Kabanata 39 "PASENSYA NA, hindi ko naisip na seryoso si Karen nang i-send niya sa akin 'yan." anang ni Venus matapos ipakita sa akin ang larawan nila Karen at Henry. Hindi naman 'yon mukhang sweet o anuman. Pero magkasama sila ni Karen sa Singapore. May pareho pa kaming singsing. Hindi ba isa lang ang ibig sabihin noon. Sila pa rin ni Henry. Mabilis kong pinahid ang luhang nag-uunahan sa mata ko. At patunay lang ang nakita ko kanina. Pasimple kong hinimas ng t'yan ko ang biglang kumirot 'yon. Wala akong planong sabihin kay Venus na buntis ako, baka ipaalam pa niya kay Henry. At lalo lang akong madurog kung sabihin ni Henry na ipalaglag ko na lang ang anak namin. Dahil nagkabalikan na sila ni Karen. Hindi ko papayagang mangyari 'yon. Nang mahimasmasan ako ay saka ako nagpaalam na kay Ve

