Chapter 50 Lallaine's POV "Ate, kanina pa nagri-ring ang cellphone mo, hindi mo ba sasagutin?" Mula sa laptop ay binalingan ko si Alex. Nag-aayos na siya papasok ng school habsng dinudungaw ang cellphone ko. Ibinalik ko lang ang tingin ko sa laptop. Nag-e-edit ako ng chapter ko na kailangan kong i-submit ngayong araw. Wednesday ngayon kaya wala akong trabaho, mamayang after lunch pa rin ang appointment ko kay Nathan, kaya may oras pa akong asikasuhin ang chapter na hindi ko naasikaso sa mga magdaang araw. Kanina ko pa nga nakikitang may tumatawag, nag-silent na nga ako para hindi makagulo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusujko. Si Gabriel ang tumatawag. Hindi yata nasindak kay Nathan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatantanan. Ayoko rin siy

