Chapter 51 Lallaine's POV Isang oras akong tumambay sa GotYou building bago ko makuha ang review ni Sir Jake sa chapters ko. Sinabihan niya naman ako kaya inikot ko muna ang building. May mga nakausap ako writers ng kabilang team na nandito rin ngayon sa building, kaya kahit papaano ay hindi naging boring ang pag-tour ko. Pero hindi ko sila nakasama sa buong isang oras na iyon, okay na rin dahil sanay naman akong mag-isa kapag ini-entertain ko ang sarili ko. Ngayon ay nakabalik na ako sa office at kasalukuyang binabasa ni Sir Jake ang outline ng revision request ni Nathan. Wala siyang copy niyon kaya hiningi niya sa akin iyon para mabasa. Pinanood ko lang siya nang tumango-tango siya at ibinalik sa akin ang notebook ko. Sigurado akong naintindihan niya iyon dahil maganda ang handwriting

