dito kaya dapat ma appreciate nya. Nang masiguro kong ayos na ay tsaka lang ako bumalik sa kama. Nakangiti kong ipinikit ang aking mga mata. Ngayon ko lang ginawa 'yon kaya sana talaga matuwa sya. Na e-excite na tuloy ako na mag friday na! Sa sobrang ka excite ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay maganda ang ngiting bumangon ako. Nagmadali akong maligo at magbihis ng uniform dahil may klase pa kami. Akala ko nga wala ng klase kasi birthday ng anak ng may ari ng school, kaso hindi pala exempted 'yon, hahaha. Nakangiting naglakad ako papunta sa school. Habang tumatagal ang araw ay unti-unti ng nababawasan ang mga problema ko, nakakatuwa. Nang makapasok na ako sa school ay tatakbo ako papunta sa room. Panigurado kasing andoon na si ald. Nang makapasok ako ay hindi nga ako nagkamali dahil andoon na sya, naka dekwatro habang nagbabasa ng libro. "Birthday boy" nakangiting bati ko sa kanya ng maka upo ako sa tabi nya. "Thanks" nakangiti nyang sabi sa akin. "By the way, kumain ka na ba?" tanong nya sa akin ng isarado nya ang libro na binabasa nya. Nakangiting tumango ako. "Can you come with me sa canteen? Hindi pa kasi ako kumakain, e" nakanguso nyang sabi sa akin. "Hala? Bakit hindi ka pa kumakain? Marami namang pagkain sa inyo" sabi ko dito. "Tinatamad akong kainin yung pagkain sa house" nakanguso pa ring sabi nya. "Ewan sayo" sambit ko. "O sya, tara na sa canteen baka malutang ang birthday boy sa klase" nakangiti kong sabi at tsaka naunang tumayo. Tahimik ang canteen ng makarating kami. Maaga pa kasi at tsaka hindi din naman mahilig mag umagahan ang mga tao dito sa school. Umupo na lang ako sa table habang hinihintay si ald na umo order. 'Sana magustuhan nya yung simpleng regalo ko, hahaha' nakangising sabi ko sa aking isip. "Whats with the smirk?" nagtatakang tanong sa akin ni ald. Teka? Paano sya nakabalik kaagad dito? Nasa counter pa sya kanina, e. "Ah, wala lang may naalala lang" sabi ko. "Hmm" tangong sabi nya. "By the way, sabay ka sa akin sa tanghali" dagdag nya. "Lagi naman tayong sabay tuwing tanghali" nakangiti kong sabi. "No. what I mean is, sabay sa pag-uwi" saad nya. "Huh? Anong uwi? May klase pa tayo sa hapon" nagtatakang sabi ko sa kanya. "Nag request ako na half day na lang ngayon since lahat naman invited sa birthday ko" paliwanag nya sa akin. "Ah" yun na lang ang nasabi ko dahil dumating na yung order nya. Nagulat pa ako dahil inorderan nya din ako ng pagkain kahit sinabi ko ng kumain na ako. "Bakit meron rin ako? Kumain na ako" tanong ko sa kanya. "I just want you to eat more para kahit papaano tumaba ka" nakangiti nyang sabi. "Ang sama mo ah" nakanguso kong sabi sa kanya. "Just kidding" nakangiti nyang sabi. "Kainin mo na 'yan" dagdag nya. "Bakit nga? Kumain na nga sabi ako, e" nakanguso kong sabi. "I just cared for you lang naman, kaya kumain ka na dyan at wag ng magtanong" sabi nya at tsaka nagsimulang kumain. Wala na akong nagawa kundi ang kainin na lang din ang binili nya sa akin. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na din kami sa room dahil may klase pa kami. Hindi naman ganoong kahirap ang itinuturo kaya mabilis kaming natapos. Puro kami daldalan at kwentuhan ni ald hanggang sa magtanghali. Natawa pa ako dahil para kaming hindi nagkakasawaan sa mga mukha namin kahit lagi naman kaming magkasama. Nang magtanghali na ay hila-hila na naman ako ni ald papunta sa gate ng school dahil susunduin daw ulit sya. Nang dumating na ang sundo nya ay sumakay na kami. Sa kalagitnaan ng byahe ay ipinahinto ni ald ang sasakyan at tsaka hinila na naman ako. 