Nagising ako nang marinig ang katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas-diyes na nang gabi. Imposibleng ang mga kaibigan ko ito dahil nagpaalam sila na magba-bar hopping sa buong isla. Hindi ako sumama dahil maaga ako bukas para samahan ulit mamalengke si Marco.
Palakas nang palakas ang katok ng tao sa labas ng kwarto kaya nagdesisyon na akong bumangon para silipin ito. "Sino 'yan?" tanong ko nang makalapit sa pintuan.
"Just open the f*cking door." I rolled my eyes when I heard her voice.
"What do you want?" tanong ko pagbukas ng pinto pero nagulat ako nang tumumba ang babae sa sahig.
"Ano ba 'yan, Beth! My goodness ang baho mo!" Bahagya ko pang tinataboy ang amoy nito sa hangin. Lasing na lasing ang babaeng ito.
Inalalayan ko ito makatayo at dinala malapit sa banyo. Mahirap na baka magsuka pa. "Please.. Layuan mo si Marco," saad niya.
Kumuha ako ng maliit na towel at cold water para ipunas sa kanya. Dinalhan ko na rin siya ng water para mahimasmasan ito. Kahit naman nagkaroon ng gulo sa'ming dalawa noong isang linggo ay matino pa naman pag-iisip ko para tulungan siya.
"Hoy! Sabi ko layuan mo si Marco!" sigaw niya malapit sa mukha ko. My God. Please. Help me.
"Where's your manners?" Iyon lang nasabi ko. Ayoko na makipagtalo sa kanya dahil antok na antok ako. Humandusay siya sa sahig at sinamaan ako ng tingin sabay nagsisisigaw na ito.
"I hate you!"
"Sa akin lang si Marco!"
"Wala kang karapatan sa kanya!"
“You scumbag b*tch!”
"Manahimik ka nga! Nakakaistorbo ka sa mga katabing kwarto!" Tinapalan ko ng towel ang bibig niya kahit pa nagpupumiglas ito. Mas malakas ako sa kanya ngayon dahil lasing na lasing siya.
Maya-maya ay umupo ito at tumalikod mula sa'kin. Unti-unting naririnig kong umiiyak na ito. "I love Marco.. I can't live without him."
“We’ve been together since teenage years-”
Okay. Hindi ko na kaya ang pinaggagagawa niya kaya sinubukan kong tawagan si Marco pero nakapatay ang cellphone niya marahil ay nalowbatt o busy siya sa restaurant. Nagdadalawang-isip ako kung iiwan ko ba si Beth para mapuntahan si Marco o hintayin ko na lang mahimasmasan ito.
Tinawagan ko si Nalla pero malabong makabalik sila agad dahil nasa dulong bahagi sila ng isla ngunit hindi nila kasama si Lizel kaya pinuntahan ko ito.
"Liz? Lizel.. Nandyan ka ba?" katok ko sa kwarto nila pero walang nasagot. Siguro tulog na ito dahil tinatawagan ko siya pero nakapatay din ang cellphone niya.
Wala na akong choice kundi puntahan si Marco sa restaurant para masabi niya kay Von ang tungkol sa kapatid niya.
Malapit na ako sa restaurant nang may matanaw ako. Sina Marco at Lizel na tila nag-aaway base sa gestures nilang dalawa. Kailan pa sila naging komportable sa isa't isa at nagagawa na nilang mag-away ng ganyan. Hawak ni Marco ang magkabilang braso ni Lizel na parang pinipigilan niya itong mahampas o masampal siya.
Naalala ko naman si Beth kaya nilapitan ko agad ang dalawa. "Marco!.. Lizel!" tawag ko sa dalawa para mapansin nilang parating ako.
Sabay na lumingon ang dalawa sa akin at agad na lumayo ng distansya sa isa’t isa. Sinalubong naman agad ako ni Marco.. "Hey. Akala ko matutulog ka na?" tanong niya.
Lumapit naman si Lizel sa'min na nakakunot ang noo. "Wait.. Bakit magkasama kayo? Nag-aaway ba kayo?" tanong ko.
"No."
"No."
Halos magkasabay na sagot nilang dalawa.
"Okay? Akala ko tulog ka na kasi pinuntahan kita sa room niyo," banggit ko kay Lizel.
"Oh?. Hindi ako makatulog kaya namasyal na lang muna ako tapos nakita ko siya," turo niya kay Marco.
I turned my gaze to Marco. "I see, by the way.. As for your question.. I was in deep sleep when Beth invaded my room." I gave him a flat smile.
"May nangyari ba? Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Okay lang ako... Si Beth ang mukhang hindi okay."
