Chapter 54 Lallaine's POV "So, ano nang status ninyo ni Tan?" may ngising tanong ni Layla habang nagliligpit kami sa mga mesa. Closed na ang cafe at maya-maya lang ay uuwi na kami pagtapos naming maglinis. Dahil sa naging abala sa trabaho ay ngayon ko lang nakuwento sa kaniya ang nangyari noong isang gabi at kahapon. Pati na rin ang pag-uusap namin ni Sir Jake. Pero mukhang wala roon ang pakialam niya dahil mas focus siya tungkol sa amin ni Nathan. Nauna na ulit umalis si Ate Pau, nagbilang lang siya ng kita ngayong araw at sa amin na binilin ang shop. Kaya minsan kapag napag-uusapan namin ni Layla ang mga gusto naming gawin kapag malaki ang kinita namin sa GotYou ay nagdadalawang isip ako. Kagaya niya ay gusto ko na lang din na magsulat o gumaan ang trabaho ko, kaya kung may opportuni

