Chapter 42 Lallaine's POV Nagkuyom ang dalawang kamao ko habang nakatingin kay Nancy. She's now kissing that guy, at para bang sayang-saya sila rito. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Nathan last night, na para sa taong mahal niya kaya ayaw niya nang umalis at nakasisiguro akong si Nancy iyon. Bago pa ako makapag-isip ng tuwid ay naglakad na ako papasok sa cafe nang hindi inaalis ang tingin ko sa, kanilang dalawa. Ang lakas ng loob niyang dalhin dito ang lalaki niya, nakalimutan niya siguro na dito nila kami hinatid noong galing kami sa Baguio. Nang makapasok na ako ay dumirerso ako sa table nila. Nakita kong si Josh lang ang nasa dining, siguro nasa kitchen si Ate Pau. Tumikhim ako habang nakatayo sa gilid ng mesa nila. Pero masyado silang abala sa isa't isa kaya hindi nila ako pinansin

