Chapter 43 Lallaine's POV Panay ang lingon ko sa pinto ng opisina ni Nathan, umaasa na kagaya noong huling gabing nag-stay ako rito sa GotYou para magsulat, nandoon lang pala siya sa loob. Dito ulit ako dumiretso para sana i-edit ang chapters ko. Pero nangangalahating oras na ako rito ay wala pa rin akong nasisimulat. Mas lamang sa akin ang pagtunganga at paglingon sa opisina ni Nathan. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa habang nakahawak sa ulo ko. Magmula nang matapos ksming mag-usap ni Nancy ay hindi na natahimik ang isipan ko. Hindi na nawala sa isipan ang mga sinabi niya, at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit nagsinungaling sa akin si Nathan. Why does he have to tell me that he's in a relationship just to prove me that he's moved on? Hindi ko alam kung totoo, p