Tinawagan ni Marco ang bestfriend niyang si Von para malaman ang kalagayan ni Beth. Mabilis namin tinahak ang pabalik sa cabbana para abangan si Von doon.
Maya-maya nakarating siya at panay ang hingi ng tawad sa'kin. Habang kinukuha niya si Beth ay parang gusto na niya ito itali sa baywang niya dahil natutumba at paminsan-minsan ang pagyakap kay Marco.
"Marco, please. Ako na lang ulit!" sigaw ni Beth sabay iyak nang malakas hanggang si Von na mismo nagtakip sa bibig nito.
"Sorry talaga, Ice. Hindi ko naman alam na nag-inom pala ang kapatid ko," saad ni Von bago niya nagawang ilabas si Beth mula sa kwarto ko.
Bago sila umalis ay kinausap muna ako ni Marco. He really wants to court me.
"I'm sorry, Marco. I do like you but I'm not ready for this thing."
Marco confessed his feelings to me a week ago but I turned him down. I'm not ready for another relationship knowing my past keeps haunting me.
"I won't give up.. Just.. Just give me a chance." I just gave him a force smile before they left.
“Hey! Wanna sleepover here?” tanong ko nang makita kong pabalik na si Lizel sa kwarto nila. Niyaya ko muna itong mag-stay sa room ko since nawala na rin antok ko dahil sa nangyari.
"Are you okay?" tanong niya. Natawa ako sa pagiging maaalalahanin niya.
"Okay lang naman ako. Bakit ayaw mo ba akong kasama?" kunwaring nagtatampo kong tanong.
"I just miss my bestfriend," dugtong ko. She gave me a big hug. I miss her hug.
"Sorry ha," saad niya. "Wala akong magawa sa sitwasyon mo ngayon," dugtong pa niya.
"No. It's okay. Kung hindi mo ako tinulungan na makatakas.. Hindi ko na alam kung anong mangyayari." Napayuko siya sa sinabi ko.
"Ice? I'm really sorry." Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na humihingi ng patawad si Lizel.
"Girls! What happened?!" Hindi namin napansin ang pagdating nina Maan at Nalla. Mukhang nagmadali ang mga 'to na makabalik.
"Okay na. Wala na siya," saad ko. We spend the night together in my room.
"I really hate that witch!" Kinuwento ko ang nangyari at inis na inis na si Maan kay Beth.
"We can't blame her. Maybe she can't move on from Marco." Napatingin ako kay Nalla sa sinabi nito.
"Hmm wow sister-in-law to the rescue," Maan rolled her eyes.
"What? No! I hate her guts okay? As if you've already moved on from your ex," balik ni Nalla kay Maan.
"Girls? Chill lang kayo. Pwede?" Pumagitna na ako sa dalawa dahil malapit na magsabunutan ang mga ito.
Nag-abot ng tubig si Lizel sa dalawa. "Drink water. It's like you had a good shot sa bar hopping niyo kanina at naparami inom niyo."
••———————••
Nag-iinventory ako nang dumating si Marco. "I've waited for you the other day," saad niya.
"Sorry.. Late ako nagising at lowbatt ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapagsabi." Tuloy lang ako sa ginagawa ko dahil marami-rami ang pinamalengke ni Marco.
Sinadya ko talaga na hindi makasama sa kanya sa palengke. Iniiwasan kong banggitin na naman niya ang tungkol sa panliligaw sa'kin.
"Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong kasalanan?" Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang lungkot at sinseridad kaya tinamaan naman ako ng konsensya.
Hinarap ko ito at nakita ang lungkot sa kanyang mukha. "I just want to have a peaceful life.." panimula ko.
"Tinakasan ko ang pamilya ko sa Cebu para lang magkaroon ng katahimikan ang buhay ko.. Ayoko na ng gulo." Tila naguguluhan si Marco sa sinabi ko.
"Ipaintindi mo pa sa'kin. Please?" pakiusap niya.
"I was imprisoned by my parents before I came here." Ang kaninang malungkot niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat.
"It's not what you think, okay? I was imprisoned in our house. Basta it's too complicated that I don't want to talk about it anymore," mahabang explanation ko.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko nang mahigpit. "Hindi mo naman ako kailangan sagutin agad.. Gusto ko muna ipakita at iparamdam sa'yo 'to," saad niya sabay turo sa puso niya.
"I won't pressure you. I swear!" Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa kakulitan niya.
"Oh sige na at naiistorbo mo na ako sa trabaho ko.. Baka masermunan tayo ni Manang Sabel."
"Marcoooo?"
"Marcooo!"
"Marco! Nako itong batang 'to!"
