Kabanata 38 ILANG ARAW pa ang lumipas. Walang naging pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Henry. Hindi na rin kami nagsasabay kumain dahil ayaw niya. Bibihira na rin kaming magkita dahil maaga siyang umaalis at late na rin kung umuwi. At pakiramdam ko lalong lumalala naman ang pagsama nang pakiramdam ko. Tapos na akong maligo nang umagang 'yon nang muli akong makadama nang pagsusuka at mabilis akong dinaluhan ni Norie. "Ma'am Hannah, hindi naman sa ano---kasi." nag-aalangang saad ni Norie. "Naisip ko lang hindi kaya buntis ka?" Noon ay napalingon ako kay Norie na hawak ang bathrobe ko. Bakit hindi ko naisip kaagad ang posibilidad na 'yon. Saka ko lang naalalang hindi pa nga pala ako dinadatnan. Magdadalawang lingo na pala. "Baka sakaling magbago ulit si Dok Henry kapag nalaman niyang bu

