Kabanata 31 Hannan POV "HANNAH," napalingon ako sa babaing tumawag sa akin? "Pinuntahan mo ba si Henry?" nakangiting tanong ni Venus na naglalakad palapit sa akin. Ang sexy at maganda siyang tinggnan sa kanyang blouse at pencil cut skirt at di kataasang sandal nito. Larawan ng isang refine at eleganting babae. Mayaman ang pamilya ni Venus pero pinili nitong magtrabaho sa hospital bilang junior accountant. "Hindi, may sadya lang ako kay Dok Roland." ani kong nag-iwas ng tingin. Sa tingin ko mas makakabuti 'yon. Muli kong naramdaman ang bigat sa puso po pero umiling na lang ako. "Hannah, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Venus na hinawakan pa ang kamay ko kaya napahinto ako. "Ahh...ano wa--wala naman." hindi ko maiwasang mautal sabay iwas ng tingin. Mabigat ang pakiramdam ko kaya

