Chapter 53 Lallaine's POV Habang naliligo si Nathan ay inayos ko ang magulo niyang living room. Living room lang niya ang magulo, halatang dito siya natulog at uminom. Overall ay mukha naman siyang maayos at malinis sa bahay. May ilang bote na hindi pa bukas kaya inilagay ko iyon sa ref niya, at ang mga walang laman ay itinabi ko lang sa counter top niya. Saktong tapos niyang maligo ay tapos na akong maglinis. Nakasimangot ko lang siyang tiningnan nang lumapit siya sa akin. Naka-short lang siya at towel na nakasabit sa balikat niya, tama ang haba niyon para takpan ang matipuno niyang dibdib. "Sakto, tapos ka na. Uuwi na ako." Ibinigay ko sa kaniya ang gamot na binili ko. "Sa 'yo na, akala ko may lagnat ka kaya bumili ako niyan. Ikaw sna rin ang magtluto ng binili ko diya sa baba kanin

