Chapter 38 Lallaine's POV "Wait! Review ulit natin ha," sabi ni Layla habang nakahawak sa may sentido niya na para bang sumasakit ang ulo niya. "Inamin mo na kay Tan kung bakit ka talaga nakipaghiwalay sa kaniya. Tapos muntik na kayong maghalikan, kaso biglang tumawag si Gabriel at si Tan mismo ang sumama sa 'yo para masundo ang boyfriend mo, and then he asked you to be his friend. Then nakipaghiwalay ka kay Gabriel." Binitiwan ni Layla ang gamit niya pamunas ng mga platong katatapos lang namin hugasan, saka siya nagpameywang habang nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa may sentido niya. "Kaya naman pala hindi mo na nagawang pumasok that day, kahit ako kung ganoon karami ang mangyayari sa akin sa loob ng kulang-kulang 24 hours ay hindi na ako papasok." Napailing ako sa kaniya at na

