Kabanata 30 HANNAH POV "HOY GIRL bakit tulala ka ata?" untag sa akin ni Chelsea. Wala ang professor namin kaya nagpunta na lang kami sa coffee shop para magpalipas ng oras. May racket daw si Louie kaya hindi pumasok. Kaya kami lang ni Chelsea ngayon. "Any problem?" "Hindi ko alam kung problema, pero lately kasi, parang nagbabago na si Henry sa akin." sumbong ko dito. Ilang araw ko na kasing napapansing madalas siyang tahimik at malalim ang iniisip. "Baka nasanay ka lang na laging nandiyan ang jowa mo girl. Alam mo naman ang mga doctor laging busy. Sabi mo nga madalas na siyang nagre-report sa hospital diba." "Oo nga pero--- ah basta. Alam kong may mali eh. Hindi naman kasi siya dating ganun, pakiramdam ko lumalayo na siya sa akin ngayon." "Teka, gusto mo puntahan natin sa hospital?"

