Chapter 44 Lallaine's POV Impit na tumili si Layla kaya kaagad ko siyang sinuway. Kaagad naman akong tumingin sa mga customers na kung hindi kumakain ay nagbabasa. Mukha naman wala silang pakialam sa pagtili ni Layla. Mahina lang iyon at hindi kasi nakakabahala. Bumalik ang tingin ko kay Layla nang muli siyang magsalita, ngiting-ngiti pa rin siya at kulang na lang ang magningning ang mga mata niya. "So, ano? Tuloy na ba ang love story ninyong nauglot?" Napailing ako sa kaniya. Nandito kami pareho sa counter, at sinabi ko na sa kaniya ang pagkikita namin ni Nancy at kung anong sinabi niya sa akin, pati ang pag-amin sa akin kagabi ni Nathan, kaya heto siya't parang bulateng naasinan at kilig na kilig. Samantalang ako ay hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko. "Pinaalala ko sa kan

