Kabanata 40 MAINGAT KONG inililigpit ang mga gamit ko. Isang bag lang naman ang maari kong ituring na talagang sa akin. Dahil sa halos lahat ng mayroon ako ngayon ay si Henry ang nagbigay sa akin. Kahit naman nagtatrabaho ako bilang tulong na rin para makabayad sa pagpapa-aral niya sa akin. Kulang pa rin 'yon. Mabilis kong pinahid ang luha ko. Makakasama sa sa anak ko ang pag-iyak kaya ayaw ko nang umiyak. Wala na akong planong ipilit pa ang sarili ko kay Henry. Kung gusto niyang makipaghiwalay, tatangapin ko na lang kaysa pahirapan pa niya ako. Siguro kong sinabi lang niya ang totoong dahilan hindi naman ako magpipilit eh. Bakit kailangan pa niya akong pahirapan at saktan ng ganito. "Anong ginagawa mo! Dumagundong ang malakas na tinig ni Henry nang pabalyang bumukas ang pinto ng kuwar

