Chapter 35 Lallaine's POV Wednesday ng umaga, maaga akong bumangon dahil excited akong magpunta sa GotYou Publishing para i-submit ang chapters na natapos ko kahapon. Kahapon pagkauwi ko ay tinanong kaagad ako nila Mama kung bakit hindi ako umuwi, syempre ang writing camp pa rin ang dinahilan ko kahit na Lunes pa lang ay nakauwi na ako. Hindi ko maaring sabihin na kay Gabriel ako galing dahil hindi naman nila alam na may boyfriend ako. Sinabi ko rin na nag-day off ko kahapon kaya sa bahay lang ako. Good thing ay hindi dinala ni Alex o ni Lisa ang laptop kaya nagamit ko iyon para ituloy ang isinsulat ko. Halos buong araw akong nagkulong sa kuwarto kahapon at bumababa lang para tumulong saglit sa gawaing bahay, pagtapos ay sa kuwarto na lang ulit ako. At kagabi ay natapos ko ito. Pakir