Napatakip ako sa aking bibig dahil pagkasabi ko ng pangalan ni Manang Sabel ay narinig namin ang sigaw niya.
"Hinahanap ka na. Bumalik ka na doon!" Pagtataboy ko kay Marco.
Pagkaalis niya ay tumunog naman ang cellphone ko at nakitang natawag si Lizel. "What's up?"
"Gusto mo ba sumama sa City Proper?" tanong niya sa kabilang linya. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Malapit na pala ang out ko sa trabaho.
"Sige malapit na rin naman ako mag-out."
"Okay. We will wait for you here," sagot ni Lizel.
Mabilis kong tinapos ang inventory at saka bumalik sa restaurant para mag-early out. Nakahiwalay kasi ang imbakan ng mga ingredients sa restaurant kaya kailangan ko pa lakarin ito.
Naabutan ko si Manang Sabel na nakatanaw sa dagat mula sa kinauupuan niya sa labas. "Magandang hapon, Manang."
Nilingon niya ako at binigyan ng magandang ngiti. "Hija, tapos ka na ba? Uuwi ka na?" tanong niya.
Tinabihan ko ito sa kanyang inuupuan na bench. "Opo, Manang. Bakit po kayo nandito sa labas?"
"Hinihintay ko si Marco. May pinuntahan saglit."
"Pwede ka na umuwi, Linea. Mag-iingat ka ha," sambit nito.
Hindi na ako tumanggi pa dahil may lakad ako at hinihintay din ako ng mga kaibigan ko. "Sige po.. Ingat din po kayo, Manang " Bahagya ko itong niyakap bago pumasok sa restaurant para kunin ang mga gamit ko.
Maya-maya ay may kumalabit sa'kin. "Hi! Hatid na kita?" Dumating si Ariel na ipinagtataka ko.
"Nandito ka pala. Wala raw si Marco," saad ko.
"Si Marco nagpadala sa'kin dito," sambit niya. "Kung hindi raw siya makabalik agad, eh ihatid daw kita."
"Ahh okay? Huwag ka na mag-abala, Ariel.. Malapit lang naman hotel ko rito," pagtanggi ko.
Napakamot ito sa kanyang batok nang tumanggi ako. Pakiramdam ko tuloy ay mananagot siya kay Marco kapag hindi ako hinatid nito.
"Oh sige. Hatid mo na lang ako," saad ko nang matapos kong ayusin ang gamit ko. Nakita ko naman na nakangiti siya sa sinabi ko.
"Gotcha!"
Habang naglalakad napansin kong hindi mapakali ang kasama ko. "Is there something wrong?" tanong ko.
"H-Ha? Ano. . .I-I wanted to a-apologize for what happened to the Island." Alam kong nagsisinungaling ito dahil sa likot ng mata niya.
"Is that all o baka mayroon pa?" pangungumbinsi ko.
"W-Wala na."
Malapit na namin marating ang cabbana nang matanaw ko si Lizel na magkasalubong ang mga kilay habang nakatitig sa cellphone niya. Napatingin tuloy ako sa cellphone ko dahil baka tumatawag o nag-text siya ngunit wala naman.
Napalingon ito sa direksyon namin marahil naramdaman niya ang presensya namin at doon umayos ang kanyang mukha. "Why are you with that guy?"
"Hinatid lang ako," saad ko.
"Thanks, Ariel."
"No problem. I gotta go," paalam niya.
Matapos umalis ni Ariel ay mabilis akong nagpalit ng damit para sa pagpunta namin sa City Proper.
"Girls! Why so bagal? It's getting dark na," nakapameywang na saad ni Maan.
"Let's go!" sigaw ko.
We agreed to roam around the city since I've never been there at night. I suddenly miss the old days, whereafter we got wasted from the bar, we were toning down the alcohol somewhere else. I lost count of how many months I’ve been here since my friends came here. Being with my friends made me forget everything even the difficult times I’ve been currently dealing with.
We found ourselves in a small fair. It looks like an amusement park but in a small place. There's a mini Ferris wheel and I don't know what to call those flying stuff. We bought tickets and went to a horror house. How ironic when Maan is a scaredy-cat but she insisted on trying it.
“Oh My G!” malakas na sigaw ni Maan na ikinalingon namin sa kanya at sinundan ang tinitingnan niya.
It's Marco and Beth. Papasok din sila sa horror house. Hindi nila kami kita dahil nasa bandang likuran kami.
"Don't!" I stop the girls when they are about to call them. They got what I mean.
I felt betrayed by the way they talked to each other. They look like lovers when Beth clung to Marco's arm and the guy seems okay with that.