Chapter 45 Lallaine's POV Halos tulala lang ako habang nasa loob ng kotse ni Nathan. Tahimik siyang nagmaneho para ilayo ako sa cafe. Pakiramdam ko ay nakasilid ang puso ko. Wala akong maramdaman na iba kundi ang sakit, ngunit hindi ko iyon mailabas. Para bang gustong-gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa, kaniya nang tumigil ang sasakyan sa gitna ng isang tulay. Alam ko ang lugar na ito pero hindi ako madalas magpunta rito dahil sa trabaho. Isa itong tulay malapit sa cafe. Bihira lang itong daanan ng mga sasakyan dahil may bayad dito. Tumigil siya kanina para magbayad sa guard, akala ko kung saan niya ako dadalhin, pero tumigil siya sa gitna nito which means itong bridge talaga ang ipinunta namin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya sa akin. "Kaya ba k