'Anong gagawin namin dito sa park ng ganitong oras? Tirik na tirik pa ang araw'. Hinila nya ako sa bilihan ng ice cream. "Anong sapak mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Gusto kong kumain ng ice cream, e" sabi nya ng magbayad sya sa tindero. Iniabot nya sa akin ang isa. "Wala man lang thank you?" nakangusong tanong nya. "Edi, thank you" nakangiti kong sabi. Umupo kami sa upuan na bato. "Its really fun here" sabi nya habang nakatingin sa paligid ng park. "Oo naman" sabi ko rin. "Seventeen na ako" nakangiti nyang sabi. "Oo nga e, pagurang ka na, hahaha" sabi ko, nang-aasar. "Ang sama ah" nakangiti nyang sabi. "Joke lang" nakangiti ko ring sabi. "Deserve ko bang sumaya?" biglaang tanong nya sa akin. "Huh? Bakit mo naman naitanong" nagtatakang tanong ko. "Feeling ko kasi hindi ko deserve na sumaya" sabi nya, ang paningin ay nasa ice cream. "Ano ka ba! Lahat ng tao deserve sumaya" nakangiti kong sabi para kahit papaano ay gumaan yung mood ng paligid. "Feeling ko nga ang useless ko" dagdag nya pa. "Huwag kang mag-isip ng ganyan" sabi ko at tsaka sya hinarap sa akin. "Appreciate little things that you never noticed and you will be happy. The feeling that you deserve" nakangiti kong dagdag. "Sorry pala dahil lagi akong nagda drama sayo" pilit ang ngiting sabi nya. Nakakainis naman 'to e. Birthday na birthday ang lungkot! "Smile ka lang" sabi ko at tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi nya at tsaka hinila. "Hindi ka naman nagda drama, naglalabas ka lang ng saloobin mo" dagdag ko ulit. "Thank you" nakangiti na nyang sabi. Dumiretso muna ako ng kama ng maihatid ako ni ald. Medyo nagulat pa nga ako dahil ng maihatid nya ako ay binigyan nya pa ako ng pares ng heels, i-partner ko daw sa damit ko na ibinigay nya. Nung una ay tumatanggi pa ako pero sabi nya na birthday naman daw nya kaya wag na daw akong umangal at tanggapin na lang. Kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin. Iidlip muna siguro ako, mamaya pa namang six ang party nya, magpapahinga muna ako. Pero bago ako umidlip ay siniguro ko munang full ang battery ng phone ko dahil mag-a-alarm ako ng mga three thirty. Nang masiguro kong ayos na ay tsaka ko pa lang ipinikit ang aking mata para umidlip. Nagising ako ng sunod-sunod na tumunog ang alarm ko. Nag-unat muna ako bago tuluyang tumayo para maligo. Nang matapos maligo ay nag-ayos na ako. Inuna ko muna ang pagsusuot ng damit na ibinigay sa akin ni ald. Sumunod ay inayos ko ang buhok ko. Ginawa ko syang messy bun. At para naman sa mukha ko wala akong ginawa, ok naman siguro ang natural, hahaha. At ang huli kong ginawa ay ang pagsusuot ng heels. Nang matapos ako sa aking pag-aayos ay tsaka ko lang hinablot ang phone ko at tsaka lumabas ng bodega. Tiningnan ko ang aking relos kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko ng makitang five thirty na pala. Dali-dali akong naglakad palabas ng village. Medyo sumasakit na ang paa ko dahil naka heels ako. Baka bago pa ako makarating kay na ald, sugat-sugat na ang paa ko. Nang nasa labas na ako ng village namin ay napag desisyunan ko na pumunta muna sa waiting shed para hubarin muna ang heels. "Ms, hope?" tanong sa akin ng lalaki. Hindi ko sya kilala. Hindi ko pa sya nakikita, paano nya nalaman ang pangalan ko? "Ah, opo" magalang na sabi ko. "Sumama po kayo sa akin" nakangiti nitong sabi. "Po? Saan? Bakit po?" sunod-sunod na tanong ko sa lalaki. "Ipinapasundo po kayo ni Mr. Ald" nakangiti nya ulit na sabi. "Talaga po?" hindi kumbinsidong tanong ko kay kuya. Tumango naman agad sya. "Hindi po ba scam?" paniniguro ko. "Hindi po" sabi nito at tsaka tumawa ng mahina. "Ah, sige