Chapter 36 Lallaine's POV Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ako nakipaghiwalay kay Gabriel para magkaroon ulit ng relasyon kay Nathan. Gusto ko lang siyang makita dahil isasauli ko ang blazer niya. Iyon lang 'yon! Pero mukhang hindi ko pa maisasauli dahil wala siya, nilabhan ko pa naman ito kahapon. Sayang. Si Bianca lang ang nandito ngayon at nagsusulat. Ang sabi niya kanina ay nag-resigned na siya sa dati niyang trabaho at mas nag-focus na lang sa pagsusulat. Malaki-laki naman daw kasi ang kinikita niya, sa payment galing sa kompanya at sa sales ng books niya. Sabi niya ay ganoon din daw ang karamihan sa co-writers namin, kaso bihira lang silang magsulat dito sa office dahil may sarili naman silang writing materials at space. Siya raw ay hindi pa nakabukod sa magulang niya, kaya wala siy

