Chapter 39 Lallaine's POV "Ate, inumaga ka na diyan?" Napatingin ako kay Alex nang bumaba siya sa kama habang inaantok pa ang mga mata. Napatinginako sa bintana at doon ko lang namalayan na umaga na nga, alas sinco na kaya asul na ang ang madilim pang langit. Kahit na nakapuwesto akosa gilid ng bintana ay hindi ko namalayan iyon dahil sa masyado akong tutok sa binabasa ko. Tatlong araw ko nang pinagkakaabalahan na basahin ang libro na isinulat ni Nathan, at habang binabasa ko iyon ay mas naiintindihan ko na kun bakit maraming nabaliw sa libro na ito. Puno ito ng inpirasyon atemosyon, maganda ang writings style at writing voice niya. Hindi ako makapaniwala. Dati ay gusto niya lan magbasa nang magbasa, hindi siya kagaya ko na pinangarap talagang maging isang manunulat, pero ngayon ay mas