po, tara na" nakangiti ko ring sabi. Nang makapasok ako sa kotse ay gumaan ang pakiramdam ko. Isipin nyo 'yon, walang presensya ng ald sa scene na'to. Pero alam na alam nya kung kailan ko kailangan ng tulong, hahaha. Siguro alam nyang maglalakad ako dahil wala akong pamasahe tapos naalala nya pang naka heels ako, hahaha. Tsk! Ano ba naman 'tong iniisip ko, ang cringe. Nang makarating kami sa labas ng bahay nina ald ay nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ang iba't-ibang mamahaling kotse na nakaparada. Inalalayan ako ni kuya na sumunod sa kanya. Kung saan kami pupunta wala akong idea. Tumigil kami sa isa sa guest room nina ald. "Hintayin nyo daw po sya rito" nakangiting sabi ni kuya bago nag bow sa akin at tsaka umalis. Pumasok na lang ako at tsaka umupo sa kama at tsaka binuksan ang cellphone. Sana ma appreciate nya yung inihanda kong regalo sa kanya. Simple o mumurahin man tingan, pero para sa akin eto na yung pinaka mahal na regalo na maibibigay ko sa kanya. "Wow! You look stunning" bungad sa akin ni ald ng pumasok sya ng kwarto. Medyo nahiya ako ng konti ng sabihin nya yon. "Salamat" nakangiti kong sabi sa kanya. "Happy Birthday pala" dagdag ko pa. "Hmm, thanks" nakangiti nyang sabi sa akin. "Bakit pala dito mo ako pinapunta? Pwede namang sa living room nyo" sabi ko sa kanya. Hindi sya nagsalita at nagulat na lang ako ng lumapit sya sa akin at yakapin ako. "Gusto ko kasing ikaw yung unang babae na makikita ko" mahinang sabi nya pero sapat para marinig ko. "Ang bango mo ah" dagdag nya. "H-a?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Pero wala akong ginamit na pabango" dagdag ko pa. "May naamoy ako, e" sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin. "Amoy baby.. Baby ko" dagdag nya tsaka tumawa ng malakas. Kahit kailan para talaga syang luko. "Tara na nga sa baba, baka lalo lang ako ma tempt sayo" nakangiti nyang sabi at tsaka ako hinila pababa. Pababa pa lang sa hagdan ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil iba't-ibang elite class ang nakikita ko. Punong-puno ng classy at elegant ang mga aura nila, nakakamangha. Nagpaalam sa akin si ald na mamaya na lang kami mag-usap ulit dahil kailangan daw nyang sumama sa mga magulang nya para sa pesteng media na nandito ngayon. Pumunta muna ako sa may food area para magtingin tingin ng makakain. "Talagang pumunta ka nga dito" sarcastic na sabi sa akin ni jade mg makalapit sya sa akin. "Tapos ganyan pa ang suot mo? Hindi naman bagay" dagdag pa nya. "Ibinigay kasi sa akin 'to ni ald, gusto nyang suotin ko 'to" sabi ko sa kanya. "At talaga namang tinanggap mo?" mataray na tanong nya. "What a gold digger" sabi nya ulit at tsaka umirap. "Jade!" medyo napalakas na sabi ko sa pangalan nya. "Oh? Bakit? Nagagalit ka ba sa sinabi ko? Tunay namang gold digger ka" nakangisi nyang sabi. "Hindi ako ganon" sambit ko sa kanya. "Dahil kung ganon ako ay sa tingin ko marami na akong mamahaling gamit ngayon" dagdag ko. "Anong tingin mo sa mga suot mo? Mumurahin?" sarcastic na tanong nya. "Lahat yan expensive.. Capital E.X.P.E.N.S.I.V.E." dagdag nya. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa kanya dahil baka makagawa kami ng scene dito at masira ko pa ang birthday ni ald. "What the f**k!" galit na sabi ni jade kay ate dolores. "Nakita mo ng may tao dito, binunggo mo pa!" galit pa ring sabi ni jade. "Pasensya na ho, nagmamadali po kasi ako" pekeng ngiting sabi ni ate dolores. "Ugh! Whatever! Magsama nga kayo nitong si hope na gold digger" sabi nya at tsaka maarte kaming iniwan. "Ayos lang po ba kayo?" pagtatanong ko kay ate dolores. "Oo naman iha, ikaw ba ayos lang? Loko ang batang 'yon ah" sabi nya. "Ayos lang po ako" nakangiti kong sabi. "Oh sya! Maiwan muna kita ah? Madami kasing ipinapagawa sa amin" nakangiti nyang sabi. "Ah sige po" magalang kong sabi. Ngumiti pa ulit sya sa akin bago ako umalis. Nakakamanghang pagmasdan ang mga elite class na nag-uusap ng formal at may class. Kung naging elite class kaya ako, ganyan din kaya ang porma at pananalita ko? Sa kalagitnaan ng party ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya tatakbo ako kung saan may masisilungan. Pumunta ako sa mini kubo nila. Dito walang tao, walabg ingay kaya ok na dito. Inilabas ko ang phone ko at tiningnan ko kung nagana. Laking pasasalamat ko na lang at nagana pa naman kahit papaano. Eight na pala? Ang bilis ng oras ah! Asan na ba kasi si ald? Hindi ko pa ata maipapakita ang ireregalo ko. Inilabas ko ang phone ko at pumunta sa sound recorder at pinindot ang isang record file. '?Hi, ald! Happy Birthday sayo! Thank you pala kasi naging kaibigan kita.. Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sayo.? I found a love for me~ Darling just dive right in and follow my lead.. Doon na ako napangiti ng marinig ko ang pagkanta ko. Eto ang regalo ko sa kanya. Simple pero para sa akin sobrang valuable. Papakinggan ko na lang ito na para bang nasa tabi ko si ald at sabay kaming nakikinig. Sa piling nya ako unang nakakita ng karamay, kasangga, at kaibigan. Sa kanya ako nakahanap ng pagmamahal at pag-aalaga na hinahanap hanap ko kay mama. Sa kanya ko unang kinuwento ang ilan kwento ng buhay ko. Sa kanya ko naramdaman ulit yung saya na dati ko ng inaasam.. Wala sa iba at sa kanya ko lang nakita na makakasama ko sya sa libo libong miles na lalakbayin ko. Mahal ko na ba sya? Ewan! Hindi ako sigurado. Ayokong magmadali. Ayokong masaktan.. Kung mamahalin ko na sya, gigising ako isang araw na handa na akong sumugal. "Finally, found you" medyo hinigingal at nakangiting sabi ni ald. "Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. "Malamang hinahanap ka" simpleng sabi nya at tsaka umupo sa tabi ko. "Ano pala yang natugtog? Ikaw ba yung kumakanta?" tanong nya pa. Sunod-sunod akong tumango. "Yan lang kasi ang kaya kong--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin. "Thank you! Thank you!" sunod-sunod na usal nya. "Kahit yan lang ang regalo mo, para sa akin yan na ang pinaka mahal na regalo na natanggap ko" sabi nya. "Akala ko hindi mo magugustuhan" nakangiti kong sabi. "Nagustuhan ko! Sobrang gusto" masayang-masaya na sabi nya. "Pwede bang parinig ulit?" tanong nya sa akin. Nakangiting tumango ako. Kinuha nya ang cellphone ko at tsaka pinindot ulit yung file. "Ang ganda talaga ng boses mo" nakangiti nyang sabi. "Can I have this dance?" lahad ang kamay na tanong nya. Nakangiti kong ibinigay ang kamay ko at tsaka kami nagsimulang sumayaw. "This birthday of mine, is the best out of all my past birthday" nakangiti nyang sabi sa akin habang isinasayaw ako. Nginitian ko na lang sya. Hindi ko talaga maitatanggi na masaya talaga ako kapag sya ang kasama ko. "Ang ganda mo talaga" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Sobra ang ngiti nya sa akin kaya nginitian ko din sya. Hindi sya nagsalita at nakangiting nakatingin lang sa akin. Medyo nailang ako kaya iniiwas ko ang paningin ko at bahagyang lumayo. Pero ganon na lang ang gulat ko ng hapitin nya ang bewang ko palapit sa kanya at walang pasabi na hinalikan ang labi ko. Dug.. Dug.. ~Darling you look perfect tonight~ Kasabay ng paghalik nya sa akin ay ang pagtatapos ng kanta. —ckc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD